CHAPTER 24

723 58 2
                                    

Hindi nya alam kung anong balak sa kanya ng binata.Pero nanatili syang nakatanga,nagpapadala sa ginagawa nito.Kasalukyan na silang nasa lugar nayun,sa dulo ng hallway mula sa building na kinalulunlan nila.Walang tao,walang sino man ang palakad lakad,tanging dalawa lamang sila.Hindi nya alam kung anong mangyayari,pasimple nya ding sinapit si Rosaine na kanina lamang ay nasa likod nya pero ngayon,wala na.Talagang sila nalang ng binata ang naroroon na kasalukuyan ng tumigil sa paglalakad mula sa tapat ng isang pinto.

Ito ang storage room ng MMU.At wala syang kaide-ideya kung ano ang ginagawa ng binata ng buksan ang pinto nito at tignan sya ng kakaiba na ipinagtaka naman nya.

"A-ano bang gagawin mo?" Tanong nya sa binata.Hindi ito sumagot at pinakatitigan lamang sya.Pero pagkalipas ng ilan pang segundo.Kita nya na natawa na ito dahil sa ekspresyon nya ngayon.
Hindi nya napigilan ang pamumula ng mukha na ninais nya ng magpakain sa lupa dahil sa hiya."Ano ba kasing kailangan mo dyan?" Iritang tanong nya dito.

Pinihit nito ang pinto para buksan.Iniwan sya ng binata mula sa labas ng silid nayun.At inantay nya ng ilang minuto bago ito muling lumabas.

"Bakit ano bang iniisip mo?" sagot ng binata sa kaninang tanong nya.Napansin nyang may dala na itong dalawang Megaphone na ipinagtaka naman nya."May pumapasok ba dyan sa utak mo na kakaiba?"

Umiwas sya ng tingin dito na parang inabala ang mata sa paligid."Tayong dalawa lang kasi dito" mahinang ani nya "Hindi na kasi napupuntahan ng mga studyante ang lugar na to pwera sa mga staff.Kaya nagtataka ako kung bakit dito mo ako dinala"

Narinig nyang natawa ang binata pero hindi nya ito pinansin.

Natigilan lang sya ng hawakan nito ang kanang kamay nya na ikinatigil nanaman nya."Kung ano ano iniisip mo" saad ng binata kapagkuwan ay iniabot sa kanya ang isa pang hawak nitong megaphone "Kung ano man yun,hindi ko gagawin.Hindi pwede at hindi ko kaya.Maliwanag? Take this"

"Para san naman to?" Tanong nya ng tuunan nya ang megaphone.

Tinignan nya ang binata na nagtaas lang ng gilid ng labi "like what I said" saad nito "Lilinisin natin ang pangalan mo.I will make sure na tatanim sa utak nila na hindi ka ganung tao.Im sorry,ako nagsimula ng lahat ng ito Esme.Sinira kita kaya ako ang magaayos sayo"

Hindi nya alam kung anong problema sa dibdib nya.Pero naramdaman nya ang kakaibang tibok mula dito.Kinabahan sya na-naexcite but at the same time,natuwa sya.Natuwa sya sa bagong Kye na nakilala nya ngayon.

PIGIL nya ang sarili mapabitaw sa kamay ng binata na mahigpit na nakakapit sa kaliwang kamay nya.Oo,hawak hawak ng binata ang kamay nya habang nililibot nila ang buong university.Sa kanyang palagay halos kalahati na ng lugar nato ang naikot nila.At sa halos lahat ng pagkakataong yun,may hawak ang binata na isang megaphone.Nakatutok ito sa bibig nito habang sinasabi ang nais ipaintindi sa mga studyanteng nakikinig at nakaka kita sa kanila.

"Mula ngayon,ayoko ng maririnig na pinaguusapan nyo ang lalaki sa tabi ko" ani ng binata sa tabi nya "The humor,is just a humor.
Walang katotohanan ang lahat ng mga maling balitang kumalat sa paaralang ito.Kaya ngayon,ayoko ng pinaguusapan ang lahat ng yun maliwanag ba?!"

Kita nyang nagbubulong bulungan ang lahat sa paligid ng hallway na dinadaanan nila.Wala syang magawa kundi mapatiklop hindi dahil sa kahihiyan.Kundi ilan sa mga naririnig nya ay ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kye.

Karamihan dito,ay ang bulungan nito ukol sa kanilang dalawa.

'A lover?...hell no.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon