Chapter 34: Ang Pagtakas
------Samantha's Point of View-----
Nandito na ako ngayon sa parke inaantay si Alex. Gaya ng sabi niya kagabi, kailangan daw naming umalis sa lalong madaling panahon marahil ay papatayin ako ng kaniyang kapatid. Halos 30 minutes na akong nag-aantay dito ngunit wala pa rin siya sa aming tagpuan. Kinabahan tuloy ako dahil baka may nangyaring masama sa kaniya.
Hindi ako nagpaalam sa aking pamilya dahil baka hindi nila ako papayagan lalo na't wala silang kaalam-alam na may nobyo ako ngunit may sulat naman akong inihanda sa aking kama, incase hahanapin nila ako.
Hindi na ako mapakali, noon kasi on time dadating si Alex pero ngayon halos 30 minutes na pero hindi parin siya dumating.Nasaan na kaya siya? Alas sais na ngayon, pero may mga tao pa rin dito sa park. May dala akong bag pack, dala ko kasi ang mga personal things ko. Habang tumatagal ay biglang kumalam ang tiyan ko. Kaya naisipan kong pumunta nalang sa highway upang kumain ng street foods.
Pagkadating ko mismo sa stall ng fish ball ay agad akong kumuha ng isang stick na may fish ball na itinuhog at isinawsaw ito sa maanghang na sauce. Ang sarap talaga kapag street foods eh. Habang kumakain ko ay biglang may humintong puting van sa aming harapan. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Pagka bukas ng puting van ay biglang may lumabas na tatlong lalake na naka itim at may suot na maskara sa mukha. Nanlaki ang aking mata nang bigla nila akong dinakip at tinakpan ang aking ilong gamit ang panyo. Mabilis nila akong pinasok sa loob at kaagad naman nila itong sinara. Bigla akong nahilo dahil sa aking naamoy kaya agad kong hinawakan ang aking ulo at hinilot ito.Pilit kong magmasid sa paligid pero ramdam ko ang matinding sakit sa ulo ko. Hanggang sa napapikit ang aking mga mata kaya nawalan ako ng malay.
-
Nagising ako dahil sa malakas na ingay galing sa labas. Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at sinuri ang paligid. Nasaan ako? Bakit ako nandito?Nandito ako ngayon sa isang lumang bodega. Tanging ako lang ang nandito habang nakatali sa upuan, naka pwesto ako sa gitna ng bodega na ito. Masyadong madilim dito kaya tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa loob.
"Tulong! May tao ba rito?! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko para humingi ng tulong.
Pilit kong pinigilan ang aking mga luha, naiiyak ako dahil sa kaba. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari ngayon.
"Tulungan niyooo koooo pakawalan niyo na ako ritoooo!" Sigaw ko pero kasabay ng aking pagsigaw ay ang pag buhos ng aking mga luha. Napaiyak nalang ako dahil sobra akong kinabahan ngayon.
"Samantha.." Nanghihinang sambit ng kung sino.
"Si-sino ya-yan?" Nauutal kong tanong. Bigla akong kinabahan ng husto, Shit, sino ba iyon?
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...