Capitulo XXVI

330 7 0
                                    

Chapter 26: Sagot sa Tanong




 -----Samantha's Point of View----- 





 'Please meet me at the garden.' 




 Bakit? Anong meron? Dahil sa note na iyon ay kaagad naman akong nagtungo sa garden. Dahil sa curiosity ay hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Ano kayang ginawa niya roon?Pagpasok ko sa loob ng garden ay nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikita. 



Namangha ako sa ganda ng kapaligiran ngayon, lalo na't nabigyan ng liwanag ang mga sari't-saring bulaklak. Mayroon kasing christmas lights na nakapalibot sa buong lugar na ito. Mayroon ding mga lights na nakasabit sa mga punong kahoy. Hindi ako makapaniwala sa ganda ng gabing ito. Kaagad naman akong nakatingin sa malayo. 



Nandoon si Alex sa gitna kung saan may hugis pabilog na mesa sa gitna at may dalawang bangko. Prente siyang nakatayo at may hawak ng bouquet of red roses. Nakangiti lang ako dahil napaka gwapo niya ngayong gabi.Suot kasi niya ang puting long sleeve na medyo makikita ang kaniyang katawan at inan-button niya ang dalawang batones upang makita ang kaniyang chest. Tsaka nag shorts na rin siya ng maitim.



 "Flowers for you." Seryoso niyang sambit saka binigay niya sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko naman ito at inamoy, napaka bango ng mga rosas na ito. 



 "Maraming salamat." Nakangiti kong sabi sa kaniya, agad naman niya akong inalalay umupo at umupo na rin siya.Sa mesa namin ay mayroong iba't ibang pagkain din na nakahanda. Mayroon ding red wine saka may flower vase rin sa gitna. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa set up ngayon. 



 "Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. 



 "Wala lang, I mean hinanda ko ito para sa magiging special date nating dalawa." Nakangiti niyang sabi saka nilagyan niya rin ang red wine sa aking baso. 



 "Kaya pala wala ka sa bahay buong araw." Natatawa kong sabi sa kaniya. 


 "I'm sorry. Kasi inaasikaso ko lang talaga ito." 



 "Ayos lang, sobrang ganda ng ginawa mo." Nakagiti kong tugon sabay thumbs up ko sa kaniya. 



"Talaga? Nagustuhan mo?" Hindi niya makapaniwalang tanong. 



 "Oo, nagustuhan ko. Tsaka hindi ko inexpect na magagawa mo ito." Sabay hawak ko sa kaniyang kamay, agad naman siyang napatingin sa aming kamay at agad ko naman binitawan. Ngunit bigla naman niyang hinawakan ang aking kamay. 

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon