CHAPTER 45

501 40 3
                                    

Happy reading 💕

Hindi alam ni Chandra kung bakit punong puno ng luha ang pisngi nya ng magising sya isang umaga.

Nagtataka man kung bakit ay pinunasan nya nalang ito.

Nakakatwang hindi lang pala laway ang tumutulo sa pagtulog.Kundi mga luha rin.

Napapahikab tinignan nya ang may kalakihang bintana.

Dito nanggagaling ang liwanag.
Kay aliwalas ng kanyang silid na tila bagay na bagay sa magandang umaga pag gising nya.

Kaya naman bumangon na sya sa higaan at mas binuksan pa ng mas malaki ang kurtina sa bintanang iyun.

Nangingiting pinagmasdan nya ang labas.Napakalawak ng baryo.

Isang magandang lugar at tahimik na mamamayan.

Naisip nya kung hindi nga lang nangyari ang sabisabi na sumpa ng bababeng walang mukha.

At kung hindi nangyari ang insidente ni Maria sa pantalang iyun.Tuluyang tahimik ang bayang ito.

Wala sanang nabubuhay na kababalaghan.Malayo sa ganda ng bayang ito ang nakakatakot na kwento ng matatanda.

Wala sya sa sariling napahawak sa kanyang tiyan.Tila may kinakapa syang bagay doon na nagbibigay sa kanya ng kakaibang ligaya.

'Gusto ko ding makita mo ang ganda ng lugar na to anak saad nya na ang bata ang tinutukoy 'kung sakaling dun na tayo titira sa states kasama ang daddy mo.Kahit pa may banta ng kalokohang sumpa ang bayang ito.
Babalik ako dito kasama ka.Dapat mong makita ang ganda ng bayang ito kahit punong puno ito ng misteryo.

Napabuga sya ng hangin.Mas lalong lumawak ang ngiti nya nung maalala ang araw nayun.

Bago kasi sya mag diwang ng kaarawan.Nakakaramdam na sya ng kakaiba sa sarili.

Nakakatwang sa edad nyang tatlong put apat ay ngayon pa sya binayayaan ng sanggol sa tyan.

Grabi ang saya nya.Tila ito na kasi ang regalo sa kanya nung kaarawan nya.

Ang ika tatlong put lima nyang kaarawan ay sobrang kay ispesyal.

Hindi matatawaran ang kanyang kasiyahan.

Hindi pa nya gustong umalis sa tapat ng bintanang iyun pero natigilan na syang ng tumunog ang kanyang telepono mula sa kanyang bedside table.

Kinuha nya ito at agad na sinagot ang tawag.

Isang bariton na boses ang bomungad sa kanya.Pero kahit ganon ang boses,
damang dama nya padin ang lambing nito.

'"Babe...goodmorning" ani ng nasa kabilang linya '"Hows your day? Kamusta si baby"

Saglit syang natawa sa tanong ng binata.Para kasing pisikal na nyang nahahawakan ang anak.E isang buwan palang naman ng malaman nyang pinagbubuntis nya ito.

"He's ok babe" sagot nya "kumakain na nga e"

Natawa ang kasunod sa biro nya pero agad din itong tumigil.

'"He's?" Tanong nito '"Teka? Napa ultrasound mo na ba sya? Alam mo na yung gender ni baby" kahit nasa telepono alam nyang umingos ito "Babe...dapat sinabihan mo ako,alam mo naman excited ako sa mga ganyang bagay e.Andaya mo naman"

Napapailing syang pinipigilan ang tawa dahil sa sinabi ng nobyo.

"Ano kaba Brylle" sambit nya "Angel pa ang baby natin sa tyan ko.Kumbaga dugo palang na unti unting nagpo-form ng body.Siguro mga four months or six.Malalaman na natin,not sure din kasi ngayon palang ako magbubuntis sa edad kong to.Kaya ikaw,dalian mo umuwi sa states hah.Samahan mo ako sa manila para alamin ang gender ni baby"

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon