CHAPTER 44

466 39 3
                                    

AN:Last 3 chapts guys!.Hope di kayo mabitin hehe.Love you!

Napaluhod habang hindi makapaniwala sa mga nakita.Wala syang pakialam sa mga bisitang naroon.

Dire diretsyong bumagsak ang mga luha nya sa pisngi.

Naramdaman nya din ang panginginig ng katawan dahil sa takot.

Hindi sya makalapaniwala.

'Ang mukhang yun... She mumbled 'Ang mukhang yun,hindi ako nagkakamali.Hindi ko makakalimutan ang bawat ditalye ng mukhang yun.
Kamukhang kamukha nya si Maria Esther.Sya si Maria Esther.

"Everyone!" Tawag sa pansin ng lahat ni Chandra.
Kakapasok lang ulit nito sa pinto na hindi maitago ang pagkainis at bahagyang pagkagulat sa mga nangyari.
Kasama itong naghatid palabas sa binatang iyun.

Yung taong sumira sa gabi nya...gabi nilang dalawa ng kanyang anak.

Napabaling sya dito na ganun parin ang posisyon nya.Lugmok sa sahig at tuloy ang pagluha ng mga mata.

"Pleas,everyone.Pasensya na sa inyong lahat.But this party is already done" sambit pa nito "Tapos na po ang party,p-pwede na po kayong magsiuwi"

Narinig nyang nagbulong bulongan ang lahat.Pero hindi na ito pinansin pa ng anak at agad na syang dinaluyan upang itayo.

Halata ang pagkabahala nito sa mukha kung kayat sumunod lamang sya dito nang alalayan sya patungo sa taas sa kwarto nya.

Nang makarating na sila sa loob,dito nya ibinuhos ang mga luha habang nakayakap sa kanya ang anak.

Walang sawa itong inalalayan sya hanggang sya na ang kusang huminahon at inayos ang sarili.

"Bumalik sya anak" sambit nya dito "Binalikan nya tayong lahat.Totoo ang sinasabi nya,bumalik sya para maningil"

"Hindi sya si Maria Esther" sambit ng anak na bahagya parin syang pinapatahan "Batang lalaki lang yun.Ni hindi natin sya kilala,ni hindi natin alam kung san ba sya nanggaling.Ngayon lang natin sya nakita.Wag mong ikatakot ang pipityuging nilalang nayun"

"Pero kamukhang kamukha nya si Maria" ani nya "Paano kung sya talaga yung babaeng yun,paano kung nagibang tao sya.O nabubuhay lang sa katawan ng iba? Anong gagawin natin kung balikan nya tayo dito...baka patayin nya tayo"

Kita nya ang awa ng kanyang anak sa itsura nya.Hindi nya maitago ang pagkabalisa.

Hindi nya na alam ang gagawin.

"Hindi mangyayari yun mom" sambit nito "Nandito ako,at sisiguraduhin ko kung magawa nya man ang bagay nayun ay dadaan na muna sya sakin"

Napapaluha man ay muli nyang binalikan ang insidenseng yun.Sa alaala muli nyang pinagmasdan ang mukha ng binata.

Oo ngat hindi nya maitatangging kamukhang kamukha ito ni Maria Esther.Ngunit napakainosente nitong tignan.Kagaya ng babaeng yun,mala anghel ang mukha nito at may mapupungay din itong mga mata.

'Masama ba syang tao... tanong nya sa isipan 'magagawa nya bang pumatay para maghiganti? Sino kaba talaga bata? Anong kinalaman mo sa pagkatao ng babaeng yun? Bakit kamukhang kamukha ka nya?

"Kilalanin natin sya anak" kapagkuwan sambit nya sa anak dahilan para matigilan ito.

"Ano po sinabi nyo?" Tanong naman nito.

"Kilalanin natin sya" paguulit nya "alamin natin kung sino ba talaga sya? San sya nanggaling? Bakit nakikita natin sa kanya ang pagkatao ng babaeng yun?"

Nakita nyang napaisip ang anak dahil sa mga sinabi nya.Napatingin pa ito sa kawalan na tila pina-process ang gusto nitong maalala.

"Y-yung anak po ni Ate Maria?" Kapagkuwang sambit nito "Nasan na po ba ang bata?"

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon