(Ang latigo ni Tiyo)
Mababa ang lipad?
Nakakasawa.
Sana na nga lang naging totoo syang kalapati.Kahit mababa minsan ang lipad.Atlis nakakalayo,malaya.Pero ngayon,nasa matipunong bisig nanaman sya ng tsuhin.Kaharap nanaman nya ang ang nag-iigting nitong panga.Ang nalilisik nitong mga mata ay tila tinutunaw nanaman sya sa takot.
Alam nya,nasa paligid lang nya ang Tyahin.Pero para lamang itong nakapaskil na piraso ng papel sa ding ding.Walang pumapansin.
Alam nyang kahit nandyan ang presensya nito.Walang magagawa ang tyahin para pigilan ang tsuhin nasaktan sya.Na ngayon,oo mangyayari na.Nasanay na sya,kailangang masanay.Dahil kung hindi,mamatay sya sa sakit.Mamatay sya sa lungkot.
"Bakit mo to ginagawa?!" Sigaw ng tsuhin na umalingawngaw sa paligid.
Hindi sya sumagot.
Pina-process sa utak kung ano nga ba ang tinutukoy nito."May natanggap kami mula school nyo" ani pa nito "Gusto kaming makausap ng principal mo dahil sa kumakalat na humor.Ano kaba talaga ni Montefalco?"
Isang tao ang pumasok sa utak nya.Hindi ito ang lalaki na nakita nya sa plaza.Yung hinawakan sya sa braso na tila kilalang kilala na sya nito.Kundi si Kye.Ang anak ng misteryosong lalaki.
Isa lamang kasi ang ibig sabihin ng tinutukoy ng Tsuhin nya.
Mukhang pina-alam na nito sa mga prof ang haka haka nya.Pero isa lang tanong nya.
Bakit ganun kabilis?
Bakit ganun ka bigdeal?
Hindi nya lubos maisip na dahil lang sa maling intrepasyon.Na dahil lamang sa mga sticky note.Pwedeng malagay sa piligro ang pag-aaral nya sa MMU.Isang taon,ga-graduate na sya.Pero mukhang mauudlot pa ata.
"Pwede kang maexpel sa paaralang iyun Esme" diing ani ng tsuhin."May nagsumbong sa committee.
Na isang studyante daw ay maaaring magulo ng pamilya dahil sa nilalandi ang tatay nila" naramdaman nyang mas diniin pa sya sa pader na sinasandalan nya.Masakit.Pero parang hindi nya kayang umiyak.Walang lumalabas.Naubos na "Ano bang ginagawa mo? Nilalandi mo ang tatay ng kapwa mo studyante.Nagrereklamo sila dahil baka masira ang pamilyang iniingatan nila" bahagyang natawa ang tsuhin.Nangiinsulto "Pinataunayan mo lang na parehas kayong malandi ng nanay mo.Opurtunista"Opurtunista?
Kalapating mababa ang lipad?
Malandi?
Kahit isa wala pa syang nagagawang ganun.Hindi sya ganung tao pero kung husgahan sya ng lahat.Maduming tao sya.Laging naka-kabit sa nakaraan ng kanyang ina.Ang pangalan nya.Ang buong pagkatao nya.
Kaya siguro tama na.Napapagod na sya.
"Ano bang pakialam mo?" Ani nya,walang emosyon ang boses.Hindi mabasa ang tunay na nilalaman ng mata.Natigilan ang tsuhin kaya nagpatuloy sya."Pagod na akong magpaliwanag.
Pagod na akong intindihin ang mga bintang na hindi ko naman ginagawa" bahagya syang natawa "Dahil sa lalaking yun.Nasira ang pangalan ko.Nasira ang pangalan ko sa MMU.Dahil sa binatang yun,bubugbogin mo ako.Sasaktan.Hindi naman sya sigurado sa mga pinagsasabi nya.Pero kung makabintang sya,parang totoo na"
![](https://img.wattpad.com/cover/208684340-288-k220546.jpg)
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Misterio / SuspensoIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...