Capitulo XXIII

327 5 0
                                    

Chapter 23: Liham





-----Samantha's Point of View-----





Kakarating lang namin ni Alex sa bahay galing sa airport. Hinatid kasi namin si Axel sa airport dahil babalik na siya sa States kasi may importante daw siyang asikasuhin. Hindi ko kasi akalain na dalawang araw pa lang siya rito sa Pinas ay aalis naman siya. Lumuwag na rin ang aking pakiramdam sapagkat wala ng taong tatakutin at kukulitin ako.



"Mabuti naman at umuwi na si Axel." Sambit niya.



Agad naman akong bumaling sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. "Bakit?" Bigla kong tanong sa kaniya habang kumunot ang aking noo sa pag-tataka.

Masaya ba siyang wala na ang kapatid niya dito sa bahay? Ang sama mo naman Alexander.

"Para naman hindi ka na niya guluhin." Naiinis niyang sambit at agad naman niya akong inakbayan.



Ahh kaya pala ganoon.



"Naku, huwag mo na akong alalahanin. Ayos lang naman ako." Nakangiti kong sambit sa kaniya.





"Pag-pasensyahan mo na si Axel, makulit lang kasi 'yon." Walang gana niyang tugon, ngumiti nalang ako ng pilit sa kaniya. Kahit ganiyan siya, concern pa rin siya sa kaniyang kapatid.



"Ayos lang 'yon ano ka ba." Natatawa kong sabi sa kaniya.



Agad naman akong napatingin sa kaniyang mga kamay na dahan-dahang naglakbay tungo sa aking beywang. Napatayo ako nang diretso dahil sa kaniyang ginawa.



"Sa susunod kapag pupunta ulit 'yan dito, lagot 'yon sa akin." Mariin niyang sabi saka tumawa ako ng malakas.



"Ano ka ba, kapatid mo 'yan. Kahit ganiyan ang kapatid mo dapat mahalin mo pa rin 'yan kahit papano. Lalo na't magkakambal kayo dapat magkasundo kayo sa alinmang bagay." Tugon ko sa kaniya, napangiti naman ako ng mapait dahil sa aking nasabi. Naalala ko tuloy si Kuya Stane.





"May kapatid ka rin ba?" Nagtataka niyang tanong sa akin.



"Oo meron." Simple kong sagot sa kaniya.



"Gusto ko silang makita lahat." Nakangiti niyang sabi, at ramdam kong namumula ang aking mga pisngi.



"Sa susunod na, makikita mo rin sila balang araw." Tugon ko sa kaniya.



"Why not, ngayon na? Gustong gusto ko na silang makikita." Nakanguso niyang sabi sa akin.



Agad naman akong nataranta, hindi ko dapat sabihin iyon baka malaman niya ang aking sikreto. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kaniya tungkol sa aking pamilya. Baka kapag malaman niyang mamamatay-tao ang magulang ko, baka lalayo ang loob ni Alex sa akin.



"May susunod pa naman eh." Nag-alinlangan kong sabi sa kaniya.



"Oo nga naman, saka na kapag hindi na tayo busy." Tugon nito.



"Siya nga pala, nasaan na ang magulang niyo?" Tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang natahimik dahil sa aking tanong.



Hala na-offend ba siya? May mali ba sa tanong ko?



"Hala, ayos lang na hindi mo sagutin tanong ko." Nataranta kong sambit.



"Wala na kaming pamilya." Walang gana niyang sambit. Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko akalain na wala na pala silang pamilya.



"Patay na kasi silang lahat. Kaming dalawa nalang ni Axel ang natitira. Sabi nila nasusunog daw ang bahay namin noon kaya kaming dalawa lang ni Axel ang naligtas. Buti naman at may nag-ampon sa amin at laking pasalamat namin ng dahil sa kanila ay nagiging successful kaming dalawa." Halo sa kaniyang boses ang lungkot. Ramdam kong kumirot ang aking dibdib dahil sa awa. Hindi ko kasi akalain na nanggaling din pala sila sa mahirap na buhay. Laking swerte nila at may nag ampon sa kanila para alagaan at ituring silang kadugo nila.



"Nasaan na 'yong mga taong nag-ampon sa inyo?" Tanong ko ulit sa kaniya.



"Wala na rin sila, nawala sila dahil sa malala nilang sakit." Malungkot niyang sabi.



"Pasensya na kung natanong ko iyan sayo." Malungkot kong sabi sa kaniya.



"Hindi ayos lang, atleast alam mo na kung saan ako nanggaling." Nakangiti niyang sambit. Agad ko naman tinapik ang kaniyang likod para naman hindi na siya lumungkot.



Bigla ko naalala ang aking pamilya, sobrang namiss ko na sila. Hindi ko kasi akalain na magiging ganito pala ang sitwasyon ko. Napabuntong hininga nalang ako.





"Are you okay?" Nag-alala niyang tanong sa akin.



"Ayos lang ako, namiss ko lang ang pamilya ko." Ngiti ko na may halong mapait.



"Gusto mo puntahan natin sila?"

"Huwag na." Agad ko namang sabi sa kaniya at kaagad naman kumunot ang kaniyang noo.



Napahinto kaming dalawa nang may biglang nag doorbell sa bandang gate. Kaagad naman kaming tumayo upang tignan kung anong mayroon doon, sumunod naman ako sa kaniya.





Pagdating namin sa gate ay may nakita kaming maliit na kahon sa sahig. Agad naman niyang kinuha ito at sinuri kung saan galing ang kahon na ito.



"Ah, ito pala 'yong na order ko sa shoppe." Malumanay niyang sabi saka tumingin sa akin ng seryoso.



"Shoppe?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.



"Nag order kasi ako sa online, may discount kasi kapag sa shoppe ako bibili. Kaya hindi ko akalain na dadating na pala ito ngayon." Nakangiti niyang sabi at saka siya umalis sa kaniyang kinatatayuan.



Susunod na rin sana ako nang biglang may napansin akong isang puting sobre na nakalagay sa gilid ng gate. Agad ko namang kinuha iyon at sinuri. Kumunot bigla ang aking noo nang makita ko ang isang pamilyar na logo.





"S.R.?" Nagtataka kong tanong sa aking sarili. Naging pamilyar naman ako sa logo na ito dahil ang ink na ginamit ay galing sa dugo ng hayop.





Kaagad ko naman itong binuksan at hindi ko akalain na isa itong uri ng sulat na galing kay Kuya Stane. Bakit nagpadala siya ng sulat? Agad ko naman itong binuklat at sinimulan ng basahin.





'Samantha, magkikita tayo sa parke may importante akong sasabihin sa iyo. Magkikita tayo mamayang madaling araw, hihintayin kita.'





Bigla akong kinabahan sa aking nabasa. Paano niyang nalamang nandito ako ngayon? Anong sasabihin ni Kuya? May mangyayari na naman bang masama? Napakagat lamang ako sa aking labi dahil sa kaba, kailangan kong makita si Kuya. Baka may masama siyang balita.

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon