'Stio Hangganan
"Juanillo Montefalco?" Sambit ni Kiko kay Maria ng mawala ito sa kanilang paningin "Kilala mo sya?" Tanong naman ng dalaga.
"Naku,binato ko pa sya ng basket at pinagbintangang magnanakaw.Tapos isa pala syang Montefalco?"nilingon ni Maria ang ina,nakaramdam sya ng pagaalala sa boses nito "Bakit po nay,ano naman po kung isa syang Montefalco? Sino po ba sya?" Inosenteng tanong ng dalaga.Nagpakawala nalang ang ina ng buntong hininga "Anak sya ng dating gobernador dito sa Stio Sampaguita.Ginagalang ang pamilya nila,nirerespeto.Sa dami panamang naitulong ng pamilyang yan dito sa baryo natin,titingalain talaga sila ng mga tao"
Napaisip si Maria sa sinabe ng ina.Nagalala ito marahil sa kung sino pala ang tao ang binangga nila.Nakunsensya rin ang dalaga dahil hindi nila ito pinasalamatan "Nay,hindi po natin sya napasalamatan ng maayos" pagaalala sa boses ni Maria.
"Kaya nga e,hindi ko tuloy alam kung paano ko sya muling mapapasalamatan" saad ng ina."Nay hawakan nyo po itong basket at bag ko" sabi ni Maria kasabay ng pagabot sa kanyang nanay ng mga gamit na dala nya."E aba,anong gagawin?" Takang tanong ng ina.
"Hahabulin ko po ang Montefalco nayun.Kailangan ho nating magpasalamat ng maayos.Bihira sa mayamang katulad nya ang tumulong ng ganun sa mga kagaya natin" pagkatapos ng letanya ng dalaga,mabilis itong tumakbo upang habulin ang binatang Montefalco.Mula sa kanto ng Merkado,tinakbo ito ng dalaga patungo pa sa isang kanto.Laking pasalamat nya ng makitang muli ang binata.Nagmadali pa ito dahil saktong sasakay na ito sa kanyang kotse.
"Sandale!" Sigaw ng dalaga.
Mukhang hindi pa ito narinig ng binata kung kayat mas nilakasan nya pa ang boses "Sandale po! Mr.Montefalco!".
Sa pagkakataong ito,nilingon na sya ng binata habang nakakunot noo itong napatingin sa dalagang takbo paparating sa kanya."Sandali po..." Hingal na hagpos ng dalaga pagkarating nya sa harapan ng binata.
"Anong kailangan mo?"Tanong nito kay Maria "Na-nais ko lamang pong magpasalamat Sr...." Sagot ng dalaga.
"At para saan naman? Dalaga? Hindi ba pinagbintangan nyo ako na magnanakaw sa halip na pasalamatan pa sa tulong ko" sa sarkastikong pagkakasaad nito,natauhan si Maria.Mukhang mahihiya pa ata sya sa mismong harap ng binata "k-kaya nga po hinabol ko po kayo,Sr...nanghihingi narin po ako ng dispensa sa pagbintang sa inyo ng nanay ko.Maraming salamat rin po sa pagtulong nyo sakin"
"Paano kung diko tanggapin" saad ng binata na may tawang kasunod.Nagumpisa tuloy kabahan si Maria na baka mas mahirapan pa syang suyuin ang binata sa harapan nya"Do you know who I am? Kilala mo ba kung sino ako dito?" Hindi alam ni Maria kung nagyayabang ba ang tanong nito,gusto sana nyang sagutin ng pabalagbag kung hindi lang sya naghihingi ng dispensa.
"Opo Sr...k-kilala kopo kayo." Sagot nalamang ng dalaga "kayo po ang anak ng Montefalco.Anak ng dating gobernador na si Mr.Montefalco dito sa Stio Sampaguita." Dugtong nya pa.
"Kung ganun kilala mo nga ako.So dahil dyan,kailangan mong pagbayaran ang mamahiyang ginawa nyo sakin.Kayo ng nanay mo" kumunot nag noo ni Maria sa pagtataka dahil sa sinabe ng binata."Pero Sr, tingin ko hindi naman po ganung ka bigdeal samin ang nangyare.Hindi po sinasadya iyun ng nanay ko,hindi nyo po alam kung gano kahalaga samin ang pera na ninakaw saamin" tinignan ni Maria ang mukha ng binata na nakangiti lamang ng nakakaloko "ano po bang gustong ibayad namin? Manganga tulong ako sa mansyon nyo ganun?" Dugtong ni Maria at nagkunwari itong natawa "Hindi po ito isang teleserye na aapihin nyo ang mga taong nakagawa sa inyo ng mali.Hindi naman po ganun ka bigdeal yun hindi ba? Mayaman kayo tapos kami mahirap lang,ano ibig sabihin banon matatapakan nyo na kami ng basta basta.."
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Детектив / ТриллерIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...