Chapter 10: Meet Lhord Devilinous
--------Samantha's Point of View------
Posible kayang kabilang si Alexander dito? Agad naman akong napabaling sa kaniya dahilan sa paghawak niya sa aking beywang. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa beywang, sinenyasan ko siya na alisin niya ang kaniyang kamay sa aking beywang, ngunit hindi pa rin ito nagpapatinag.
Nagtaka ako kung bakit hindi siya naka tingin sakin kaya sinundan ko kung saang direksyon siyang nakatingin. Laking gulat ko nang may isang lalaking nakatingin sa akin sa direksiyon ng tinitingnan ni Alex.
Napalunok ako, hindi ako komportable sa kanyang pagtitig sa akin kaya umiwas ako at binaling ang aking paningin sa ibang direksiyon.
Napakagat ako sa aking labi dahilan sa paghigpit ng pagkahawak ni Alex sa aking beywang, agad ko naman pinutol ang kanilang pagtitigan nang kinaladkad ko paalis si Alex.
"Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya saka ko siya binitawan.
"I'm not comfortable to him kaya huwag kang lalapit sa kaniya, baka may mangyaring masama sayo." Pagbabanta niya sa akin.
Napa buntong hininga na lamang ako. Napabaling kami sa nagsasalitang emcee na ngayon ay nandoon na sa stage, habang nagsasalita ito ay nagmamasid ako sa paligid, nagbabakasali na makita ko ang aking kapatid. Hindi ako naman nagkakamali, nandito nga siya pero may kasama siyang babae? Sino 'yang kasama niya?
Base sa obserbasyon ko, para silang nagtatalo ng palihim. ''Hmmm sino kaya 'yang babae na iyan?'' sambit ko sa sarili.
"Let us all welcome the great Lucas Rutherford!"
Napaayos ako ng tayo nang tinawag na ang pangalan ng aking ama. Suot niya ang kulay gray na suit pero hindi niya sinuot ang maskara niya. Napailing nalang ako dahil sa pinag gagawa na niya, binigyan niya lang ang kaniyang sarili ng kapahamakan. Isa kasi siyang President ng Mafia Inc. At isa rin siyang rank one mafia boss sa lahat ng mafia institution.
Lahat ng representative ng kada Elite ay palaging may suot na maskara upang hindi sila makilala ng lahat at para iwas na rin sa kapahamakan, ngunit ang aking ama ay napakatigas ng ulo.
Nang nandoon na siya sa stage ay nagsitahimik na ang lahat. Marami ang nasisiyahan sa kaniyang pagdating, marami kasing sumusuporta kay Daddy dahil marami na siyang natutulungan.
"Maraming salamat sa mga dumating ngayon especially sa mga taong malalapit sakin, sa gabing ito ay e-celebrate natin ang anniversary ng ating organisasyon kung saan ito ay tutumulong sa atin upang tayo ay umunlad. Hindi ko na ito pahahabain pa at eenjoy lang natin ang gabing ito, maraming salamat sa inyong lahat." Seryoso niyang sabi at tsaka nagsipalakpakan ang mga tao rito sa loob.
Agad naman nag ingayan ang mga tao dahil sa galak at excitement na nararamdaman nila ngayon.
"Let's enjoy this night Sam." Sabi ni Alex sabay kuha sa red wine na sinerve ng waiter.
"Hindi ako komportable Alex, parang kinabahan ako." Sabi ko sa kaniya sabay hawak sa kaniyang braso.
"Bakit naman? Huwag kang kabahan magiging maayos din ang lahat." Walang gana niyang sabi, tumango na lamang ako.
"Siya nga pala, anong meron dito at bakit tayo nandito?" Nagtataka kong sambit sa kaniya, saka siya lumingon sa akin at tinignan ng seryoso.
"I am invited here to my friend. So ayon, napasama rin ako rito kasi nga may inuman." Sabi niya sabay kindat niya sa akin.
"Tama na nga iyang pag-iinom mo. Nakakasama iyan sa kalusugan." Pilit ko sanang kunin ang basong hawak-hawak niya ngunit hindi ko ito maabot. Hays gago ka talaga kahit papano.
"No, ang sarap mag inom Sam kaya lubos-lubosan ko na." Halakhak niya. Halata na sa kaniya ang pagka lasing. Grabe naman kasi ang tapang ng drinks na 'yon. Paano kami makakauwi? Lasing na lasing na siya.
"What? Sige, papuntahin ko siya diyan." Sabi niya habang may katawag siya mula sa ear piece.
"Puntahan mo si Kris sa labas parang hinahanap ka niya." Tugon niya sa akin.
"Sige, lalabas muna ako at hahanapin siya." Sagot ko sa kaniya, saka umalis sa aking kinatatayuan.
Habang palabas na ako ay marami pa ring taong nagsiksikan papasok sa loob ng hall, medyo nasikipan ako pero nakaraos din naman ako sa paglabas. Nagpatuloy ako sa paglilibot pero napansin kong walang katao-tao rito. Nasaan na kaya si Kris? Ang sabi ni Alex ay nandito lang siya at hinahanap ako? Bakit wala siya?
Bigla akong kinabahan dahil may kutob akong may masamang mangyayari ngayon. Aalis na sana ako nang biglang may humarang sa akin ng isang lalaki na may suot na maskara. Prente lamang siyang nakatayo habang naka pamulsa ang kaniyang dalawang kamay. Diretso lang ang tingin ko sa kaniya, pamilyar siya sa akin at para bang nagkita na kami.
Imbis na pansinin ko siya ay umalis na lamang ako, ngunit nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking braso, kaya napabaling ako sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" Nataranta kong sabi. Pilit kong tinatanggal ang kaniyang kamay sa aking braso ngunit hindi ko magawa itong tanggalin.
"Huwag kang aalis." Malumanay niyang sabi, sabay tingin niya sa aking dibdib. Halata sa kaniyang nakainom siya dahil sa amoy alak niyang hininga.
"Anong gagawin mo sa akin?" Kinabahan kong tanong.
"Magpakilala lang sana ako sa iyo." Nanlaki agad ang aking mga mata nang bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya, naging malapit kami sa isa't-isa, bigla niyang hinawakan ang aking beywang na siyang ikinagulat ko.
Hindi ako makapag salita, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw makatakbo para magsumbong kay Alex.
"You're so sexy and beautiful, Miss. I want to know you, what's your name?"
Nagsitayuan ang aking mga balahibo dahil dahan-dahan niyang hinimas ang aking pisngi. Hindi ako sumagot sa kaniyang tanong.
"Ano bang kailangan mo?" Naiirita kong tanong sa kaniya. Pilit ko talagang makaalis sa aking kinatatayuan ngunit mahirap. Dahil napaka lakas ng kaniyang pwersa. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi pababa sa aking leeg at napahinto lamang ito nang ang kaniyang mata ay nasa direksyon ng aking dibdib.
Hindi ako mapakali baka e-rape ako ng taong ito. Agad kong tinadyakan ang kaniyang tuhod at dahil doon ay napaluhod ito dahil sa sakit. Agad naman akong tumakbo pabalik sa loob ngunit napatili lamang ako sa takot nang hinablot niya ang aking braso at kinaladkad niya ako pabalik.
Napaiyak lamang ako sa takot at hapdi na natamo ko sa pagkakahawak niya sa aking braso. Napaka diin ang pagkakahawak niya at kitang-kita ko sa aking mga mata na namumula na aking balat sa braso.
"Tama na, please!" Mangiyak-iyak kong sabi sa kaniya.
"Sinubukan mo pa talagang tumakas ha?" Napipikon niyang tugon sabay tinulak niya ako sa lupa. Napa inda ako sa sakit dahil sa pagtulak niya sa akin. Napa hagulhol lamang ako sa iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Please, pakawalan mo na ako." Pag mamakaawa ko sa kanya.
Agad naman siya pumaibabaw sa akin habang mariin niyang hinahawakan ang aking dalawang kamay mula sa itaas ng aking ulo.
"Kilala mo ba kung sino ang iyong tinatakasan?"
Nagsitayuan ang aking balahibo dahil sa kanyang pagsasalita. Nakakatakot ito pakinggan at halatang gustong-gusto niya akong gahasain.
Hindi ko lang siya sinagot at patuloy lamang ang pagbuhos ng aking mga luha.
"By the way, I'm Lhord Devilinous."
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...