Capitulo IX

442 14 0
                                    

Chapter 9: Mascara Ball Part 2





-------Samantha's Point if View-------



Kumunot bigla ang aking noo nang makita ko ang isang puting papel na naka pok-pok sa pangatlong gown. Agad ko naman itong nilapitan at binasa.



'Wear this, its suits you.'



Napataas lamang ako ng kilay sa aking nabasa. Pina-pili nga ako pero inutusan naman akong isuot ito. Gago ka ba Alex?



Wala akong magagawa kundi kinuha ko naman ito at tinanggal ang papel at dahan-dahan kong hinawakan ang silver long gown. Maganda nga ito, kaso kapag isusuot ko ito kita 'yong cleavage ko. 'Di bale na, ma try ngang suotin 'to.


Agad ko naman hinubad ang saplot sa aking buong katawan. At muli ay sinuot ko ang pina-susuot sa akin ni Alex. Pagkatapos kong nasuot ay agad naman akong tumingin sa harap salamin. Sobrang ganda ng gown na ito, fit na fit sa akin at kita ang tunay na hugis ng aking katawan. Napa side view lang ako upang makita ko ang kurba ng aking katawan. Totoo nga, bagay nga sa akin ito 'yon nga lang, masyado akong sexy. Pero ayos lang hindi naman ako makikilala ng lahat kasi nga mascara ball ang dadaluhan namin.





Lumabas na ako sa aking kina roroonan at doon ay nakita ko si Kris na nakaharap pa rin sa salamin habang si Alex naman naka upo sa couch habang nag cro-cross arms.



"Ayos lang?" Sambit ko.



"Ang ganda mo Sammy." Nakikilig na sambit ni Kris sabay lapit niya sa akin. Nginitian ko lang siya sabay palo sa braso niya.



Tinignan ko naman si Alex habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Problema ba niya?



"Pangit ba?" Tanong ko sa kaniya sabay tingin ko sa aking sinuot.

"Ayos lang, tara na at baka mahuli na tayo." Malamig niyang sabi saka tumayo siya at umalis na.

Ay parang wala lang sa kaniya? Di man lang sinabi na bagay na bagay sa akin tsk napaka bato naman.


Agad naman kaming dumiretso papunta sa parking lot kung saan doon naka park ang kotse, malamang. Naiilang ako sa pag-alis namin kanina kasi maraming naka tingin sa amin. Akala kasi nila artista kami hahaha pang Oscar kasi yung mga suot namin.



Naka pasok na kaming lahat sa kotse. Agad naman napalingon si Alex sa aking gawi kasi nga nasa back seat na naman ako.



"Transfer here." Giit niya. I just rolled my eyes and then lumipat na sa front seat. Para naman hindi niya na ako sigawan.

Padabog 'kong sinara ang pinto sabay tingin ko sa kaniya ng masama. Inirapan niya lang ako at nag start na siya ng engine. Napatawa nalang si Kris sa aming pinag gagawa.


Kita ko sa kalangitan na nagsimula nang dumilim. Hindi ko lubos akalain na ang bilis ng oras na parang kanina lang ay marami kaming ginagawa. Saan kaya gaganapin ang ball? Sana naman ay maging masaya ang gabi ko ngayon hihihi excited na tuloy ako pero nangibabaw pa rin ang kaba ko ngayon.



Nakalipas ang kalahating oras ay nagulat nalang ako sa aming pinuntahan. Hindi ko akalain na dito pala magaganap ang kasiyahan. Hindi ito maari.





"Where here." Seryoso niyang sabi.



Muli ko tinignan ang nasa labas na maraming naka park na kotse. At mayroon 'ding mga tao na nasa labas at ang iba naman ay pumapasok na.



"Sure ka ba? Dito magaganap ang kasiyahan?" Nagtataka kong tanong.



"Bakit? May problema ba?" Tanong niya sa akin sabay off niya sa makina ng kaniyang kotse.

Agad naman inabot sa akin ni Kris ang susuotin kong maskara at sinuot ko naman uto kaagad.



"Kris, just turn on your ear piece kapag kailangan kita ok? At ikaw naman babae, dapat palagi ka nandiyan sa tabi ko. Or else, kapag hindi ka sumunod mawawala ka at may mangyari sayong masama." Seryos niyang pagkasabi at napatango nalang ako bilang pag sang-ayon.



"Great, let's go."


Lumabas na kaming tatlo sa kotse habang suot-suot namin ang maskara. Nandito kami ngayon sa Infierno de Palacio. Ang palasyo na pinag mamay-ari ng Mafia Inc. Lahat ng opisyal o mga myembro ng incorporation ay may shares din. Therefore, ang palacio ay pagmamay-ari ng lahat.

Ang lugar na ito ay parang isang high class na hotel. Kung saan dito magaganap ang selebrasyon ng iba't ibang organisayon sa buong mundo. Kasi nga, ang Rutherford Elite ang pinaka makapangyarihan na organisasyon. Pangalawa naman ang Zaltero Elite at panghuli ang Delteroz Elite. Paano ito eh rank? Let's just say, paramihan ng yaman sa buong angkan. So, nangunguna kami since we have a lots of property and illegal business outside world just like drugs, guns etc. Pangalawa, eh rank din ito ayon sa mga boto ng mga taga Infierno (lahat ng mga tao na kasali o rehistrado sa loob ng Infierno.) Ang mga rehistrado? Well, mga mamamatay tao. May mga gangster at mga iba't ibang grupo ang mga ito. Pangatlo, eh rarank ang every representative each Elite. Ibig sabihin ay kada representante kada elite ay maglaban-laban. At nangunguna pa rin ang angkan namin since si Daddy ang taga pagmana around 10 years.





Pero after two years, may papalit din sa kani-kanilang trono. Papalitan sila as Mafia leader ng kada elite. Kaya siguro may katandaan na rin ang mga representante kasi nga namumuno sila ng buong sampung taon.





And I'm pretty sure na si Kuya ang gagawing mafia leader ng Rutherford Elite. Since magaling siya sa lahat ng bagay. Alam kong ayaw ni Kuya na maging mafia leader sa aming angkan ngunit iba si Kuya. Kailangan niya'ng gawin 'yon para sa ikabubuti ng aming Ama. Upang hindi rin magagalit si Daddy at itakwil si Kuya. Kagaya ko, itinakwil na ako sa aming pamilya kasi nga tinuring na akong traydor ng aking ama for sure.



Kasalukayan ay nandito kami ngayon sa main hall kung saan dito magaganap ang selebrasyon at magsasalita ang mga guests. Marami na ang mga tao ngayon at halata sa kanila rito na kabilang sila sa tatlong elite. Exclusive lang ito ng mga katulad nila. Kasi nga isa itong Royal celebration pero hindi ko pa alam kung anong magaganap ngayon. Pero agad naman ako nagtataka kung bakit nandito kami sa lugar na ito.




Agad ko naman tinignan si Alex habang sinuri niya ang buong paligid. Ano nga ba ang gagawin namin dito? Kasi nga diba exclusive lang to sa katulad namin. Posible kayang kabilang siya sa amin? Hindi maaari..

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon