el prólogo

1.6K 41 0
                                    

"Samantha, laro lang tayo dito ha? Huwag kang pupunta kina mommy kasi busy sila. Ayaw nilang magpa istorbo," sambit ng kanyang nakaka tandang kapatid, sabay tingin niya sa bintana kung saan nandoon ang kanilang magulang.

"Sure Kuya. Let's play na, you would be my father while me and my barbie are your daughters. " Masiglang pagkakasabi ng kanyang kapatid na babae.

Limang taon pa lamang ito at halatang wala itong ka muwangmuwang. Habang ang kanyang nakakatandang kapatid ay nasa sampung taong gulang. Halata sa kinikilos nito na maigi niyang binabantayan ang kanyang kapatid para hindi ito makapunta sa kanilang magulang.

Ilang minuto ang nakalipas biglang napatili sa gulat si Samantha nang makarinig ito ng putok na galing sa kinaroroonan sa kanilang mga magulang. Agad naman niyakap ni Stane ang kanyang kapatid para ito'y pakalmahin.

"Kuya Stane, what's happening?" Takot niyang tanong at mahigpit niyang niyakap ang kaniyang kapatid dahil sa takot.

"It's just a movie. Mom and dad are watching action movies." Pagsisinungaling niya sa kaniyang kapatid. Napatango naman ang bata at agad naman itong bumalik sa pagkakaupo.

"Sammy, dito ka lang ha? Puntahan ko muna sila sa itaas. Dito ka lang ok?" Seryosong tugon niya kay Samantha.

"Ok, Kuya," sambit naman nito sa kanyang kapatid.

Nakalipas ang sampung minuto ay halatang nababagot na si Samantha sa paghintay niya sa kaniyang kapatid. Kaya, naisipan niyang puntahan nalang ito ang kanyang mga magulang at ipakita sa kanila ang "A+" niya na grado sa kanilang klase.

Habang papalapit ito nang papalapit sa kuwarto kung saan nandoon ang kanilang magulang, napahinto ito sa harap ng pintuan at sumilip ito sa maliit na butas.


"Bakit gustong-gusto niyo kong patayin?! Takot ba kayong malaman ang lahat ng mga kahayupan niyo?!--"

Napahinto ito sa pagsasalita nang bigla itong sinampal ng babae na may edad na 30 anyos. Ngunit hindi halata sa kanyang hitsura na tumanda na ito.


"Patayin niyo nalang ako!" Mariin na pagkakasabi ng babae. Nakatali ang kanyang dalawang kamay ng isang kadena ganoon din ang kaniyang dalawang paa. Magulo na rin ang kaniyang buhok at sugatan ito.


"Hindi ka muna namin papatayin." Malamig na pagkakasabi ng lalaki na may hawak na baril.

"Ano pa bang kailangan niyo ha?! Kinuha niyo na nga ang yaman namin pati narin ang empire namin!"At muling sinampal na naman ito ng babae dahil sa kaingayan nito.

"Unahin namin ang anak mo bago ka namin patayin." Naka-ngisi sambit ng babae.

"Hayop kayo!!" Pasigaw niyang sabi na may halong galit. Gusto niyang tanggalin lahat ng kadena na nakatali sa kaniya, ngunit hindi niya magawa.Nagulat si Samantha nang biglang tinakpan ni Stane ang kanyang bibig.


"Sammy, why are you here? I told you sa baba ka lang." He whispered.

"Antagal mo kasi kuya. And sino yang nakatali? Bakit sinasaktan nila mommy niyan? Kawawa naman siya kuya." Malungkot na pagkakasabi ng bata.


"Shhh, lets go," tugon ni Stane.

Aalis na sana ang dalawa nang biglang umalingawngaw ang putok ng isang baril sa buong kwarto. Agad naman kumaripas ng takbo si Samantha at pumasok sa loob ng kwarto. Napatili ito nang makita niyang naka handusay sa sahig ang sugatang babae na may tama ito sa dibdib at naliligo sa sarili nitong dugo.


"Samantha!!"


"What is happening?" Gulat na gulat niyang pagkakasabi saka nilapitan niya ang nakahandusay na babae sa sahig.


"Samantha! Lumayo ka diyan!" Galit na galit na pagkakasabi ng kaniyang ama.


"Samantha, why are you here?" Natarantang sabi ng kaniyang ina saka lumapit ito sa kanya at inalalayan niya itong tumayo.


"Stane, umalis na kayo rito." Seryosong pagkakasabi ng kanilang ama.

"I'm so sorry dad. Samantha, lets go." Ani ng kaniyang kapatid.

"Psh, pati bata pinag sisinungaling niyo." Mahinang pagkakasabi nito.Gulat na gulat ang lahat nang buhay pa pala ang babae. Napangisi lang ito sa kanilang lahat at tinitigan ng babae ang bata.


"Mga hayop ang mga magulang mo, hija," sambit nito sabay ngisi niya ng nakakaloko. Biglang kinabahan si Samantha dahil natatakot siya sa hitsura ng babae.


"Shut up!" Sigaw ng kanilang ama. At muli, binaril ng kanilang ama ang babae sa bandang ulo. At doon ay tumalsik ang mga dugo sa kapaligiran.

"No!!" Sigaw ni Samantha.


"Hindi niyo dapat ginawa iyon. Bad po 'yon diba, Mommy?"  Mangiyak-ngiyak na pagkakasabi ni Samantha sa kanyang ama.


"Ilayo niyo si Samantha sa harapan ko."  Malamig na pagkakasabi nito at umalis na parang wala lang nangyari.Agad naman siya kinarga ng kanyang ina at pinakalma ang bata

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon