Capitulo III

754 20 0
                                    

Chapter 3: With this Stranger


----Samantha's Point of View---





Buong biyahe kaming tahimik at lumalim na rin ang gabi. Hindi ko pa rin alam kung malapit na kami sa aming kinaroroonan na halos isang oras na ang biyahe namin dito. Napatingin lamang ako sa may bintana at pinag masdan ko lang ang paligid.






Lumalim na ang gabi at mayroon din'g mga punong kahoy na umaaligid sa aming dinaraanan. Napakasariwa ng hangin dito at halatang parang nasa probinsya kami ngayon. Kahit gabi na ay batid mo rin ang ganda at payapa ng kapaligiran. Napalungkot lamang ako nang bigla ko naman naalala ang aking pamilya.



Hindi ko lubos inakala na nagagawa ko na ang matagal ko nang desisyon. Mas mabuti na ngang umalis ako sa bahay baka maging katulad na rin nila ako. Napailing lamang ako. Kung tutuusin ay mas gusto nilang pumatay nang pumatay. Bakit kaya nila ginagawa 'yon? Sa aking sitwasyon ay hindi ko tanggap na ganito ang aking pamilya. Pumaslang ng mga tao na hindi naman sila karapat-dapat na pumatay. Napangiwi lang ako sa kanilang mga inaasta.



Napatingin nalang ako sa lalakeng nagmamaneho. Napaka amo ng kaniyang mukha. May matangos na ilong, kulay rosas na labi, umiigting din ang kanyang panga, mapupungay na mga mata at makapal na kilay. Parang babae ang kanyang imahe. Hindi ako makapaniwala na parang siyang anghel na galing sa langit ang lalakeng ito.



"Are you done?" Napangisi ito.


Nanlaki agad ang aking mga mata na matagal ko na pala siyang tinititigan.



"Ha? Anong tinititigan? Hindi kita tinititigan uy!" Palusot ko sa kaniya at umiwas ng tingin.



"Kunwari ka pa," he smirked.


"Abat! Ang kapal naman ng mukha mo. Sa mukha mong 'yan? Hindi naman ka titig-titig." I rolled my eyes to him at tumawa lamang ito ng napaka tipid. Infairness ha? Ang gwapo niyang ngumiti. Pero napaka hangin naman yuck.


"Alright. Where here." Seryoso niyang pagkakasabi.



Napatulala ako nang pumasok na kami ngayon sa isang malaking gate. Nanlaki agad ang mga mata ko nang nasa napakalaking bahay kami ngayon. May mga maraming punong kahoy sa paligid at mayroon din'g mga ibat-ibang klase ng mga bulaklak sa hardin. Mayroon ding fountain sa gitna kung saang malakas ang agos ng tubig.


"Labas na." Tipid niyang salita. At agad naman akong lumabas sa kaniyang sasakyan.





At lalo ko namang akong namangha sa ganda ng mansion na ito.



Tinignan ko lang siya pumasok at maigi kong sinusuri ang buong paligid. Masyado akong na amaze ng dahil sa laki at ganda ng desenyo ng bahay na ito.


"What are you waiting for?!" Naiinis niyang tugon.


"Oo na nga. Papasok na," sambit ko at agad naman akong sumunod sa kaniya.


Kung maganda sa labas, mas maganda rito sa loob. Napaka ganda ng desenyo rito. Napakalaki ng space ng kanilang sala, mayroon din silang itaas kung saan nandoon ang mga kwarto. Dito sa baba ang mga kagamitan ay mukhang mamahalin. Masyadong madilim kasi nga panlalaki ang theme ng desenyo.






"Join me upstairs and let us rest," tugon niya at sumunod lamang ako sa kanya papunta sa magiging silid ko.


"Magkatabi ba tayong matutulog?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"What? Hell no! I don't let a woman into my room." Irita niyang pagkakasabi sa akin.


Hmmp. Masyado ka namang masungit.


"What did you say?"


"Wala." Napaka englishero naman niya.






Tumango lang siya at sinimulan niya nang binuksan ang magiging silid ko.



"Dito ka muna pansamantala. You are safe here," tugon niya sabay bukas niya sa pinto.



"Maraming salamat." Sabay bigay ko sa kanya ng malapad na ngiti. Habang siya ay hindi man lang kumibo. Napaka sungit naman. Nagapasalamat na nga ako eh.


"Anyway, what's your name again? Your fullname." Seryoso niyang tanong.


"Fullname?" Ulit kong tanong.


Tumango lamang ito bilang sagot.


"Ahmm.. I'm Samantha.."


"Samantha??"


"Samantha Reyes," sagot ko.


Mas mabuti pang itago ko muna ang kinatatayuan ko. Hindi ko pa kasi siya kilala.


Tumango lamang ito na para bang nagtataka. Tinitigan niya lang ako ng ilang minuto na para bang sinuri niya ang aking mukha. Problema nito?



"May katulad kang pangalan na noon pa ay kilala ko na. Well, goodnight." Tipid niyang sagot at agad naman siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan.


May kilala siyang katulad ko rin? Baka naman pangalan lang diba? Katulad ng pangalan? Bakit napaparanoid ako huhuhu.


Bumuntong hininga lang ako at agad ko naman sinara ang pinto ng aking magiging silid. Sinuri ko ang buong kwarto at maganda naman ang disenyo ng silid na ito. Agad ko namang nilagay sa sahig ang dala-dala kong maleta at humiga na rin sa kama.



Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. Laking pasalamat ko na may matitirhan na ako. Yun nga lang eh sa lalakeng hindi ko pa lubos kilala. Ayos lang iyan, atleast lumayo na ako kina mommy at daddy. Kumusta na kaya sila roon? Nag alala na siguro silang lahat sa akin.


Bakas sa aking mukha ang matinding pagod at kalungkutan. Sana ayos lang sila sa bahay. Sana maayos na ang lahat.



Napatitig lang ako sa kisame nang dumaan naman sa aking isipan ang lalakeng iyon. Masyado siyang misteryoso. Kailangan ko siyang kilalanin. Baka hindi ko ito mapag katiwalaan. Dapat maging maingat ako sa lahat ng kinikilos ko. Hindi dapat ako magpakilala ako sa kanya isa akong anak na Rutherford. Pero hindi naman yata alam o hindi naman ata siya katulad ng aking mga magulang.

Agad namang bumalik sa aking isipan ang kanyang sinabi kanina.


"May katulad kang pangalan na noon pa ay kilala ko na. Well, goodnight,"



Posible kaya, girlfriend niya noon? Mas mabuti sigurong kilalanin ko muna ang kanyang pagkatao. Tama para naman magiging close na kami. Este para malaman ko talaga kung sino ang tinutukoy ng lalakeng yon.


Malalim na ang gabi at datnan ko ang antok at unti-unti ko nang pinikit ang aking mga mata.

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon