AN:Hindi pa ako maka move on sa INME so,dinagdagan ko sya ng chapters.
Pero sure nato.May epilogue na sa dulo.May ending na hehe.
Happy reading 💕
Doc vee,is he ok?
Ayos na ba ang kalagayan nya?
Bakit hindi pa sya nagigising?
Na-coma ba sya doc? May nangyayari bang masama sa kanya ngayon?
Dont worry,anak.Hes ok.
E bakit hindi pa sya nagigising?
May problema ba sa kanya?Ahm,I think he just recovering.Pero magiging maayos naman sya soon.
Recovering...pero magdadalwang araw na syang walang malay.Do you think ok paba sya?
Ako ang doctor dito Bella,anak.I know whats happening on my own patient's kaya wala ka dapat na ipagalala dahil maayos na ang kalagayan nya.
By the way? Saan mo ba nakita ang batang yan?
WALA na syang narinig na sagot mula sa mga naguusap na iyun.Nanghihina nalang syang nakahiga ngayon sa isang malambot na kama.
Bahagyang kumirot ang ulo nya ng bahagya syang gumalaw.
Kung kayat,agad na may dumaloy sa kanya upang alalayan sya.
Napapangiwing inilibot nya ang paningin sa paligid at dito nya napagtanto kung nasaan sya.Nasa isa syang hindi pamilyar na silid at dahil dito.Nagsimula syang magpanic.
"Its ok kid" sabat ng isang mahinhin na boses mula sa kanyang tabi nang magsimula syang lumingo lingo.Ni hindi nya ito tinignan sa mukha dahil sa ngayon ay naghahabol sya ng hininga."Ok lang yan,ok lang ang lahat"
Umiling muli sya at magsimulang dumaloy ang mga luha sa pisngi.
Bumalik nanaman ang nakakatakot na alaalang iyun.Hindi nya mawari kung isa bayung panaginip o isang alaala na lalong nagpapasakit ng ulo nya.
Dahil dito mariin syang pumikit at ipinilig ang ulo upang mawala ang mga sinaryong iyun.Pero parang isang bala ito ng baril na sunodsunod syang tinamaan at pumapasok ito sa kanyang isipan.
"Hindi...hindi ako si Maria Esther" he mumbled "tama na hindi ako yung taong tinutukoy nyo.Tama na po"
Nagmalabis muli ang mga luha nya.Pero patuloy parin ang pagpasok ng mga alaala.
Ayun sa kanyang vision.
Nalaman nya ang isang katotohanan na hindi nya matanggap isang araw.
Dahil dun,sa gabing nagdaan mula ng makwento sa kanya ng isang babae ang kagilalas gilalas na sinapit ng kanyang mga magulang ay lumabas sya isang gabi.
Pinuntahan nya ang isang mansion para hanapin at alamin ang isang katotohanan mula sa dalawang tao.
Pero iba ang nakita nya rito.
Maraming mga tao.Maingay doon at magulo.
Sa harap ng mansiong iyun parang may nagrarally.
Nagtago sya sa isang puno malapit dito at doon,palihim nyang pinag masdan at pinakinggan ang mga nangyayari.Dito nalaman nya ang isang bagay na nagpangilabot sa kanyang sarili.
"Bumalik na ang ligaw na kaluluha!" Sigaw ng isang lalaki na hindi nya mawari kung nakilala nya ba ito sa boses "Totoo ang sumpa! Totoo ang ligaw na kaluluha at nandito na sya para maghiganti" narinig nyang nagbulong bulongan ang ilang tao roon pero nag patuloy lang ang nagsasalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/208684340-288-k220546.jpg)
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Mystery / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...