'Badside
Bahagya lang itong natawa "Nagtanong tanong ako..hindi naman madaling hagilapin ang bahay nyo e" tumingin ito kay kiko,napagtanto nitong may nauna na palang sumundo sa dalaga
"So..paano? Maari ko bang ihatid sa sayawan ang munting dalaga?" Sambit nito pagkalaunay tinungo ang mata kay Maria.
Hindi alam ng dalaga ang isasagot.Alam nitong may naghihintay sa kanya sa pista "wag kang magalala,he can with us.Pwede natin sya isabay pagpunta don" suhesyon ni Juanillo ng ilang segundong pananahimik ang lumipas.
"M-malapit lang naman ang pistahan Sr Montefalco.
Makakapaglakad naman kami ni Maria" sagot ni Kiko na mukhang hindi nagugustohan ang kinikilos ng binata sa harap nya.
"Maglalakad? Ganyang kagandang dalaga ay paglalakadin mo?" Tanong ni Juanillo kasunod ang malokong tawa.Bumaling ito sa dalaga "Maria,Im sorry kung nanbigla ako sayo rito.Naisip kase kitang sundoin gayong pupunta din naman ako sa pista.Nabanggit mo din kase kaninang umaga napupunta ka hindi ba?"
"Nabanggit ko nga sayo.Nakakahiya din naman kung tatangge ako,pero inaantay ako ng kaibigan ko sa sayawan ngayon e" bumaling ito kay Kiko "oo nga,kiko.Halika sumabay nadin tayo kay Junaillo.Sigurado naman akong magkikita kami ni Sebyo dun hindi ba?"
Hindi sumagot ang binata.Kumamot pa ito sa kanyang ulo "e kase..."
"Ano tara?" Tanong ulit nito.
"Yes kiko right? You can ride with us.Isasabay kanadin namin" singit pa ni Juanillo.
Hindi alam ni kiko ang isasagot.Marahil may iba itong plano sa dalaga kung kayat ayaw nitong payagan sumakay sa kotse.Nakakaramdam sya ng pagaalala sa kaibigang si Sebyo kung hindi nito madadala ang dalaga sa kanya "So-sorry din Maria.Pero may inaantay din kase akong tao e.Sige mukang magkikita din naman kayo ni Sebyo sa pistahan,maaring mauna kana doon"
"Huh? E pano ka.Pwede kanaman sumabay hindi ba?" Pagtataka ni Maria
"Hindi ok lang,may nagaantay din ata sakin.Promise pupunta ako dun susunod kami ni Sebyo"
Mukhang wala ng nagawa si Maria sa dahilan ng kaibigan.Hindi naman maipaliwanag ang ngiti ng binatang si Juanillo na mukhang makakasama nya ang dalaga buong gabi.
----
Kaygandang pag masdan ang sitio hangganan dahil sa palamuti nitong maliliit na ilaw.Sa pinaka gitna ng mahabang daan nito ay may nakapwesto na bilog na lamesa.May dalawang upuan para sa dalawang tao.
May pulang sapin ito at may bulaklak sa gitna na pangdesenyo.Mukhang mamahalin ang pagkakaayos nito dahil sa idea ni Sebyo.
Handa na ang binata para sa gagawin.Isi net up nya itong lahat para sa kaisa isang dalaga sa puso nya,si Maria.Sa gabi kasing ito,araw ng pista ay magtatapat ng damdamin ang binatang si Sebyo sa kaibigan.Naisip nyang paghandaan ito ng magarbong date area sa gitna ng mahabang daan dito sa sitio hangganan.Buong hapon nya ito inihanda,pinagisipan ang bawat detalye,pinag handa ang mismong sarili para sa gagawin.
Ngayon,aaminin na nya ang lihim na pagtingin sa dalaga.Marahil iniisip nitong masisira ang kanilang pagkakaibigan,sawa na sya sa pagtago ng katotohanan dito.
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Misterio / SuspensoIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...