Chapter 31: Paalam
-----Samantha's Point of View-----
Isa-isa kong nilagay ang mga damit at aking mga gamit sa loob ng maleta. Pagkatapos ay agad ko namang sinara at muling umupo sa kama. Napatulala lang ako sa harap ng salamin dahil sa marami kong iniisip. Hanggang ngayon ay namamaga pa rin ang aking mga mata dahil sa kakaiyak ko kagabi. Hindi rin ako nakatulog dahil sa nangyari.
Ito na ba talaga? Final na ba? Napabuntong-hininga nalang ako, buo na talaga ang desisyon ko. Kailangan kong umalis dito at bumalik na saamin. Nakipag-hiwalay na nga siya diba? Ginago lang ako ng mukong iyon. Mas mabuti na sigurong umalis nalang ako rito para mabilis din akong makalimot sa kaniya.Sa totoo lang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagmamahal. Si Alex lang ang kauna-unahang lalakeng iniibig ko. Akala ko noong una ay iba siya, 'yon pala nilalaro rin pala niya ang nararamdaman ko. Akala ko kami na talaga magkatuluyan. Akala ko rin na magtatagal pa kaming dalawa. 'Yon pala, hindi pala kami aabot sa kasalan.
Napangisi lang ako ng mapait at tumayo nalang ako sa aking kinaupuan. Agad ko naman hinawakan ang aking maleta at lumabas na ako sa aking kwarto. Alas syete na ng umaga, kailangan kong umalis ng maaga para hindi ko na siya makikita pa. Sa pagkababa ko ay kita ko mula itaas si Alex na nakaupo sa couch habang nagbabasa ng dyaryo. Napakagat lang ako sa aking labi dahil nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib. Sa tuwing makikita ko talaga siya, bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Babalik kasi lahat ng memories namin kapag nakita ko siya kahit wala na kami. Pigilan mo na Samantha, ayokong masaktan ka lalo.Hindi ko nalang siya tinignan at patuloy lang ako sa pagbaba sa hagdan.
Halata sa kaniyang mukha na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari kagabi. Ewan ko, sobrang tapang naman niya na hindi siya naapektohan sa pangyayari. Ikaw na talaga Alexander, ikaw na ang walang pakealam sa akin. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay mahina kong binuga ang aking hininga para mabawasan ko ang aking kaba. Agad naman akong lumingon sa kaniya ng walang emosyon.
"Aalis na ako. Salamat sa lahat-lahat, paalam Alex." Sambit ko sabay bigay ko sa kaniya ang aking matipid na ngiti.
Hindi pa rin niya ako pinansin at patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa. Napatawa lang ako ng kaunti at lumabas na ako sa mansion. Pinikit ko lang ang aking mga mata habang ramdam ko ang ihip ng malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Muli akong lumingon sa mansion, maraming alaala ang bumabalot sa mansion na ito. Maraming salamat at naging parte ka sa aking buhay.
-
Nakalipas ang limang oras ay nandito ako sa isang terminal ng bus. Nakaupo lang ako rito sa upuan habang nag-aantay ng taxi. Hindi ako makapaniwala na babalik din pala ako sa bahay namin. Nangako pa ako na hindi na ako babalik doon. Tama nga sila, kahit papano ay sa pamilya ka pa rin babalik.Nang may taxi na ay agad ko naman ito pinara at huminto naman ang taxi. Pumasok na ako sa loob at sinara ko na ang pinto ng sasakyan.
"Sa Villa Fuerto Subdivision po, Manong." Sabi ko at tumango lang ito bilang pag sang-ayon.
Nakalipas ang ilang minuto ay nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Agad ko naman binigay kay manong ang bayad at lumabas na rin sa taxi. Inantay ko pang umalis ang taxi at nanatiling nakatayo ako sa harap ng malaking gate. Napangiti lang ako ng mapait dahil nasa harap na ulit ako ng aming mansion. Dahan-dahan namang bumukas ang gate dahil sa sensor. Agad kasi itong bumukas dahil sa high-tech ng aming gate. Tanging kaming pamilya lang ang mase-sense ng gate at kusang bumukas. Agad naman akong pumasok sa loob bitbit ko ang aking maleta. May ilang mga assassins dito sa loob na halatang nagugulat sila sa aking pagbabalik. Nagmamadali nila akong nilapitan at nag bow silang lahat sa akin.
"Maligayang pagbabalik Master." Sabay-sabay nilang pagkakasabi habang naka-bow sa akin.
"Salamat." Tipid kong tugon sa kanila.Agad naman akong inalayan at kinuha ang dala kong maleta. Kita ko naman si mama at kuya na nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Samantha!"
"Sammy!"
Sambit nila sabay sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap. Agad ko naman silang niyakap pabalik.
"Mabuti naman at bumalik ka anak. Sobrang nag-alaala ako sayo." Mangingiyak na sabi ni mommy sabay hawak niya sa aking mga pisngi.
"Sabi ko naman sa inyo eh na babalik din ako rito." Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Sobrang namiss ka namin Sam. Sana naman hindi ka na aalis ulit." Nalulungkot na sambit ni Kuya Stane.
"Talaga? Namiss ko rin kayo." Mangingiyak kong tugon at muli ko silang niyakap ng mahigpit.
Habang nagyayakapan kaming tatlo ay nakita ko si Daddy na nasa unahan. Napangiti lang ako ng kaunti sa kaniya at agad naman siyang lumapit sa akin. Medyo nagulat ako sa kaniyang pagbabago ngayon. May dala-dala siyang sungkod at mayroon din siyang kaunting puting buhok sa kaniyang ulo. Matanda na talaga si Daddy ngayon, naawa na ako sa kaniyang kalagayan. Hindi ko mapigilang lapitan siya at niyakap.
"You're here." Nauutal niyang sabi sa akin.
Kumalas na ako sa pagyakap sa kaniya at nginitian ng malapad.
"Sabi ko naman sainyo na babalik din ako diba? Ayan na ako, bumalik na ako." Masigla kong sambit saka ginulo niya aking buhok.
"Sa susunod huwag ka ng aalis ha?" Nalulungkot niyang sambit.
"Opo Dad, hinding-hindi na ako aalis." Sabi ko sa kaniya.
"Since nakauwi ka na anak, let's celebrate!" Masiglang pagkakasabi ni Mommy at sumang-ayon naman ang dalawa.Napatawa lang kaming apat at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...