CHAPTER 46

479 43 7
                                    

AN:Sorry sa mga error guys.

Enjoy reading 💕

"Esme! Esme!" isang sigaw ang nagpagising sa kanya ng umagang iyun.

Napabalikwas sya sa higaan at sinimulang ilibot ang paningin.

Nandito parin sya,nasa hindi pamilyar na silid ng kasalukuyang tinutuluyan nya.

Kusot mata,hinarap nya ang tila galit na nagsalita nayun na gumising sa kanya.

His ate Gina.

Kunot noo itong nakatingin sa kamya na hindi naman nya maintindihan kung bakit

"Hindi na ka lock ang pinto" sambit nito "Lumabas kaba kagabi?"

Napakunot noo syang napabaling dito.

'Lumabas?

"H-hindi po" kapagkuwang saad nya.

"E pano hindi naka lock yun e ako ang naglock nun kagabi" sambit nito "sigurad kaba? Hindi kaba talaga lumabas kagabi?"

"Hindi po talaga" saad nya "San naman po ako pupunta kung lalabas ako.Isa pa po,gabi nayun.Dalawang araw palang naman ako dito wala pa naman po akong mga kaibigan"

Hindi sumagot ang ginang at napatitig lang sa kanya.Sya namay kusang napabaling sa picture na nakasabit sa dingding sa ulunan nya.

It a picute of a girl name...Maria Eather.

"Ok kalang ba talaga Esme?" Kapagkuwang tanong nito na kinakunot ng noo nya.

"Oo naman po" sagot nya "Bakit nyo naman po natanong?"

Huminga ng malalim ang ginang "Wala lang,napansin ko kasi kahapon,pag-gising mo.Para kang balisa" saad nito "Para kang pagod na pagod na ewan"

Kumunot ang noo nya "pagod na pagod po?" Tanong nya "Sa ano naman pong paraan para ako mapagod e natulog lang naman ako.Isa pa,hindi naman ganun kabigat ang mga gawain dito para ikapagod ko kahapon.Sanay naman ako sa gawaing bahay e"

"Hindi naman yun ang tinutukoy ko e" sabat ng ginang "sabihin mo nga,may iba kapa bang nararamdaman?"

Natigilan sya sa tugon nito.

"Ano po bang ibig nyong sabihin?"

"Alam mo ang sinasabi ko Esme" saad muli nito "Nakwento ko na ang tungkol ka nanay Belen.Dito sya natutulog at laging may kakaibang nangyayari sa kanya, Sayo ba? Meron"

Hindi sya agad nakasagot.
Napaisip sya sa mga sakaling ngang nangyayari sa kanya.

"Pangalawang beses ko ng nadadatnang bukas ang pinto Esme" sambit nito "Sigurado akong nila-lock ko yun bago tayo matulog.Kaya tinatanong kita kung lumalabas kaba pag gabi.Hindi ko alam ang nangyayari sayo.
Magsabi kasakin ng totoo.May iba kapa bang mga nararamdaman?"

Matapang nyang tinignan ang ginang bago sya magsalita.

"Magsisinungaling po ako sa inyo kung sinabi kong wala" saad nya kapagkuwan ay mahina syang natawa "Aaminin ko po nung unang gabi ko dito may naramdaman na akong kakaiba...Normal lang po ba sa bahay na to ang humangin ng malakas,hawiin ang kurtina at magbukas ng kusa ang pinto?"

"Nagsisimula na sya" sambit nito "baka may gusto syang ipabatid sayo.Baka kailangan may gawin kana"

"Ano naman pong gusto nyang gawin ko?" Tanong nya "Kung nagpaparamdam nga sya sakin.Anong pinahihiwatig nyang gusto kong gawin?"

"Ang mga Erschonen" sambit ng ginang "Sa pagkakaalam ko kay nanay Belen,malaki din ang kasalanan ng mga ito kay Maria.Ngayon nandito kana.
Nagpaparamdam sya sayo para kumilos kana"

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon