Hindi madali ang buhay sa Stio Sampaguita.Para kase sa mga nakatira doon tanging pagtitinda lamang ng suman,mangga at kasoy ang pangunahing kabuhayan nila doon.Si Aling Pasing kasama ang magandang anak na si Maria ay nagtutolungan upang maibenta ang tindang mga kasoy at suman sa merkado.
Sa tuwing nagpupunta ang mag-ina sa palengke,sanay na ang mga ito tignan at purihin ng mga tao doon.Labis kase ang taglay na kagandahan ni Maria Esther,ang binansagang prinsesa ng SuMaKa sa merkado.Ang mga binatang nagtitinda din roon ay hindi maitago ang mga tingin sa dalagita,maging ang kapwa dalaga ni Maria ay labis din ang atensyong naibibigay sa kanya.
Marahil itoy kinaiinggitan,madalas purihin,nababagay ang malaanghel na mukha nito sa kanyang pag-uugali.Nanatiling mapagkumbaba si Maria,sing hinhin ng isang birhen.Marahil ang likas nitong paguugali ang mas lalo pang nagpatibok sa puso ng mga binata roon.Ang mala pursilena nyang kutis at maganda nitong ngiti ang nagpapaganda ng umaga ng lahat sa palengkeng iyun.
Si Maria Esther ay nagiisang anak ni Aling Pasing,dalawa nalamang sila sa buhay nang iwan sila ng kanyang ama na isang half Australiano at half pilipino.Nakilala ito ng kanyang ina at ito ang kauna unahang lalaki na nagpatibok sa puso nito.Sa kasamaang palad ang nasabing Australiano ay may iba pa palang pamilya,umuwi ito sa kanila.Naiwan si Aling Pasing kasama si Maria hindi ito nakita ng bata kaya lumaki sya sa pangungulila sa ama.
Ngunit kahit ganun,natutugunan naman lahat ni Aling Pasing ang pangangailangan ng kanyang magandang anak.Pinagpala ito dahil sa ganda ng mukha na iniwan ng ama nito sa kanya.
"Sus,half Autraliano half pilipino lang naman yan si Maria Esther.Sigurado ako na kung naging pure pilipino yan,same lang yan ng ganda ko ngayon" sambit ng isang dalaga sa kabilang tindahan.Sanay na si Maria sa parinig nito sa kanya.kung kayat hindi na nya ito pinapansin pa.
"Hayst...Pamu" buntong hininga ng binata sa gilid "kahit maging half Australiano kapa,hindi ka magiging singganda nitong si Maria.Eh,sa singhaba panaman ng mangga yang baba mo may ibubuga kaba?"
Nagtawanan ang lahat ng nakarinig,natameme si Pamu na ibinaling nalang ang pansin sa inaayos na paninda.Tanging ngiti nalang ang ginanti ni Maria sa lahat,taimtim itong nagayos ng kanyang paninda.
"Tinutukso ka nanaman ba nitong sila Pamu?" tanong ng isang binata sa kanyang likudan.Mas lumawak pa ang ngiti ni Maria ng marinig nya ang boses ng binata,nilingon nya ito tsaka pabirong hinampas sa braso "ikaw Sebyo huh' kanina kapa namin hinihintay ni nanay.Akala ko ba nangako kang tutulong samin na magayos ng tindahan?"
Hindi na nakasagot pa si Sebyo sa sinabi ni Maria,nahiya na ito at pakamot na hinawakan nalang ang kanyang batok."kaya nga nandidito na ako e,tutulongan kita dyan" inagaw nito ang hawak na paninda kay Maria tsaka sya na ang nagayos.
"Sebyo,hindi kaba hinahanap ng tatay mo sa inyong pwesto?" Tanong ni Aling Pasing na bahagyang nagulat sa binata.
"Hindi po Aling Pasing,tapos na po ang mga gawain ko roon.Inagahan ko napo ang pagaayos roon upang makatulong dito" napalingo nalang ang ale sa sinabe ng binata.Sa mga kinikilos nito mukhang hindi lang pagkakaibigan ang nais nito sa kanyang anak.Hindi na magugulat si Pasing kung magpapaalam na ito sa kanya manligaw kay Maria.
"Paano ba maging isang Sebyo?" Tanong ng kaninang binata sa kabilang tindahan.Lumapit ito sa harapan nila Maria na kapwa abala sa pagaayos ng paninda."Paano maging isang makisig at masipag na binata na maaring mag patibok sa puso ng isang dilag na kayganda" kahit na alam ng dalawa na biro lang ito ng binata,hindi parin nila maiwasang mailang."Sana ako nalang ikaw Sebyo,para kaya ko ring hawakan ang braso o ang kamay ng dalaga sa tabi mo" dugtong pa nito tsaka ito tumawa.
"Magkaibigan lang kami ni Sebyo Kiko,parang kapatid ko na tong si Sebyo e.Labis ang pasasalamat ko dahil si Sebyo ang tumatayong lalaki sa pamilya namin kahit hindi namin sya kamag anak" ngumiti si Maria sa binata na kanyang katabi.Gumanti nalang din ito sa ngiti sa dalaga.
"Awts,mag dahan dahan kanaman Maria,mukhang nasasaktan tong si Sebyo sa mga pananalita mo" pabiro itong sabi ni kiko sa dalaga.
"Sa ano namang paraan?" takang tanong ni Maria.
Ngumisi ang pilyong binata at binalingan ang kinakabahang si Sebyo "Kung hindi mo nalalaman,itong si Sebyo ay may li-" natigilan ito ng batuhin sya ni Sebyo ng suman.Tumawa nalang ito atsaka umalis sa harapan ng dalawa.
"W-wag mong pansinin yun si Kiko,kilala mo naman yung loko nayun,mapagbiro hindi ba?"
Ngumiti ng maamo si Maria sa kinakabahang si Sebyo.Sa isip isip ng dalaga,maaring may gusto sa kanya ang binata ngunit hindi nya ito maaring patulan.Sa ngayon kase,tanging pag aaral lamang ang kanyang nasa isipan.
"Oo na,sanay na sanay na ako sa mokong nayun." Sagot nalang ni Maria na muling ibinaling ang pansin sa pagaayos.Naramdaman pa ni Maria na bumontong hininga ang binata sa gilid nya.Mukhang may pahabol pa itong sasabihin,kung kaya pa lihim nya itong hinintay.
"Maria..." Pabuntong hininga ni Sebyo bago nya ituon ang paningin sa dalaga.Lumipas pa ang ilang segundo bago ito nadugtungan."Kung iyong mamarapatin,matagal tagal narin akong tangkang manligaw sa iyo...pero-"
"Sebyo,iho" natigilan ang binata dahil sa pagsingit ni Aling Pasing.Inilapag nito ang hawak na paninda tsaka binalingan ang binata "Pinapatawag ka ata ni Mang karyo sa plasa.Kasama ka ata sa pagaayos ng mga bandiritas roon para sa gaganaping pista ng SuMaKa dito sa Stio.Sampaguita" bahagya pang nagtaka si Sebyo sa sinabi ng ale.
Hindi nya alam kung maiinis sya dahil sa pagsingit nito sa kanyang tangkang pagamin o maiinis sya dahil magaayos nanaman sya sa Pista kasama ang tatay nya.
"G-ganon po ba" sagot ni Sebyo bago ito napatingin sa gawi ni Maria.Tinignan nya ang reaksyon ng dalaga sa paudlot na sasabihin nya kanina."M-Maria mukhang kailangan ako sa plasa e,pwedei bang doon muna ako tutulongan ko lang si tatay mag ayos" baling nito sa dalaga.
Ngumiti nalang asi Maria "Oo naman,sige.Hindi mo kailangang mag paalam saakin Sebyo."
Bago pa umalis si Sebyo binalingan nyang muli ang dalaga "Baka hindi din ako makadalaw dito kanibukasan.Kinagabihan na kase ang pista e.Hindi na tayo magkikita bukas" bahagyang natawa si Maria sa sinabe ni Sebyo.
Sa tono ng pag sasalita nito,parang malungkot itong mawawalay sa dalaga.
"Ano kaba Sebyo,sabi ko hindi mo na kailangang magpaalam saakin hindi ba? Ok lang kahit hindi ka na tumulong sa pag aayos dito.Kami nalang bahala ni nanay dito bukas.Hindi na kita aantayin" akala ng dalaga ay aalis na si Sebyo,ngunit nagtaka ito ng ilang segundo pa itong tumitig sa kanya.
"Maari bang ayain kita sumayaw sa araw ng pista...Maria?"
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Mystery / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...