CHAPTER 18

799 69 4
                                    


I dont know if kaya kong pahabain ang INME.Mas prepared ko ngayon ang oneshot story.But sana kahit papano makareach ako ng 30+ chapter para kahit papano magbasa kayo ng may kahabaan.(kung prepared din kayo sa matagalan) For now kasi,mas bet ko ang oneshot story.Pero mabagal din talaga ako mag update.

Kaya guys,thank you sa mga nagbabasa huh.Sorry kasi malayo talaga ang genre nato sa mga prevoius story ko dito sa watty.Kinakain lang kasi talaga ako ng Mystery Thriller at reincarnate churba hehe.

Anyway! Enjoy reading 💕

(Ang lihim na pagtingin)

Wala ng nagsalita sa kanila ni Kye sa loob ng sasakyan.Nabasag lang ang katahimikang nabuo nilang dalawa ng itigil na ng binata sa isang tabi ang sasakyan.

Namalayan nyang nakarating na sila sa lugar nya.Sa kanto kung saan din sya natagpuan ng binata.

Tinignan nya lang ito,tipid syang ngumiti.Walang salitang lumabas sa labi nya.Tinanggal nya lang ang seatbelt sa katawan.

Tatangkain nya na sanang buksan ang pinto upang lumabas na sa kinalulunlan nang pigilan sya ng binata.

Bahagya syang natigilan.

"Im sorry ulit" ani nito.Habang kunot noo syang nakatingin dito.Halata sa mukha ng binata ang nahihiyang ekspresyon nito."sorry kasi,hindi ko inisip ang ipekto sayo ng ginawa ko.Hindi ko intensyong saktan ka ng tito mo.Patawarin mo sana ako"

Ilang segundo syang napatingin sa binata.Maging sya rin kasi,hindi alam kung sa mga oras nato.Kaya nyang patawadin ang binata sa ginawa nito.

"Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang tanggapin ang sorry ko" saad ng binata ng hindi sya nagsalita "Wala rin akong karapatang hingiin yun.Siguro hayaan mo nalang munang makabawi ako sayo"

Natigilan sya sa huling saad nito.Alam na nya ang gusto nitong gawin.Pero ang hindi lang maintindihan.Ang sinsero ng binata,
pakiramdam nya nagiiba ang pagkakakilala nya dito.Isang spoiled brat boy na matigas ang ulo.Pero sa inaakto nito,ibang iba sa inaakala nya.

"Hindi mo kailangang gawin yun" ani nya.Kapagkuwan ay napatingin sa malayo "L-lumayo ka lang sakin,ok na ako"

Napansin nyang natigilan din ang binata.Para namang may bara sa lalamunan nya ng sabihin nya ang salitang iyun.Pero siguro,pakiramdam nya.Ayun ang tamang desisyon.Maaari kasing magulo ang tahimik nyang buhay pag napalapit sya dito.Bukod sa isa itong Montefalco,alam nyang kilala ng kanyang tiyo ang pamilya nito.Hindi maaaring mapalapit sya,dahil binalaan na sya ng kanyang tsuhin.Ukol sa ama nito mismo.

Wala na syang imik ng lumabas sa sasakyan.
Ramdam nya ang lamig ng lupa.Nahunian nyang wala pala syang suot na sapin sa paa.Na tila nakalimutan nya na mula kanina.Tinungo nya lang ang kalye kung saan patungo sa kanilang bahay.Hindi nya alam kung ilang milya na ang layo ng nilakad nya.Hindi nya rin alam kung nakalayo na nga ba talaga sya.Sa iika ika nya kasing lakad,sa natatapang mga bato.Masakit ito kung tatapakan.

Alam nyang may ilan ilan ng sugat ang paa.Dahil sa pagtakbo nya kanina.Pero ngayon nya lang naramdaman ang sakit ng mahimas masan na sya sa takot dulot ng tsuhin.Ngayon,maingat ang mga hakbang nyang lumalakad.Hindi nya namalayan ang milya ng layo ng nilakad nya.Pero sadya syang natigilan ng may tumawag sa pangalan nya.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon