Capitulo XIX

363 6 2
                                    

Chapter 19: Manligaw





-----Samantha's Point of View----







"Hindi ba halata na.." Bitin niyang sabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inantay siyang ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.





"Na nililigawan kita?"



Nabingi ako sa kaniyang sinabi, nanlamig ako nang paulit-ulit kong naririnig ang kaniyang sinabi. Hindi ako makasagot ni hindi ako makapag-salita. Nililigawan?



"A-alex.." Nauutal kong sambit sa kaniya. Halata sa boses ko na ako'y kinakabahan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, basta kumalabog lang nang bilis ang aking puso.





"Gusto na kita simula noong una palang kitang nakita. Simula no'ng gahasain ka sana ng mga hayop ng mga lalakeng 'yon agad uminit ang aking ulo. Hindi ko alam kong bakit kita gusto ngunit ang laman lang ng puso ko ang mismong pumili sa iyo." Malumanay niyang sabi saka umiwas siya ng tingin sa akin.



Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Napatulala lang ako at dahil sa sinabi niya ay mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Parang ilang sandali lang ay parang sasabog na ito. Nanlambot ang aking mga tuhod nang biglang niya'ng hinawakan uang aking dalawang kamay.



"Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad mong masungit, madaldal at napaka-reklamador na babae ay tuluyang nahulog. Sa tuwing makikita kita, bumilis bigla ang pag-tibok ng aking puso. I'm so sorry about last night, nadala lang ako but seryoso akong nagugustuhan na kita. Mahal na mahal kita, Samantha. Please give me a chance."





Kita ko sa kaniyang mga mata na parang nangungusap. Halata naman sa kaniya na seryoso ang kaniyang sinasabi. Napakagat lang ako sa aking labi dahil sa lakas ng pag-tibok nito. Gusto ko na rin kaya siya? Mahal ko na ba siya? At dahil doon ay, alam ko na ang sagot sa aking mga tanong.





"Alex.." Sabi ko.







"If hindi mo ako gusto, ayos lang. Pilitin ko ang aking sarili na magkagusto ka rin sa akin. I will do my best just you love me back, marupok na akong marupok Samantha." Seryoso niyang sambit.





"Seryoso ka ba talaga?" Panigurado ko sa kaniya.



"Samantha, seryoso ako. Seryoso ako sa iyo. Please answer my fuckn question? If ayaw mo sa akin---"



Agad ko naman pinutol ang kaniyang sinabi at sinabing..







"If you are worth it then, manligaw ka muna." Sabi ko saka ko siya kinindatan.





"What? I thought sasagutin mo na ako." Nakanguso niyang sabi, natatawa lang ako sa kaniyang reaksyon.



"Anong tingin mo sa akin? Easy to get? No, I'm not that kind of women Alex. Iba ako sa nagiging nobya mo noon." Kanchaw ko sa kaniya.





"What? Hindi pa ako nagkaka-girlfriend noon." Seryoso niyang sabi at napakunot lang aking noo. Anong wala? Diba sabi nong babae noon sa parlor ay ex niya si Alex?





"Mali ang iniisip mo Samantha. Hindi ko siya naging girlfriend." Nangigiwi niyang tugon.



"Eh? Bakit mo siya kinausap 'nong nasa labas na kami ni Kristoff?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.





"Why?"





"Gusto ko lang kasi malaman, kung ayaw mong sabihin edi 'wag. Madali lang naman akong kausap." Sambit ko then I rolled my eyes to him.





"Just kidding, since girlfriend na kita---"





"Nanliligaw ka pa." Pangoreksyon ko sa kaniya.





"Yuh, since nililigawan naman kita, sasabihin ko nalang." Halakhak niya saka inirapan ko lang siya wala sa oras.





"Binantaan ko siya na huwag na siyang gagawa ng bali-balitang naging kami noon. If gagawin pa niya iyon, puputulin ko talaga ang dila niya." Sambit niya sabay ngisi ng nakakaloko.





Napailing nalang ako dahil sa pagbabanta niya sa babaeng iyon. Hindi pala sila mag EX, buti naman kung ganoon.





"Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang magiging first and romantic girlfriend ko. And you are lucky na ikaw nakauna sa virginity ko." Halakhak niya agad ko naman siya pinatigil baka may maririnig sa amin. Ramdam ko naman na namumula ang aking mukha sa kilig.





"Don't worry Sam, gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang." Ngiti niya sabay halik niya sa aking noo. Sabay biglang kumikislap ang mga christmas lights sa aming paligid.



Nabighani ako sa ganda ng aming paligid. Muli ko siyang tinignan at tanging ilaw ng christmas lights ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kaniya. Bumilis lalo ang tibok ng aking puso nang makita ko ang kaniyang napaka-gwapo niyang mukha.



"Aantayin ko ang sagot mo, Samantha." Seryoso niyang sambit saka niya hinalikan ang aking noo.

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon