Capitulo VI

537 15 1
                                    

Chapter 6: Halimaw





------Samantha's Point of View-----





Kakatapos ko lang maligo at agad akong kumaripas nang takbo pabalik sa aking silid. Agad ko naman sinuot ang aking simpleng damit na inihanda ko lang kanina sa kama. Kinuha ko naman ang suklay sa munting mesa at isinuklay ko naman ito sa aking mahabang itim na buhok. Nilagyan ko na rin ng pulang lipstick ang aking labi para magkaroon naman ng kulay ang aking mukha. Hindi ko na kasi kailangan pa mag paganda kasi nga nag aaksaya lang ako ng oras.

Sinuri ko ang aking sarili habang nakaharap sa isang malaking salamin. Ayos na kaya ito? Kailangan ko nang bilisan ang aking pagkilos marahil ay magagalit na naman 'yon. Hindi ko kasi akalain na alas syete kami aalis. Natanghalian tuloy ako ng gising.

"Hindi ka pa tapos diyan babae ka?!"

Ayan na galit na galit na ang halimaw.

"Heto na nga, patapos na!" Sigaw ko naman sa kaniya. Napatalon ako sa gulat nang padabog niyang binuksan ang pintuan at doon ay nanlaki ang aking mga mata nang biglang tumilapon ang pintuan tungo sa aking kina-roroonan. At mabilis kong tinuko ang aking kaliwang tuhod sabay yuko upang maiwasan ko iyon. Mabuti at naiwasan ko kung hindi, mahimatay ako 'di oras.

"Ano ba'ng problema mo? Patapos na nga ako di ba?" Naiinis kong sambit saka ako tumayo at binangga siya palabas.

"Tapos sinira mo pa ang pintuan? Ano na ang ipatankip ko roon? Kurtina?!" Singhal ko sabay irap ko sa kaniya at patuloy lamang akong naglalakad patungo sa labas.

Muli ko siyang tinignan ng matalim habang siya ay nakayuko lamang na para ba'ng isang bata. Hayop ka talaga Alexander. Kung kanina lang ay umasta ka parang halimaw, ngayon ay para ka ng bata tss.



"Bakit kasi ang tagal-tagal mo?" Pikon niyang pagtatanong.

Pababa na kami sa hagdan tungo sa labas ng mansion. Gutom na gutom na ako. Wala pa akong kain tss. Kainin kita diyan eh!

"Hindi mo kasi sinabi kaagad sa akin kagabi na maaga pala tayo aalis. Tignan mo tuloy, pati pintuan dinamay mo pa sa katarantaduhan mo." Then I rolled my eyes to him.


"Bakit ka ganyan sa akin? Ikaw pa ang may ganang magalit?" Seryoso niyang tanong saka siya pumasok sa front seat ng kanyang kotse.

Aba syempre magalit ako kasi nga sinira mo pa ang pintuan. Saan na naman ako matutulog nito tsk.

"Bakit naman hindi ako magagalit eh pinag mamadali mo ako. Ayokong minamadali ako." Tugon ko sabay pasok ko sa back seat.


"Oh? Bakit ka nandiyan? Dito ka sa passenger seat." Naiinis niyang sabi.

Parati nalang siya naiinis. Bagay sayo yan, mukha kang tigre na nagiging pusa.


"Dito lang ako. Ayoko diyan." Pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. Galit ako sayo bahala ka.


"Dito ka, diyan uupo si Kris."


Aba nagmamatigas ka pa ha? Sige patigasan nalang tayo halimaw ka.


"Sabi'ng dito lang ako eh." Naiinis kong pagkakasabi.


"Why?" Seryoso niyang tanong.

"Galit ako sayo, ayokong makatabi kita." I rolled my eyes to him.

"Isa.."



Agad ko naman siya tinaasan ng kilay. Ano siya? Kapatid ko? Hindi ka naman si Kuya ah? Bahala ka pa rin diyan halimaw.

"Dalawa..."


