"Nagbalik na sya..." Sambit nito nang oras na makapasok sya sa sala.
Kunot noo syang napatingin dito na walang ekspresyon ang mukha habang nakaupo sa mahabang sofa.
Ito nanaman ang bubungad sa kanya mula sa paguwi sa nakakapagod na trabaho.Ang babaeng walang ibang ginawa kundi laitin sya at sisihin sya sa lahat ng nangyari.
"Ano bang pinagsasabi mo Minette?" Tanong nya habang inilalapag ang mga gamit sa lamesa.
Pinagmasdan nya ito habang nakatingin lang ito sa kawalan "Naka shabu kaba? Ano bang nangyayari sayo?""Bumalik na sya Kiko" sambit muli nito nang tumingin ito sa mga mata nya "Bumalik na sya sa Stio.
Sampaguita.Manghihingi na sya ng katarungan sa mga ginawa mo,sa pagkakataong ito.Hindi lang ang baryong iyun ang babalikan nya.
Kundi ikaw mismo"Natigilan sya sa mga sinabi nito at hindi napigilang magngilid ang kaba.
"Baliw kana Minette" sambit nya na bahagya pang tumawa para maibaling ang nararamdaman "Sa tingin mo,makakabalik pa sya?" Tanong nya dito "Sa tingin mo makakabangon paba ang katawang naging abo na? Makakabalik paba ang taong patay na?"
"Hindi sya ang tinutukoy ko" tiim na sambit ng ginang kapagkuwan ay tumayo ito sa kinauupuan at hinarap sya "Si Esme,bumalik na sya sa Stio.Sampaguita upang ungkatin ang mga katotohanan.Unuungkat nya na ang mga kahayupang ginawa mo"
Pagak syang natawa nang marinig ang pamilyar na pangalan.
"Si Esme? Bumalik sa Stio.Sampaguita?" Tanong nya "Ano naman ang gagawin nya dun? Maghanap ng abo?"
"Naghahanap sya ng katarungan" sambit nito "Naghahanap sya ng katotohanan upang maipangbayad sa mga kasamang ginawa mo!"
Hindi nya inaasahan ang muling pagakyat ng dugo nya sa ulo kung kayat mabilis nyang inilampaso ang mga gamit sa lamesa.
Hindi nya napigilang mainis.
"Hanggang kailan mo ako sisisihin na kasalanan ko ang lahat Minette huh!" Singhal nya dito "Ano bang kinatatakot mo? Ang pagbabalik ng paslit na bata nayun? Bakit ano bang alam nya? Basura lang sya! Produkto lang sya ng kasiraan ng lahat.Sya ang punot dulo ng lahat ng to pero wala syang alam"
"Wala sa ngayon" ani nito "pero pag nagtagal sya sa baryong yun.May malalaman na sya,hinahanap nya na ang mga Erschonen.Alam ko na makakapagsabi sila ng totoo.Isisiwalat nila ang mga krimeng ginawa mo!"
"Ginawa natin!" singhal nyang muli dito "kasama ka Minette kaya hindi lang ako ang may kasalanan dito.Ikaw din! Isang pagkakamali na binuhay mo pa ang batang iyan.Ngayon,natatakot ka na baka isang araw hindi kana umuwi sa bahay nato kundi sa kulungan na ang tuloy mo"
"Tapos na akong matakot Kiko" sambit nito sa kanya "Ibinigay ko na sayo lahat una palang nang magdisisyon tayong pagbintangan si Maria na pumatay kay Sebyo.Ibinigay ko na sayo lahat ng makakaya ko pero may konsensya ako.Tapos na akong matakot,kulang pa ang mga ginawa ko kay Esme sa kabila ng mga ginawa natin sa mga magulang nya"
"Ikaw ang nagdisisyon" sambit nya "ako ang pumatay pero ikaw ang nagdisisyon sakin.Ikaw ang nagsabi sakin na ito ang gawin ko,na ganyan ang gawin ko.Ikaw lahat yun Minette.Ngayon na inaakala mong dehado na tayo magdidisisyon ka nanaman sa isang bagay?" Hindi nya napigilang iduro ang ginang dahil sa nararamdaman nyang galit. "Ano sasabihin mo kay Esme ang totoo nyang pagkatao? Sasabihin mo ba sa kanya na-"
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Misteri / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...