Capitulo XXXII

348 4 0
                                    

Chapter 32: Mensahe 





 ----Samantha's Point of View---- 





Nakalipas ang isang buwan ay sabay-sabay naming sinalubong ng aking pamilya ang bagong taon. Nakatingin lamang ako sa kalangitan dahil naaliw ako sa mga disenyo at ibat-ibang kulay ng fire works. Napangiti na lamang ako dahil sa kasiyahan sa aming paligid. Nandito kasi ang iba kong pinsan at mga kamag-anak namin. Nanggaling pa sila sa Europe at kahapon lang sila nakarating dito sa Pinas. Ang saya ko dahil kompleto na kaming lahat sa bahay, ngunit ramdam kong may kulang pa. 



 "Let's have a toast Sam." Masayahing sabi ng aking pinsan na si Keisha. 



Isa siyang half European at half Filipino. So halata sa kaniya ang matured at magandang mukha. She's only 20 years old at parang ka edad ko na siya. Ngunit kapag ikokompara kaming dalawa ay mas matured ang mukha niya keysa sa akin. Ganiyan naman talaga kapag may lahi kang foreigner. May katangkaran din siya pero mas matangkad ako keysa sa kaniya. Mahabang kulay gray na buhok at makapal na pulang lipstick sa kaniyang labi. May pagka bitchy din siya pero napaka war freak niya kapag may kaaway ito sa school nila.



"Cheers." Nakangiti kong sambit sa kaniya sabay angat ko ng aking wine glass bilang pagbati. 



"It's been two years since hindi tayo nagkikita." Halakhak niya.  Halata sa kaniyang boses na parang lasing na ito. Pero kahit anong inom niya ng mga alak ay hindi pa rin siya natitinag. 



"Kaya nga eh, gumanda ka na lalo." Saway ko sa kaniya saka ininom ko ang wine. 



 "Ikaw din naman Ate Sam. Nag blooming ka na kasi eh, may nobyo ka na no?" Pang-aasar niya sa akin. 



 Agad ko naman tinakpan ang kaniyang bibig upang hindi nila marining ang kaniyang sinabi. Masyado kasing malakas ang kaniyang boses. Buti naman ay abala ang lahat sa selebrasyon. 



"Huwag mo nga lakasan ang boses mo baka maririnig ka nila." Naiinis kong sambit. 



 "So totoo nga?" Kanchaw niya sa akin. 



 "Wala akong nobyo ano ka ba." Sambit ko sabay iwas ko ng tingin sa kaniya. 



 "Hmmm 'yang tingin ate ha? Halatang nagsisinungaling ka." Nakanguso niyang tugon. 

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon