(A girl with a red dress)
"Were here" ani nito "Nasa boundary tayo ng Stio Marka at Stio Sampaguita" tipid itong ngumiti "Were here in the calssic pantalan ever.Ang stio Hangganan"
Stio Hangganan?
Stio Hangganan.
Tinignan nya ang may kadilimang paligid.
Nakaramdam sya ng lamig sa buong katawan.Pero yung lamig na hindi nanggaling sa katabing dagat ng dalampasigan.Kundi yung lamig na tila ba may kung ano nalang ang may pumasok sa katawan nya na isang bagay.Tila ba kinalibutan sya,nakaramdam sya ng matinding kaba at panghihina ng tuhod ng marinig ang pangalan ng lugar.
Stio Hangganan.Isang lugar kung saan pinakadulo na ng dalawang magkapit bahay na mga stio.Ang Stio Marka kung saan sya na nakatira.At sa Stio Sampaguita.Ang lumang baryo daw na isinumpa ayon sa sabi sabi ng matatanda.
Dito nya lang nahunian na kanina pa pala sya nakakaramdam ng kakaiba sa katawan.Yung tipong,ayaw nya sa isang lugar,pero tila hinahatak syang mapunta dito.Hindi nya maikubli ang sarili,kinakabahan syat tila nangangatog ang kalamnan.Napalunok nalang sya ng laway at binaliwala ang kakaibang nararamdaman.
"Ayos ka lang?" Tanong ng binata sa kanya na tila napansin ang kakaiba nyang kinikilos.
Hindi nya alam sa sarili pero kusa nyang inilapit ang katawan sa katawan nito.Pinagmasdan nya ang paligid.Nakakatakot,pero sapat ang liwanag ng buwan upang makita ang buong paligid.Hindi nga lang sapat para maikubli ang masasamang nararamdaman ukol sa lugar.
"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong nya."H-hindi mo man lang sinabi na dito tayo pupunta.May plano kaba sakin?"
Napansin nyang medyo nagulat ang binata dahil sa sinabi nya.Pero agad lamang itong bumawi."Wala,walang kahit ano" sagot nito "Pero,sinadya talaga kitang dalhin sa Stio hangganan nato"
Kumunot ang noo nya "Bakit? Para san naman?" Tanong nya.
"Nakita kita" sagot ng binata "Tumatakbo ka,natatakot,hinihingal.Alam kong may tinatakasan ka.Yayain kitang sumakay sa kotse kung sakaling mapansin mo ako sa daan.Pero nahimatay ka kayat dinala na kita."
"Nahimatay ako" ani nya "Pero imbis na sa hospital mo ako dalhin.Sa Stio Hangganan nato mo ako dinala? Yan ba ang walang masamang mutibo?"
"Sa tingin mo may motibo talaga ako sayo" natigilan sya sa saad ng binata.
Oo nga,sino nga ba ang magkakaron ng motibo sa isang baklang katulad nya.Lalong lalo na ang isang binatang Montefalco.Kung hindi kasi ito Straight.
Malamang takot ito sa mga bakla dahil siguradong homophobic ito sa mga kagaya nya."Pasensya na" sagot nya "Sa panahon kasi ngayon,mahirap ng magtiwala sa mga tao.Lalong lalo na sayo"
"Pasensya nadin" saad ng binata.Inilayo nito ang paningin sa kanya.Na alam nyang nagets ng binata ang sinabi nya "Pero wala akong choice.Alam kong mahihimasmasan ka pagkatapos ng pagkahimatay mo.Sinadya lang talaga kitang dalhin sa Stio Hanggan na ito dahil mahalaga ang lugar nato sa mga kagaya mo"
Napatingin sya sa binata dahil sa huling sinabi nito.Nakita nya sa mata nito ang tila sincere ayon sa pagtingin nito sa kanya.Alam nyang kataka taka ito pero ito ang nasisilayan nya sa binata.

BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Gizem / GerilimIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...