Tumingin lamang ako sa labas ng bintana at hindi ko lang siya pinansin. Kainis ka talaga Alexander.


"Kapag hindi ka lilipat dito, lagot ka sa akin babae ka." Seryoso niyang sabi sabay tingin niya sa rear view mirror. Agad naman akong napalunok sa kaba dahil seryoso niya akong tinititigan. Para ba'ng kakainin ako sa galit.



Kasi nga baliw ako...


"Ayaw ko pa rin," sabay irap ko sa kanya.

"Hayss." Naiinis niyang pagkakasabi. Sige mapikon ka lang diyan at hanggang hapon tayo rito magtatalo. Bahala ka sa buhay mo.





"Bakit ayaw mo akong makatabi?" Ha? Pinagsasabi nito.He cleared his throat.

"I mean bakit ayaw mo rito?" Sabay turo niya sa passenger seat na para ba'ng bata. I rolled my eyes to him. Hindi ka naman cute tsk.





"Ayaw kitang makatabi kasi galit ako sayo, get's mo ba ha?" Mariin kong pagkakasabi sa kaniya.

"For what reason?" Nagtataka niyang tanong. Aba, parang wala sa pag-iisip tong halimaw ah?

"Kasi nga ayokong pinag mamadali ako. At galit na galit ako sayo!" Saka ko siya inirapan. Sige mag arte ka Sammy para naman matauhan tong hayop na ito.





"Okay fine." Walang gana niyang sambit saka niya sinimulang eh on ang engine ng kaniyang kotse.


Buong byahe kami walang imik at buti nalang ay hindi na siya nangungulit. Tinignan ko lang siya sa harapan na seryosong lang sa pagmamaneho. Gusto ko tuloy tumawa kasi napaka seryoso ng kaniyang mukha. Halatang nagmamaneho siya nang maiigi. Agad naman naming nakita si Kristoff sa bandang unahan na tumatalon habang kumakaway. Saka naman pinark ni Alex ang kaniyang kotse sa harap ni Kristoff. Agad naman itong pumasok sa back seat at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ako.


"Anong ginawa mo rito?" Gulat niyang pagkakasabi.

"Kayo lang ba gagala? Syempre sasama ako no." Pang-aasar ko sa kaniya sabay tawa naming dalawa.


"Aba, sure naman. Welcome ka sa aming gala ni pareng Alex. Diba pre?" Masayang pagkakasabi ni Krisstoff sabay tap niya sa balikat ni Alex at wala itong imik na patuloy lamang sa pag mamaneho.


Napaka snob naman tong halimaw nato. Hindi naman kagwapuhan.

"Siya nga pala Sammy, ilang taon ka nga ulit?" Tanong ni Kristoff sa akin.


"Hmmm 21 na ako." Nakangiti kong sagot.


"Abaaaa! Parehas pala tayo 21." Namamangha niyang tugon.

"Talaga? That's great!" Sabay tawa naming dalawa.

Tinignan ko naman ng palihim si Alex kung ano nga ba ang magiging reaction niya. Still, walang imik, walang pake alam.





"Saan ka ba mahilig?" Tanong na naman niya.


"Mahilig akong kumanta." Confident kong sagot.

"Mahilig din akong kumanta." Nang-gigil niyang sambit at agad kaming nag apir na para bang mga bata.Halata sa mukha ni Alexander na para bang naiirita.

"Alam mo? Magkasundo tayo sa lahat ng bagay." Naka-ngiti niyang tugon at nginitian ko rin siya pabalik. Ang cute talaga ni Kristoff.





Kulay brown na buhok, perpektong hugis ng kanyang mukha, singkit na mga mata , matangos na ilong at pink na labi. Napatalon kami sa gulat nang biglang sumigaw si Alexander at doon ay natatakot ako sa kaniyang sinabi..



"SAMANTHA TRANSFER HERE TO THE PASSENGER SEAT OR ELSE I WILL BREAK YOUR BONES! THE TWO OF YOU!!"






PS: Si Kris po yang nasa picture :)

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon