Chapter 15: Nahuhulog
------Samantha's Point of View-----
Kakatapos ko lang maligo at kaagad akong sinuklayan ang aking mahabang buhok. Pagod na pagod ako ngayong araw na ito kasi nga naman pinaglalaba ako ni Alexander ng kanyang mga damit pati na rin mga under wear niya. Nakakadiri talagang labhan ang mga under wear, kaya no choice ako kundi gawin ko nalang ang inuutos niya hays.
Alas syete na ng gabi at bumaba na ako sa baba upang manonood ng TV. Namimiss ko na kasing manood ng TV kaya pagkakataon ko nang manood ngayon. Naabutan ko naman si Alex na nanonood din ng TV habang naka-upo sa couch. Focus lang siya sa manood at umupo na lamang ako sa tabi niya.
"Kumain ka na?" Tanong niya habang nasa TV ang kaniyang atensyon.
"Mamaya na busog pa ako." Sagot ko naman saka nanonood ako ng TV.
Ang palabas ngayon ay horror, kung saan ito ang pinaka-tatakutan ko sa lahat. Napahawak lamang ako sa aking sarili dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Pasimple akong tumingin kay Alex na naka focus lamang ito sa panunood. Ayaw na ayaw ko talaga ang horror kasi napaka takutin kong tao. Agad ko naman tinakip ang aking mga mata kasi mas lalong nakakatakot ang tensyon sa palabas. Habang patagal nang patagal ay napatalon ako sa gulat nang biglang may white lady na nagpakita sa TV.
"Oh shit!" Singhal ko. At diretso akong nakayakap kay Alex dahil sa takot wala sa oras.
Imbis na kumalas ako ay niyakap din niya ako pabalik. Kinagat ko lang ang aking labi dahil sa takot at bumalik ulit sa panonood ng TV. Pikit lang ako nang pikit sa aking mga mata kapag nakakatakot na ang pangyayari.
"Wala na bang multo?" Kinakabahan kong sabi habang pinikit ko ang aking mga mata.
"Wala na." Sagot naman niya. Agad ko naman minulat ang aking mata at napasigaw lamang ako sa takot dahil may biglang nagpakita na namang multo sa TV.
Sa hinding inaasahang pangyayari ay nang dahil sa aking pagkagulat, nahulog kaming dalawa sa sahig. Bumilis bigla ang tibok ng aking puso na si Alex ay pumapa ibabaw sa akin. Tinulak ko sana siya papalayo ngunit pinigalan niya ako.
"Anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako sinagot at tinititigan niya lang ako sa aking mga mata. Nag init ang aking buong katawan at ramdam ko ang pamumula sa aking mukha. Bakit ako kinabahan? Bakit nakaramdam ako ng ganito?
Mas lalaong lumapit ang aming distansya at kitang-kita ko sa malapitan ang kaniyang hitsura. Inaamin ko, napaka gwapo ni Alexander. May makakapal na kilay at pilik-mata, matangos na ilong, mapupungay na mga mata, umiigting ang kanyang panga at maninipis na labi. Napakagat lang ako sa aking labi kasi parang ramdam ko ang kanyang pagka-lalake na dumadampi sa aking puson.
Shit! Bakit ko naramdaman 'yon!?
"Alexander, naiilang na ako." Malumanay kong sabi sa kanya. Gusto ko nang tumayo kasi hindi ko na nakayanan ang kahihiyan na aking nararamdaman.
"Bakit ka naiilang? May gusto ka ba sa akin?" Nakangisi niyang sabi.
May gusto ba ako sa kaniya? Sa tanong na iyon ay biglang bumilis ang tumibok ng aking puso. Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon, parang naiihi na ako sa kaba.
"Wala akong gusto." Sabi ko sabay iwas ko ng tingin sa kaniya. Totoo naman talaga, never akong magka gusto sa kaniya.
"Huwag kang magsinungaling Samantha, kitang-kita ko sa iyong mga mata na gusto mo ako." Seryoso niyang sabi.
Hindi ko mapapaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniya. Ewan ko, hindi ko masasabing gusto ko na ba talaga siya. Hindi ko na maintindihan kung bakit niya ito ginawa sa akin.
"Hindi ko alam." Iyan lang ang tangi kong sagot sa kanya. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na parang nangungusap ito.
Nanlaki ang aking mga mata na bigla niya akong hinalikan nang mariin. Nagulat ako sa nangyari ngayon, nang dahil sa halik ay tila nanlambot ang aking buong katawan. Agad ko naman siya hinalikan pabalik, at dahil sa tugon na iyon ay napangisi ito.
Pinutol niya ang aming paghahalikan nang agad naman niya hinahawakan ang aking mga hita at tinignan niya ako ng napaka seryoso. Parang gusto ko nang bumangon at tumakbo papasok sa aking kwarto ngunit hindi ako makagalaw.
"Sam, I'm sorry to say this but I'm falling inlove with you." Sabi niya saka niya e-unzip ang kanyang zipper sa kaniyang suot na pantalon.
Nabigla ako sa kanyang sinabi at nabingi ako dahil sa bilis ng pagtibok ng aking puso. Anong nangyayari? Bakit hindi ako makapag salita? Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang nahuhulog sa pagmamahal?
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...