Capitulo XXXIII

342 9 0
                                    

Chapter 33: The Truth







-----Samantha's Point of View-----







Alas syete na ng gabi at kakarating ko lang dito sa parke kung saan dito kami magkikita ni Alexander. Nagsimula na akong naglibot dito sa lugar na ito. Marami pa ring mga tao ang nandito kaya hindi gaano nakakatakot. Buti nalang at ako lang ang nagpunta dito. Pilit kasi nilang samahan ako ng aming assassins baka may mangyaring masama sa akin dito sa labas. Mag-uusap lang naman kami tsaka hindi naman gaano ka layo ang distansya ng park tungo sa bahay namin.





Dahil sa kalalakad ko ay pansin kong may isang pamilyar na lalake na umupo sa may bench. Napangiti na lamang ako nang muli ko na siyang makita. Halos maluluha na ako dahil sobra ko siyang namiss. Agad naman akong lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Diretso lang ang tingin ko sa malayo at kita ko sa aking peripheral view ay halatang nagulat siya sa aking pagdating.





Kailangan walang emosyon ako ngayon. Sabi kasi ni Kuya, hindi daw ako magpapa-apekto. Hindi dapat daw ako magiging marupok sa kaniya. Kapag usapan, usapan lang daw. Hindi daw dapat ako manlalambot sa kaniya. Sira talaga si Kuya, napaka over protective naman.



"Kumusta ka na?" Nag-aalinlangan niyang sambit sa akin.



"Anong pag-uusapan natin?" Walang gana kong sabi sa kaniya.



Ganiyan Sam, dapat poker face ka lang.



"May importante akong sasabihin sa iyo. Pero unang-una sa lahat I'm so sorry Samantha." Nalulungkot niyang tugon.



"Ayos lang 'yon Alex. Tanggap ko naman na hindi mo ako mahal at tanggap ko na rin na pinaglalaruan mo lang ako." Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Ayaw ko siyang tignan ba ka maiiyak lang ako.



"Hindi naman sa ganoon, gusto lang kitang protektahan." Nanghihina niyang sabi.



Dahil sa sinabi niya agad akong napabaling sa kaniya. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na may namumuo ng likido. Bakit siya naiiyak?



"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot kong noo at nagtanong sa kaniya.



"Gusto ka nang patayin ni Axel." Naluluha niyang pagkakasabi.



Nagulat ako sa kaniyang balita. Gusto ako patayin ng kakambal niya? Ano bang atraso ko?



"Bakit?" Nataranta kong tanong.



"Sa totoo lang Samantha, ang pamilya niyo ang aming kalaban, kayong mga Rutherford." Nanghihina niyang sambit sabay pahid niya sa kaniyang mga luha.





"Pa-paano mo nalaman na isa akong Rutherford?" Gulat kong sabi.



"Matagal na namin kayong minamatyag Sam."



"Bakit? Bakit niyo kami kinalaban?"



"Kasi pinatay ng mama at papa mo ang aming Ina." At doon ay nagsibuhusan na ang kaniyang mga luha.



Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin ang babaeng nakita ko noong bata pa ako ay nanay nina Alexander at Axel? Ang babaeng dahan-dahang pinatay mismo sa harap ko?



"Hindi maaari.. Bakit pinatay ng aking magulang ang mama mo?" Nauutal kong tugon.

"Hindi ko alam Sam. Ikaw na mismo magtatanong sa kanila. Bata pa kasi kami noon at wala kaming kamuwang-muwang. Nang nalaman naming nawala si mama ay naging batang palaboy kaming dalawa. Habang nasa lansangan kami ay may isang mayamang pamilya na umaruga sa amin at dinala kami sa States. Nang lumaki na kami ay bumalik muli kami sa Pilipinas upang simulan na aming misyon na ipag-higante si Mama." Mahaba niyang explanation sa akin.





"It can't be." Hindi ko makapaniwalang sambit.







"Yon ang totoo Samantha. Noong araw na nakita kita sa parke natutulog, kaagad kitang nilapitan kasi may nagbabastos saiyo. Alam kong kalaban ka pa rin namin, ngunit hindi ko ginustong tulungan kita noon. Ewan ko simula noong nakita kita sa malapitan, may hindi ako mapaliwanag na nararamdaman. Habang tumatagal, nahulog ako sayo, nahulog ako sa aking kalaban. Hindi ko kasi akalain na ang isang tulad mo ay nahulog sa iyong pagmamahal."



Hindi pa rin ako makapag salita. Naguguluhan pa rin ako sa lahat ng kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na matagal na pala nila kaming gustong patayin.



"Nag-alinlangan akong patayin ka. Galit na galit na nga si Axel kasi bakit ang tagal kitang patayin ni nasa kamay na kita. Hindi ko naman intensyon na mahuhulog ako sayo. Pero hindi ko akalain na napamahal na pala ako." Naluluha niyang sabi.



"Pasensya na rin sa mga ginagawa ko sayo noon. Hindi ko ginustong saktan kita baby. Ginawa ko lang yon para layuan mo na ako. Para makauwi ka na sa inyo. Pauwi na kasi si Axel sa panahon na iyon at siya na raw mismo papatay sayo. Hindi ko gustong gawin niya yon sayo. Kaya ginawa ko nalang yon alang-alang sa kaligtasan mo."





Kaya pala ginawa niya yon sa akin. Ang sama talaga ng kapatid niya.



"Gusto mo ba akong patayin?" Nauutal kong sambit.





Agad naman niyang hinawakan ang aking mga pisngi. "No, no, hindi kita kayang patayin kasi mahal na mahal kita."





Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Parang naibalik lahat ng aming pagsasama noon. Napakagat lamang ako sa aking labi. Kaya pala ang init ng pagtingin sa akin ni Axel. Kaya pala galit na galit siya sa akin.



"Nandito ako ngayon upang itanan ka. Lalayo tayong dalawa, lalayo tayo sa kapahamakan at magsimula tayo ulit." Nagmamakaawa niyang sambit.



"Ano? Magtatanan tayo?" Gulat kong tanong saka ramdam kong uminit ang aking pisngi.





"Oo, yan lang ang tanging paraan para maliligtas kita." Seryoso niyang tugon.





"Paano kapag susundan pa rin niya tayo?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kaniya.



Iba kasi si Axel, marami siyang mga mata rito.



"May nahanap na akong lugar kung saan tayo titira." Seryoso niyang sambit saka hinalikan niya ang aking noo.





"Sino ka ba talaga?"



Hindi ko pa kasi alam ang buong pangalan niya. Kaya this time, malalaman ko na talaga kung sino ba talaga siya.





"I'm Alexander Vaugn Versailles at ang kapatid ko ay si Axel Vhinne Versailles." Sagot niya sa aking tanong.





"Ako naman si Samantha Evilana Rutherford." Nakangiti kong sambit sabay lahad ko sa aking kamay at nag shake hands na rin kami.



"Aalis na tayo bukas okay? Magkikita pa rin tayo dito. Huwag mo nang dalhin lahat ng gamit mo nandoon na lahat sa tutuluyan natin." Masayang sabi niya.





"Magtatanan na ba talaga tayo??" Halakhak ko.



Hindi kasi ako makapaniwala na magsasama ulit kaming dalawa. Sobra ko siyang mahal at hulog na hulog na ako sa kaniya. Sa kahit anong laban ay sabay-sabay naming tahakin.



"Ofcourse. I love you Samantha."



"I love you too Alexander."

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon