(Ang madilim na pantalan at ang silid ng ungol)Wala syang ibang bagay na naririnig tungkol sa ina.Subalit ng marinig nya ang mga sinabi ng tsuhin,tila rumihistro sa utak nya na maaaring may alam ito sa kung anong buhay ang meron ang mga magulang noon.
Oo,kahit kailan hindi sya nagtanong,hindi sya nagtangkang malaman ang tungkol sa mga magulang.
Hindi din ng mga itong tinangkang magkwento sa kanya.Pero alam nya,kahit nanahimik ang lahat.
Imposibleng walang alam ito sa nakaraan ng magulang.
Lalo na't kapatid ng tsuhin ang tatay nya.Pinipigilan nya ang sariling magkaroon ng tanong paukol sa mga magulang nya.Pero nang marinig sa tsuhin ang tungkol sa nanay nya.Hindi nya napigilang magbuka ng bibig.
"Anong alam mo sa nanay ko?" Matapang na tanong nya."P-paano sya na involve sa mga Montefalco? Nagsisinungaling po ba kayo na wala kayong alam kay Nanay?" Medyo lumakas ang boses nya nun "Ngayon ko lang po gusto mag tanong sa inyo tiyo.Sana po sagutin nyo ako.Ano po bang alam nyo sa nanay ko?"
"Tama nayan" ang tyahin ang sumagot.
Napansin nyang tila nataranta ito dahil sa inakto nya.Kaya naman dagli lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanyang tsuhin dahil baka bigla itong pumiglas upang sugudin sya "k-kumain na tayo.Lalamig na ang pagkain natin" ani pa nito.
Wala namang umimik sa kanila ng tsuhin.Nakatitig lamang sila sa isat isa na parang inaantay kung sino ang magsasabi ng totoo.At ang nais nyang marinig ay ang buong katotoohan lamang sa tsuhin.
"Wala kang alam" malamig na sambit nito "Habang buhay kong pinagdudusahan ang mga nangyari noon.
Nasira dahil sa nanay mong malandi.Nais kong kalimutan ang mga nangyari noon Esme.Pero hanggat nakikita ko yang pagmumukha mo!" Nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa kanya kapag kuwan ay dinuro sya nito "Naaalala ko ang lahat,
naaalala ko ang sakit at mga walang kahiyaan ng nanay mo! Dahil sa kanya kung bakit ganito ang buhay ko ngayon! dahil sa kanya!"Naramdman nyang nanikip ang dibdib nya.Hindi nya napigilang mapaluha dahil sa mga narinig.Oo,at hindi nya kilala ang nanay.Pero alam nya kahit na wala syang alam sa pangyayari noon.At kung naging miserable ba ang lahat.Hindi nya magawang sisihin ang ina.
Kahit sa huling pag-asa,kahit sa dulo sana ng pisi ng manipis na sinulid.Nais nyang marinig ang side ng nanay kung paano ba nagsimula ang lahat.Napabuga sya ng malalim na hininga.Pinatapang ang sarili.
"Bago nyo po sana husgahan ang nanay ko" ani nya "Gusto kong malaman ang totoo.
Kung sino ba talaga sya.Kung ano ba talaga ang kasalanan nya sa inyo"Napansin nyang bahagya lang tumawa ang tsuhin bago ito nagsalita "Gusto mong malaman?" Sarkastiko nitong ani "Tanungin mo sa mga Montifalco.Sila ang makakapagsabi kung sino yang nanay mong malandi"
Malandi?
"Pwede po bang wag nyong pagsalitaan ang nanay ko ng ganyan?!" Ani nya na nagpatigil sa tsuhin.Kahit papano kasi,ang salitang malandi na binabato nito sa ina ay hindi nya matanggap tanggap.Katulad ng sinabi nya.Nais nya munang makilala kung sino ba talaga ang tunay na pagkatao ng ina "Kahit siguro may kasalanan sa inyo ang nanay ko,ayoko pong naririnig ang mga salita nayan sa kanya.Wala po kayong karapatan pagsalitaan ng ganyan ang nanay ko"
"Anong sabi mo?!"
Ilang segundo nakatayo pa sya sa harapan ng tsuhin,sa gitna ng sala.Pero ngayon naiipit na sya sa isang matigas na dingding at sa kamay ng tsuhing sumasakal sa leeg nya.Tila siguro ang bahagyang pagmamataas nya ang nagpagalit dito kung kayat mabilis sya nitong ipinilig sa pader.Gusto na ata sya nitong malagutan ng hininga dahil sa pagsakal.

BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Misterio / SuspensoIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...