CHAPTER 10

1K 81 4
                                    

Ipag paumanhin ang mga wrong spelling at grammar na mababasa nyo dito.Marahil wala lang time si Author upang iedit ang chapter na ito.Salamat sa nagbabasa at sa mga nakakaintindi.Lubos kong kinasisiya ang bagay na iyun.

Happy reading 💕

₩₩₩₩₩₩

"S-Sebyo..." Saad nya.Kita nya na madilim ang mga mata nitong nakatitig sa kanilang dalawa.

"Maria" ani nito kapagkuwan ay dumako ang tingin nito kay Junaillo na tila hindi man lang nagulat sa prisensya ng binata.

Medyo naiinis pa sya sa nararamdaman nya nagyon dahil tila pinagtaksilan nya ito.'Bakit nga ba? E hindi naman kami magkarelasyon ni Sebyo hindi ba?

Tinignan nya lang ang susunod na gagawin ni Sebyo na ineexpect na nyang lumapit sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay nya kapagkuwan ay may pwersa sya nitong inilayo kay Juanillo.

Nakaramdam sya ng autoridad mula sa binata na sadyang ikinakaba nya.

"Ipinag paalam kita kay Aling Pasing" ani nito,walang emosyon ang boses "kaya ako ang dapat mag uwi sayo sa bahay nyo" muli nitong pinasadahan ng tingin si Juanillo.Pero ni hindi man lang ito naintimitado kay Sebyo.

"Pwede ko din naman iuwi si Maria" ani Juanillo "Sa katunayan nga sumayaw kami sa plaza kanina.Kami ang napili bilang Prinsipe at Prinsesa ngayong araw ng pis-"

"Alam ko" sagot ni Sebyo na nagpatigil sa iba pang sasabihin ni Juanillo "Kaya nga nagtataka ako kung bakit nandito na kayo sa tahimik,
walang tao,at may kadilimang lugar gayong kayo pala ang naatasang mag lead ng sayawan"

Hindi na nakasagot pa si Juanillo dahil sa sinabe ni Sebyo.Hindi narin nya nagawa pang magsalita dahil basta nalang sya kinaladkad ng binata paalis.May kalakasan ang braso nito kung kayat hindi nya magawang makapalag.

Aaminin nya sa sarili na tila wala syang magawa sa pagkakaroon ng Utoridad ng binata gayong wala naman silang relasyon.

Kaya naman hindi na nya hinayaan ito at hindi pa man sila nakakalayo kay Juanillo ay pwersahan na nyang inigaw ang kamay sa binata."Hindi pa tapos ang kasiyahan Sebyo" ani nya nung hinarap sya ng binata "Nagpaalam din ako kay ina.Ayoko munang umuwi dahil tatapusin pa natin ang kasiyahan diba?"

Napansin nyang bahagyang natawa ang binata sa sinabi nya "Natin?" Tanong nito "Tatapusin natin ang kasiyahan e mukhang masaya ka naman sa Juanillo mo diba?"

Natigilan sya "Hinintay kita pangako" ani nya "Pero may dalawang matanda lang na nag aya samin ni Juanillo kaya napa-"

"Nangako ka sakin Maria" ani nito na ikinaputol ng sasabihin nya "Sabi mo kahit na anong mangyari ako ang unang mong makakasayaw sa oras na pinayagan ka na sa taunang pista.Pero anong nangyari? Bakit si Junaillo ang kasama mo.At tsaka ano bayan suot mong maskara huh?" kumunot ang noo nitong mapansin na suot nya parin pala hanggang ngayon ang maskara na gamit nya.Hinawakan ito ng binata sa gilid at bahagya syang nagulat ng pwersahan nito itong tinanggal mula sa kanyang mukha.

Napasinghap sya't napahawak sa mukha dahil sa sakit.Kasya nya lang nahuniang nasira ang maskara ng itapon ito ng binata sa sahig.

"Ano bang problema mo?!" Galit na sigaw nya.Dito nya naramdam sa gilid ang prisensya ni Juanillo.

Mukhang nakita nito ang ginawa sa kanya ni Sebyo.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon