Chapter 12: Who are you?
-----Samantha's Point of View-----
Nanlaki aking mga mata nang bigla niya akong nilapitan sabay lapit niya sa aking mukha. Napalunok ako de oras dahil sa lapit ng aming distansya.
"Inaasar mo ba ako babae ka?"
Sa oras na ito, ramdam ko ang init na galing sa aking mukha. Parang ilang minuto lang ay sasabog na ako sa kahihiyan. Napa-iwas lamang ako ng tingin at pilit kong kinuha ang manok sa unahan ngunit nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at nilingon niya ako mula sa kaniya.
"Bakit hindi ka makasagot? Naiilang ka ba?" Pang-aasar niya sa akin. Nanlaki agad ang aking mga mata dahil sa kahihiyan saka ko tinanggal ang kaniyang kamay na nakawak sa aking pisngi.
"Hindi ako naiilang." Naiinis kong sambit saka ko siya iniiwasan ng tingin.
"So, ikaw na ang pikon ngayon?" Pang-aasar niya ulit sa akin.
At dahil sa inis ko ay agad ko naman kinuha ang tsinelas ko galing sa sahig at tinapon ko sa kaniya. Napamura na lamang ako dahil agad niya itong inilag. Bakit ang bilis ng reflexes mo? Tsk. Imbis na patulan siya padabog akong umupo at patuloy sa pagkain.
"Distorbo ka sa kain ko ngayon." Giit ko sa kaniya then I rolled my eyes to him. Napailing lamang siya at ngumiti ng kaunti.
"Ikaw pala ang pikon sa ating dalawa." Sambit niya at nagpatuloy lang siya sa kaniyang trabaho.
Ano kayang ginagawa niya?
"Hoy! Alexander." Tawag ko sa kaniya.
"Oh?" Sagot niya ngunit hindi pa rin siya bumaling sa akin dahil nga busy siya sa harap ng laptop.
"Ano bang ginagawa mo? At abala ka sa laptop?" Tanong ko sa kaniya.
"Bakit mo naman natanong?"
"Mukha kasing busy ka. Tsaka, ano ba 'yang inaasikaso mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Mind your own business, Samantha." Seryoso niyang tugon at napa nguso nalang ako dahil sa kaniyang sinabi. Damot mo talaga halimaw.
Hmm ano kaya ang inaasikaso niya? Tsaka sa pagkakaalam ko, wala naman siyang trabaho? And then, saan kaya siya kukuha ng pera? Hindi kaya..
"Hoy Alexander!" Tawag ko ulit sa kaniya.
"Ano!?" Naiinis niyang sagot sa akin at this time, bumaling na siya sa akin dahil sa inis. Napaka pikonin mo talaga hmmp!
"Saan ka ba kumukuha ng pera?" Tanong ko ulit sa kaniya. Hindi siya maka sagot at muli abala siya sa pag la-laptop.
"May sugar mommy ka 'no?" Nagdududa kong tanong sa kaniya.
"What the hell are you saying?" Pasigaw niyang sabi saka niya sinara ang laptop.
Tinitigan ko lang siya upang umamin nia siya at sagutin niya ang tanong ko.
"Tanga ka ba? I have my own business." Seryoso niyang sabi saka siya tumayo at nag walkout.
Agad ko naman siya tinititigan ng masama sa kaniyang pag walkout. Aba't ang bastos niyang kausap! Ano kayang business niya? Nagtataka lang kasi ako kung saan siya kumukuha ng pera eh hindi ko man lang siya nakikita or wala akong alam kung ano ang kaniyang trabaho?
Ano kayang tinatago 'tong lalakeng 'to? Kailangan kong malaman iyon. Hindi ko naman siya lubos pa kilala. Paano pag isa siyang Drug Lord? O 'di kaya ay isa siyang aswang? Maligno? Engkanto? Bampira? Napaayos ako ng upo dahil sa takot. Imposible kaya iyon? Paano kapag oo? Naku, kailangan ko na palang umalis dito. Baka kainin ako ng buhay nito.
Ano ba iyan! Kung ano-ano na ang iniisp ko sa kanya. Hays epekto siguro ito kagabi tsk. Napatalon lamang ako sa gulat nang biglang may nagsasalita sa aking likuran.
"Ay potangina!" Gulat kong sabi at muntikan nang nahulog ang baso na hawak ko. Buti naman ay hindi nahulog.
Diretso naman akong lumingon sa likod nang nakita ko si Alex na may hawak na baso habang umiinom ng tubig.
"Bakit nandiyan ka? Hindi ba nasa itaas ka pa? Huwag mong sabihin?" Nanlaki agad ang aking mata na tama nga lahat ang hinala ko. Agad ko naman kinuha ang kutsilyo sa sa mesa at itinutok ko ito sa kaniya.
"What the fuck?! What are you doing!" Gulat na gulat niyang tugon nito.
"Huwag ka nang mag maang-maangan! Sino ka ba talaga ha!?" Singhal ko sa kaniya. Balak pa niya sanang lumapit sa akin upang kunin ang kutsilyo.
"Diyan ka lang! Huwag kang lalapit." Pagbabanta ko sa kaniya saka ako umatras ng padahan-dahan.
"You stupid!" Galit na sambit nito habang dahan-dahan din siyang lumapit sa akin habang nakapamulsa.
Habang paatras ako nang paatras, at ramdam ko sa aking likuran ang lababo . Kaya hindi na ako maka atras pa dahil sa harang.
Patuloy pa rin siyang umabante kahit tinutukan ko pa rin siya ng kutsilyo. Halata sa kaniyang mukha ang pagkainis dahil sa aking ginagawa ngayon. Baliw na akong baliw, tama nga ang hinala ko isa siyang maligno!
"Ano? Hindi ka pa rin makapag-salita? Sino ka ba talaga?" Giit ko sa kanya habang siya ay walang expression ang kaniyang mukha.
"Sino nga ba ako?" Ulit niya saka huminto siya sa aking harapan.
Nagulat ako nang mabilis niyang inagawan ang kutsilyo at agad naman niya ako hinila at pinaikot niya ang aking kamay, this time nasa likuran ko siya habang pinipilipit niya ang aking kamay. Napa sigaw lamang ako sa inis dahil sa bilis ng kaniyang kilos.
"Who are you, Alexander?" Mariin kong sabi sa kaniya.
"Ikaw na bahala ang maghusga kung sino nga ba talaga ako." He whispered.
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
AcciónSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...