Capitulo XXIV

320 8 0
                                    

Chapter 24: Balita



-----Samantha's Point of View-----







Alas tres na ng madaling araw at tapos na akong mag prepare sa lakad ko ngayon. Magkikita kasi kami ngayon ni Kuya Stane kasi may importante raw siyang sasabihin. Kinabahan tuloy ako kung anong maaaring balita ang ibahagi niya sa akin. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kahit anong mangyari sa aking utak. Kailangan ko pa ring tumatag sa sasabihin ni Kuya.





Dahan-dahan akong lumabas sa aking silid, agad ko namang tinignan ang kwarto ni Alex at laking saya ko na tulog pa siya. Bumaba na ako sa hagdan at lumabas na rin ng bahay. Sa paglabas ko ay nagmamadali akong naglalakad at dahil sa swerte ko ay agad kong pinara ang taxi at huminto naman ito, diretso agad akong pumasok sa loob.





"Sa malapit po na park Kuya." Sambit ko.







Nakalipas ang kalahating minuto ay nandito na ako sa parke kung saan dito kami mag-uusap ni Kuya. Habang nagtungo ako sa may bangko ay pansin kong may isang lalakeng naka upo, nakangiti ito sa akin at mabilis niya akong nilapitan.





"Samantha." Nakangiti niyang sabi saka niyakap niya ako nang mahigpit, niyakap ko rin siya pabalik.

"Namiss kita Kuya." Nalungkot kong pagkakasabi sa kaniya.



Ilang araw kaming hindi nagkikita at sa wakas ay nagkita na ulit kami ngayon. Tuluyang bumuhos ang aking mga luha dahil sa saya at sabik na aking nararamdaman.



"Kumusta ka na?" Nag-alala niyang tanong sa akin, agad naman niya akong inalalay sa pag-upo sa bench.



"Ayos lang ako Kuya, ikaw ba?" Balik kong tanong sa kaniya, saka ko pinahid ang aking mga luha.



"Medyo hindi ako maayos ngayon." Nag-aalinlangan niyang sambit at agad naman kumunot ang aking noo.



"Anong ibig mong sabihin?"





"Pinasa ni Daddy ang kaniyang posisyon sa akin bilang Uno." Walang gana niyang tugon sa akin.



Nanlaki ang aking mga mata sa balita na iyon. "Uno? Hindi iyan maaari." Hinding makapaniwala kong sabi.





"'Yon ang sinabi ni Daddy. Since isang buwan nalang at magpalitan na ng representante." Sambit nito.



Agad naman kumirot ang aking puso sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na siya ang pinili ni Daddy bilang UNO ng Rutherford Elite. Halata sa mukha ni Kuya na hindi pa ito handa at kinabahan pa siya. Matanda na kasi si Daddy at kailangan na niyang maghanap ng bagong UNO ng organisasyon namin. Mas lalo akong kinabahan kasi kailangan silang ma-test kung karapat-dapat ba talaga sila sa kanilang posisyon, sa pamamagitan ng pakikipaglaban.



"Hindi pa ako handa Samantha. Nalilito na ako kung ano ang dapat kong gawin." Mangingiyak-iyak niyang sabi.



"Kaya mo naman diba?" Nag-alala kong sabi saka tinapik ko ang kaniyang likod.





"Hindi, dahil magiging ama na ako Sam."



Nanlaki ang aking mga mata dahil sa balita. Hindi ako makapaniwala na si Stane ay magiging ama.



"Paano? Bakit magiging ama ka na? Bakit hindi ko alam iyan?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.



"Matagal na kaming nagmamahalan Sam, dalawang taon na kami. At hindi namin akalain na isang buwan na pala siyang buntis." Malungkot niyang sabi saka pinunasan niya ang kaniyang mga luha.





"Sino ba ang babaeng 'yan?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.



"Mas kumirot lalo ang aking puso na ang taong mahal ko ay magiging sunod na e-represent ng  Delteroz Elite." Hindi ko kasi alam na katulad din pala siya sa atin." Sa pagkasabi niya non ay agad nagsibuhusan ang kaniyang luha.





Napaiyak na rin ako dahil sa sitwasyon ni Kuya ay masyadong mahirap. Maganda ngang balita na magiging ama na siya ngunit ang magiging ina ng kaniyang anak ay kalaban din pala namin. May posibilidad na maglalaban ang dalawa lalo na't buntis pa ang babae.





"Nag-uusap na ba kayong dalawa?" Halata sa aking tono na akoy nag-alala.





"Magkikita pa kami bukas. Tsaka sa sitwasyon ko ngayon ay kailangan ko munang tanggihan si Daddy sa kaniyang alok." Malamig niyang sambit.



"Pero Kuya, alam mo naman si Daddy na ayaw na ayaw niya sa mga taong hindi sumunod sa kaniyang mga utos." Kinabahan kong sabi.





Kapag kasi tanggihan namin si Daddy mas lalo siyang magagalit at itakwil kami. Kakaiba kasi si Daddy sa ibang tatay, parang halimaw din siya kung umasta. Hindi rin siya marunong kumilala ng mga sarili niyang mga anak.





"Kailangan ko itong gawin alang-alang sa mag-ina ko Samantha." Tugon nito.





Napabuntong hininga nalang ako sa kaniyang sinabi. Tama nga si Kuya, kailangan niyang isakripisyo ang kaniyang buhay alang-alang sa kaniyang mag-ina. Mas importante kasi sa kaniya ang kaniyang mag-ina lalo na't magiging ama na ito. Hindi ko sinisi na Kuya ko itong lalakeng 'to. Laking pasalamat ko na hindi siya katulad ni Daddy.





"Kung ano ang magiging desisyon mo Kuya, support lang ako. Kung mayroon kang kailangan, huwag mo lang akong kalimutan." Nakangiti kong sabi saka hinawakan ko ang kaniyang kamay nang mahigpit.





"Sige Samantha maraming salamat. Kailangan kong harapin si Dad, handa 'kong tanggapin ang kaparusahan galing sa kaniya." Sambit nito.



Bigla tuloy akong kinabahan. Kung pwede lang na umuwi ako sa bahay at sabihan si Daddy na tigilan na niya ang kaniyang kahayopan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niya pa iyan gawin. Hindi ba niya lubusang maisip na may mga anak siyang nasasaktan?





"Siya nga pala Kuya, bakit alam mong nandoon ako sa bahay na iyon?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.



"Pinahanap kita ng private assassin ko. At laking pasalamat ko na andoon ka lang pala sa bahay na 'yon. Bakit nandoon ka sa bahay na iyon? Sino ba ang kasama mo roon?"





Kailangan ko bang sabihin? Hays saka na nga kapag wala na kaming problemang dalawa.



"Ahm sa kaibigan ko Kuya, kasama ko sa trabaho hehe." Sambit ko pero medyo kinabahan din ako baka mahuli niya akong nagsisinungaling ako sa kaniya.



Nakataas ang kaniyang kaliwang kilay at buong sinuri niya ang aking mukha. "Bakit? Anong problema?" Nataranta kong tanong sa kaniya.



"Kinabahan ka?" Nagtataka niyang tanong sa akin.



Agad ko naman inayos ang aking boses para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.



"Wala kaya." Sambit ko.





"Sige na nga, basta mag-iingat ka ha? Kapag may kailangan ka, padalhan mo lang ako ng sulat." Nakangiti niyang sabi saka ginulo niya ang aking buhok.





"Mag-ingat ka rin Kuya. Sana matapos mo na ang problema mo. Ingatan mo ang mag-ina mo Kuya kasi 'yan lang ang tanging yaman sa ating buhay." Nakangiti kong tugon sa kaniya.



"Balang araw ipakilala kita sa babaeng mahal ko, sa mag-ina ko." Sabi niya saka niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik.

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon