Chapter 11: Pikon
------Samantha's Point of View---------
"By the way, I'm Lhord Devilanous." Nakangisi niyang sambit.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi maari, kilala ko ito. Anak to ng pangalawang makapangyarihang Elite.
Wala na akong magagawa. Napapikit na lamang ako at hinintay kung ano ang maaari niyang gawin sa akin. Katapusan ko na ba? Naramdaman ko bigla na para bang walang tao na pumapaibabaw sa akin. Napamulat lamang ako nang may tumawag sa aking pangalan. Nabingi ako sa pangyayari kanina kaya nakita ko lamang si Kris na para bang may sinasabi sa akin. Dahan-dahan naman akong bumangon sabay hawak sa aking ulo.
Nagulat nalang ako na ang lalakeng pumapaibabaw sa akin ay napahiga lamang ng walang malay at puro duguan ang mukha kahit suot-suot niya ang kanyang maskara. Mas nabigla ako na si Alexander pala ang sumuntok sa pagmumukha ng lalaking iyon. Walang tigil niyang sinuntok ang lalake habang mayroon ng mga tao sa aming paligid.
Agad naman akong tumayo at inayos ang maskara sa aking mukha. Agad ko naman inawat si Alexander at inalalay siya patayo.
"Alex, tama na. " Sambit ko sa kaniya upang siya ay huminto sa kaniyang ginagawa.
"No, sinaktan ka niya! Kaya magbabayad ang hayop na ito!" Singhal niya sabay suntok niya pa sa lalakeng walang malay.
"Dude, alis na tayo rito. Its dangerous marami ng tao sa paligid." Ani ni Krisstoff.
Agad naman niya tinadyakan ang lalake saka siya huminto sa kaniyang pinaggagawa. Halata kay Alexander na galit na galit ito.
"Let's go bago pa tayo nila mahuli." Sambit ni Alex sabay hawak niya sa aking kamay at patakbo kaming umalis tungo sa aming sasakyan.
Muli akong lumingon sa kinaroroonan nang makita ko si Papa na seryosong nakatingin sa lalakeng naka handusay sa sahig. Agad naman kaming nagmamadaling pumasok sa kotse at pinaharurot na ito ni Alexander.
"Dude! Nasaan ka ba kanina ha? Bakit mo iniwan si Samantha?!" Galit niyang sabi kay Krisstoff.
"Hinantay ko lang siya saka hindi ko pala alam na pinag laruan pala siya ng lalakeng 'yon." Kinabahan na sagot niya.
Natahimik lamang ako dahil sa nangyari kanina. Galit at puot ang nararamdaman ko ngayon. Naulit na naman ang pangyayaring iyon sa parke. Napahagulhol lamang ako sa iyak dahil sa takot ngayon. Agad naman hininto ni Alex ang kotse at hinawakan niya ang aking kamay.
"It's okay Sam. Nagulpi ko na ang hayop na iyon shhh tahan na." Pag-alala niyang sabi sa akin.
Nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak dahil sa kahihiyan kanina. Ayoko na, bakit kailangan pang mangyari sa akin iyon?
"Tahan na Sammy, magiging ayos lang ang lahat." Nalungkot na sambit ni Krisstoff.
"Bakit pa kasi niya ako sasaktan. Wala naman akong ginawang masama."
Agad naman lumapit si Alex kahit masikip ang kaniyang pwesto ay pinilit niya akong inabot at niyakap ng mahigpit.
"Its okay. Huwag kang mag-alala, hindi na mauulit iyon." Malumanay niyang sabi at agad ko naman siya niyakap pabalik.
-
Napamulat lamang ako sa aking mga mata nang naaninag ko ang haring araw. Agad ko naman kinusot ang aking mga mata at bumangon na. Napa 'aray' lamang ako sa aking braso dahil sa sakit nito. Kita rito ang pamamaga at may kaunti itong sugat. Dahan-dahan naman akong tumayo upang hindi ko mainda ang sakit. Napasimangot lamang ako sapagkat wala pang pintuan ang aking silid.
Pagkalabas ko sa pintuan ay nakita ko naman si Alex na nakaupo sa sala habang nag lalaptop. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan habang hawak ang aking sumasakit na braso.
"Magandang umaga." Bati ko sa kaniya sabay upo ko sa couch.
"Ayos ka na ba?" Biglaan niyang tanong sakin habang nasa laptop naman ang kaniyang atensyon.
"Medyo masakit pa rin itong braso ko, namamaga yata." Sambit ko sa kanya at agad naman siyang napatingin sa aking braso. Napamura lamang siya at nagmamadaling kinuha ang first aid kit.
Diretso agad ang balik niya sa aking kinaroroonan at tinabihan niya ako sa pag-upo. Ginamot niya na ang aking braso.
"Aray, dahan-dahan." Naiinis kong tugon sa kaniya.
Hindi lang siya nag react at patuloy niya lang ito ginamotan. Pagkatapos ay nilagyan niya na itong bandage upang hindi ito madapuan ng dumi ang aking sugat.
"Salamat"
"Kain ka na roon, nagluto ako kanina." Seryoso niyang sabi sabay balik niya sa harap ng laptop.
"Tapos ka nang kumain?" Tanong ko sa kaniya saka ako naglalakad tungo sa dinning area.
"Oo tapos na ako. Kain ka lang diyan ng marami." Sabi niya. Tumango na lamang ako bilang pag-sang ayon.
Napakunot ang aking noo nang makita ko ang maraming pagkain na nakapatong sa mesa.
"Alexander, hindi mo na kailangan magluto ng maraming pagkain. Hindi naman natin iyan mauubos eh, tsaka sayang itong mga pagkain kung itatapon lang." Naiinis kong sabi sabay upo sa upuan.
"I don't know your favorite food, so I cook as many as I want." Walang gana niyang tugon at doon ako nagulat sa kaniyang sinabi.
Sus nag effort pa ang demonyo. So kailangan ko pa magkasakit para siya na gagawa sa gawaing bahay? Hays.
"Siya nga pala, kailan mo ipapaayos ang pintuan ko?" Panimula ko sa kaniya sabay nguya ko ng toasted bread.
"Kailan ba gusto mo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa laptop.
"Aba, gusto ko ngayon na ora mismo." Sambit ko.
"May ginagawa pa ako." Seryoso niyang tugon saka niya ako inirapan. Aba tong lalakeng to!
"So ako ang ipapagawa mo diyan? Kasalanan ko ba iyan ha?" Maarte kong sambit sabay inom ko ng kape.
"Okay fine, tatawag ako ng tauhan para ayusin iyan." Walang gana niyang sabi sa akin saka sinara niya ang laptop.
"Anong tatawag? Ikaw dapat mismo gagawa niyan. Kasalanan mo iyan eh, nandamay ka pa ng ibang tao." Pang-aasar ko sa kaniya. Sige maasar ka lang Alexander tignan lang natin ang tapang mo.
"What? Your not my responsibilities!" Naiinis niyang sabi. Ayan nagsimula na siyang naiinis hahaha.
"Anong I'm not your responsibilities? Kasalanan mo kasi 'yon dapat ayusin mo ang sinira mong pinto. Tsaka, responsibilities ka diyan eh pinag-lutuan mo nga ako eh."
Iyan na naiinis na hahahaha gusto ko nang tumawa dahil sa kaniyang mukha ngayon, namumula sa inis. Ngunit nanlaki agad aking mata nang bigla niya akong nilapitan sabay lapit niya sa aking mukha. Napalunok ako de oras dahil sa lapit ng aming distansya.
"Inaasar mo ba ako babae ka?"
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...