CHAPTER 31

525 54 3
                                    

AN:Hi Guys! Ito na yung last update ko for this week.Paubos na ang load ko.Sa ngayon magsusulat pa ako ng mga chapters.Pero diko alam kung kelan ulit ang UD.Pasensya na talaga.Pasensya na sa mga pasikot sikot at kaartihan ng story nato.Hindi ko to porte.This is my first time na full drama ang ginagawa ko.Na may halong mystery and reimcarnate churba.Pero sana bare with me parin.Tatapusin ko to as I promise bago pa ako magproceed sa iba.

Pagalitan nyo ako,magtanong kayo.What have feels on this chapters.Kung nagugoluhan ba kayo.Handa ko tanggapin lahat yan basta maging ok lang kayo sa pagbabasa.

So yan,kitakits ulit for my next UD.Pagiisipan ko pa ng mabuti ang story nato.Thank you Guys! And...

Happy reading 💕

Isang gwapong mukha ang bumugad sa mga mata ni Esme ng umagang iyun.
Nanlaki ang mga mata nya dahil nakasubsob pa ang mukha nito sa kanyang leeg.Hindi rin naging kumportable ang katawan nya dahil maging ang kaliwang braso nito ay nakaakap sa kanyang bewang.

Kumportableng ang ginoo sa pwesto nito na tila nahiya na syang gisingin dahil malalim pa ang pagkakatulog nito.
Ngunit paano ba nauwi sa ganto ang lahat.Na ang ginoo,ay nakaakap na sa kanya na para bang matagal na nila itong ginagawa.

Kasya nya lang naalala ang lahat.Mula ng mangyari ang di nya inaasahan nung nagdaang gabi.

°°°°°°°°°°

Hinayaan nya lamang ikulong ang sarili sa malalaking braso ng ginoo.Nakasubsob ang mukha nito sa balikat nya habang patuloy ang pagluha ng mga mata.

Masuyo nya itong pinapakalma habang marahang hinihimas ang likudan nito.Kaya ng maayos na ang ginoo,pinatuloy nya ito sa loob ng kanyang silid at kapwa silang umupo sa gilid ng kama.

Sadya nya lang nilagyan ng awang ang pagitan nilang dalawa,kapagkuwan ay kinain na sila ng katahimikan.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa,na para bang nabigla sila sa mga nangyari.

"P-pasensya na" mahinang ani ng ginoo.Hindi ito nakatingin sa kanya habang ang dalawang siko nito ay nakatanday sa dalawang tuhod."I was just emotional.Hindi ko mapigilan ang sarili ko"

"A-ayos lang po" sagot nya "Wala po sakin yun.Palagay ko kasi,kailangan nyo po ng taong mapagsasabihan ng sama ng loob"

"And youre here para sakin?"

Bahagya syang natigilan dahil sa sinabi nito.

Muli lang silang binalot ng katahimikan hanggang sa basagin ito ng ginoo.

"Kamukha kamukha mo sya Esme" sambit nito "At dahil nakikita kita,sapat yun sakin para kahit papano mabawasan yung sakit.Kasi iniisip ko,kapiling ko parin sya hanggang ngayon.Kahit nasa ibang katawan na sya...kahit nasa katawan mo na sya" parang tumalbog ang puso nya sa dibdib ng unti unting lumapit sa kanya ang ginoo.Hindi nya nagawa pang iiwas ang mukha nya ng hawakan sya nito sa pisngi "Be my Maria Esme,kahit yun lang matanggal lang ang sakit nito"

Hindi sya kumibo,nanatili lang din ang mata nya sa ginoo.Ang namumugtong mata nito ay tila nangungusap sa kanya na pagbigyan ang munti nitong kahilingan.

Ito ang nais nya,gusto nyang tulungan ang ginoo.Pero sa kabilang banda ng utak nya,sumasagi ang binata.Tila sumisigaw na sana kahit sa unting hiling rin nito,ay pagbigyan nya.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon