Chapter 5: Consequence
----Samantha's Point of View----
"Now tell me."
Dahan-dahan'g naglalakad papalapit sa kanya ang binata habang siya ay paatras nang paatras papalapit sa kanya. Agad siyang nakaramdam ng pagbilis nang pagtibok ng kanyang puso. Bigla sitang kinabahan sa maaaring mangyari sa kanya.
"Bakit ka umalis?"
Napaatras muli ang dalaga dahil sa naiilang siya sa kanilang pwesto ngayon. Magkalapit ang distansya nilang dalawa, napahawak siya sa mesa dahil hindi na siya makaatras pa.
"Answer me." Seryoso niyang tugon.
Napalunok lamang siya dahil sa kaba na kanyang nararamdaman. Pilit niyang pinigilan ang kaba nito ngunit hindi niya ito magagawa. Laking gulat nilang dalawa nang biglang nahulog ang picture frame sa sahig mula sa mesa. At hindi lang nahulog, nabasag na rin ito.
"Nako po! Sorry sorry."
Nagmamadaling kinuha ni Samantha ang picture at taranta niyang pinulot ang mga nabasag na salamin na galing sa frame. Napapilipit lamang siyaw sa hapdi dahil sa sugat na aking natamo sa mga bubog. Napatayo lamang ako at napangiwi lang ako dahil nagsidaluyan ang mga dugo na galing sa aking daliri.
"It's ok, gagamutin natin yan. Kunin ko muna ang first aid kit." Seryoso niyang sambit at inalalay niya akong umupo sa couch habang ako ay mangiyak-ngiyak na sa hapdi. Hindi ko mapagilang umiyak dahil takot ako sa dugo.
Agad naman dumating si Alexander dala-dala ang first aid kit. Agad naman niya ginamot ang aking sugat.
"Dahan-dahan lang." Naiinis kong pagkakasabi sa kaniya. Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang siya sa pag gagamot.
Ilang minuto lang ay tapos na niyang ginamot ang aking sugat at nilagyan niya rin ito ng band aid.
"Takot ka pala sa dugo." He smirked.
Napaiwas lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Oo inamin ko, takot ako sa dugo. Na trauma nga kasi ako mula noong bata pa ako. Kaya ayaw na ayaw kong makakita ng dugo.
"Kasalanan mo 'to. Kung hindi mo yun ginawa, hindi sana ako umabot sa ganito."
Agad naman akong tumayo upang linisin ang mga bubog na nagkalag sa sahig.
"I don't care. Pagbayaran mo yang nabasag mo Sam." Mariin niyang sambit sabay tingin niya sa litrato na hawak niya.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag lilinis ng mga bubog. Nagtampo ako sa kaniya bahala ka diyan.
"At dahil diyan, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo." Seryoso niyang tugon.
Napayuko lamang ako at nagpatuloy sa pag walis.
"Hindi ko naman 'yon sinasadya eh. Nagkataon lang kasi na--" Agad naman niyang pinutol nang bigla niya akong kinalakad.
"Teka, saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang kami naglalakad papunta sa labas ng mansion.
"Maglinis ka na rin dito. Kailangan pagbalik ko, malinis na ang hardin ko." Malamig niyang sambit at agad naman siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan.
Napabuntong hininga lamang ako. Hindi man lang siya naawa sa akin. May sugat na nga ako, hindi man lang niya ako pinagbigyan.
At agad ko namang sinimulan ang pag bubunot ng mga ligaw na damo. Wala naman akong choice kundi ay pagbayaran ko iyon.
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
AçãoSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...