Capitulo XXX

319 5 0
                                    

Chapter 30: Nanlamig 



 ------Samantha's Point of View----- 




Nakauwi na kami ngayon sa mansion. Hindi ko akalain na biglaan ang pag-uwi namin, hindi ko din alam kung ano ang rason.Nung nagising ako kanina ay napansin kong inilagay niya sa maleta ang aming mga damit. Tapos diretso na agad kaming umuwi. Gabi na ngayon at inaantok na ako dahil sa byahe namin kanina. 



 Pagkababa ko ay nakita ko si Alexander na umiinom ng red wine na para bang may malalim na iniisip. Ano kayang iniisip niya? Agad naman akong tumabi ng upo sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya na may blangkong mukha. 



"May problema ba?" nagtataka kong tanong. 



Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siyang tumitingin sa malayo.Agad naman akong nalungkot dahil hindi niya sinagot ang aking tanong. Kanina pa kasi siya sa eroplano eh, hindi niya ako pinapansin. Kinakabahan na ako baka kasi may problema talaga siya. 


 "Ano ba kasi ang problema mo?" malambing kong pagkakasabi sabay yakap ko sa kaniya ng mahigpit. 



 Nanlaki ang aking mga mata nang itulak niya ako pa layo sa kaniya . Halos mahulog na ako sa upuan dahil sa lakas ng kaniyang pagkatulak. 



 "Alex.." gulat kong sambit.  Tinignan niya ako na para bang may malaki akong kasalanan. 



 "Ano ba talaga ang problema mo? Bakit mo'ko tinulak? May nagawa ba akong kasalanan?" giit ko sa kaniya. 


Napamura ako sa inis dahil hindi na naman niya ako pinansin. Agad kong kinuha ang kaniyang hawak na baso at inilagay sa mesa. Wala pa rin siyang imik kaya agad kong hinawakan ang kanyang mukha at iniharap sa akin. 



 "Bakit hindi mo ako pinapansin? Nasasaktan na ako Alex." medyo paos kong pagkakasabi, ramdam ko ang pamumuo ng ang aking mga luha sa aking mga mata. 


 Totoo, masyado akong sensitive na tao. Kapag hindi ako pinapansin o kapag ako'y sinisigawan, ako'y nasasaktan. Tulad ngayon, hindi niya ako pinapansin at tinulak niya pa ako. Ramdam ko tuloy na iniiwasan niya ako. 



 "Sagutin mo ako." pagmamakaawa ko sa kaniya. 


 Hindi pa rin niya ako sinagot, kinuha niya ang baso na inilagay ko sa mesa. Agad ko naman hinawakan ang aking dibdib dahil sa kirot na aking nararamdaman. Pinunasan ko ang mga umaagos kong luha sa aking pisngi. Nasasaktan na ako sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Tumayo nalang ako at dumiretso na sa kusina upang kunin ang isang wine glasses. Mas mabuti sigurong sabayan ko nalang siya sa pag-inom upang masabayan ko rin ang kaniyang problema. Agad naman akong bumalik sa sala at nilagyan ko rin ang baso ng wine, sinalin ko rin ang sa kaniya. 

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon