CHAPTER 5

1.2K 77 1
                                    

'Sebyo

Madali lang ang trabaho para sa isang Sebyo na masipag gumawa para sa pera.Abala sya sa pagdedekorasyon sa plaza sa umagang ito.Kahit ayaw man nyang sundin ang Tiyo karyo nya,wala itong magagawa.Malaki ang malasakit nito sa tiyo kaya hindi nya ma-hindian ang utos.

Sa binatang si Sebyo,makisig ang pangangatawan nito sa edad na disen nuebe.Tampulan din ito ng pansin sa Stio,maraming babae ang nahuhulog sa karisma nito.Ngunit gayon paman,madami mang dalagita ang nahuhumaling sa kanya.Isang babae lamang ang nagpapatibok sa kanyang puso.Ito ay si Maria Esther,kababata nya pa ito mula pa noon at sa simulat simula palamang ay malalim na ang kanyang nararamdaman sa dalaga.

Kahit ilang beses nya ng tangkaing aminin sa dalaga ang lihim na pagibig,parang tadhana na ang pumipigil na mangyare ito.Kaya hanggang ngayon,ang binatang si Sebyo ay tago parin sa kanyang loob ang lihim na pagmamahal sa dalaga.

Masigla sigla ng kumikilos si Sebyo sa huling ikakabit na banderitas sa poste.Ito na kase ang huling banderitas na ikakabit nya,maari na kaseng syang magpaalam magmiryenda sa kanyang Tiyo.Baka sa pagkakataong ito madadalaw nya saglit ang dalaga.Kabababa lamang nya sa mahabang hagdan ng marinig nya ang dalawang dalagita na naguusap sa kanyang likudan.

"Madalang lang lumabas ang binatang yun sa kanilang mansyon.Ngayon ko nga lang sya nakita sa merkado e,ano naman kayang ginagawa ng isang Montefalco dun?" Saad ng isang dalaga.

"Alam mo sa gwapo nya,mukhang may katapat na tong si Sebyo.Naglalaban ang mga mukha nila sa kagwapuhan dito sa Stio ah,sana kahit isa man lang makasayaw ko sa kanila mamayang gabi"Sagot naman ng isa pang dalaga katabi nito.

"Uyy Sebyo...sino pala ang isasayaw mo mamayang gabi?" Napalingon ang abalang binata sa unang dalagang nagtanong."mamayang gabi na ang sayawan hindi ba? Sana hindi kapa pagod nun"

"ah,pasensya na.Hindi ko nga alam kung makakapunta pa ako e.Marami pa kaseng trabaho" pagdadahilan nito nasa katotohanay pinaghandaan na nya ang gabing ito "Sayang naman...edi mukhang walang kakumpitensya tong si Juanillo sa sayawan.Baka lahat ng babae sa Stio maisayaw nya dahil wala ka" Biro ng dalaga na ipinagtaka ng Sebyo.

"Si Juanillo?...yung Montefalco?Bakit umuwi naba ulit yun dito? Hindi naman lumalabas ng bahay yun kahit taon taon yan nandito ah" pagtatakang tanong ng binata.

Napatikhim ng tawa ang dalaga "iba na ngayon...mukha kasing may kaibigan na ang gwapo e.Kaninang umaga kase kasama nya ang magandang anak ni Aling Pasing sa Stio hangganan.Akala nga namin kaibigan nya mula sa maynila.Si Maria Esther lang pala,iba rin kase ang ganda ng babaeng yun" napalingo pa ito "pati ang kagwapuhan ng Juanillo Montefalco nayun,nabibihag nya"

"Tumpak! Sigurado ako na mamayang gabi sila ang magiging tourist attraction sa sayawan." Singit ng isa pang dalaga sa tabi.

"Teka..si Maria? Paano naman nya nakilala yun? Hindi ba abala sa pagtitinda yun ngayong umaga" bahagyang gulat na tanong ni Sebyo sa dalawa.

"Mahabang kwento" singit ng ikalawang dalaga "Nagmistulang Nightshining armor nya tong si Juanillo kanina e,pinigilan pa man ng Montefalco nayun ang magnanakaw na umagaw ng sobre sa kamay ni Aling Pasing.Abay! Parang teleserye ano?"

Naguguluhang kumunot ang noo ni Sebyo sa sunod sunod na balita na narinig nya sa dalawang chismosa.Hindi nya alam kung san sya magtutuon.Sa tangkang nanakawan ba sila Maria ng pera,o sa nakakainis na parte na nakilala na ng dalaga si Juanillo.Ang binatang ubod sa gwapo.

"Hoyy,ano kaba Sebyo chika lang namin yun."kalabit ng unang dalaga sa binata ng hjndi ito nakaimik ng ilang segundo"May katotohanan...pero alam mo naman kami,nahagip lang din namin ang balita nayun"

"Hayst...kung sakali mang ayaw na sayo ni Maria,pwedeng sakin kanalang?" Biro pa ng pangalawang dalaga.

Hindi magawang makatawa ni Sebyo sa biro ng dalaga,tumanim agad sa isip nya ang pagkakataong nagkakilala na ang dalawa.Inisip pa nito ang sandaling magkasama ang dalawa sa Stio hangganan.Sa advance nitong magisip marahil nagkamabutihan na ang dalawa.

Kilala na ni Sebyo ang binatang si Juanillo.Minsan na silang nagkita subalit ni hindi manlang sila nagkausap,hindi nya alam pero noon paman sa tuwing nagbabakasyon ang binata sa Stio.Nakakaramdam sya ng kakaibang kompetisyon sa pagitan nilang dalawa.

Marahil madalas na nitong marinig ang pagkukumpara ng iba sa kagwapohan nilang dalawa.Nakatanim sa kanya ang panghihigit sa binata.Mayaman lamang ang binata,pero sa karisma nito ay hinding hindi magpapatalo si Sebyo.

Sa ngayon,nararamdaman ng binata ang pagaalala sa dalagang si Maria.Hindi nito hahayaang maagaw sa kanya ang dalaga,lalo na sa unang pagkakataon nitong sumayaw sa gabi ng pista.Ipinangako na kase ni Sebyo sa kanyang sarili na sya ang unang makakasayaw sa dalaga.Sya ang unang magpapaexperience dito kung gano kasaya ang sumayaw sa gabi ng pista habang naka kapit ito sa bisig nya.

"Mukhang malalim ang iniisip ah" komento ni Kiko "si dalgang Maria bayan?" Dugtong pa nito.Natauhan si Sebyo mula sa malalim na pagiisip,ni hindi nya namalayang nasa harapan na pala ang kaibigan.

Umiling ang binata bilang sagot."Ano kaba? Hindi lang naman si Maria ang lamang ng isip ko"

Umupo si kiko sa tabi ni Sebyo.Kasalukuyan silang nasa creck ng bay upang tanawin ang malawak na dagat. "Siguro hindi si Maria ang laging nasa isipan mo" tumikhim ito "kundi dyan sa puso mo" sabay turo sa dibdib ng binata.

"Kailan sila nag kakilala.." malamig na tanong ni Sebyo sa kaibigan.Bahagya itong natawa "Magaling kase tong Montefalco e,akala ko kilos mayaman.Mahinhin at maarte.Hindi ko alam na kaya nyang ibalibag yung bruskong magnanakaw nayun.Muntik na manakaw ang pera nila Maria,kita yun nila kahapon at ngayong umaga.Malaki laking pera yun kung sakali"

"Parang yun lang...nagkasundo kagad sila ni Maria? Di sya makakatagal sa dalaga nayun,matigas yun e" sabi ni Sebyo na may halong tawa.

"Nagseselos kaba?" Tanong ni Kiko na ikinagulat naman ng binata."Huh? Hindi ah,kilala ko si Maria,hindi nya ganun kabilis magustuhan ang isang lalake.Ako nga lang tumagal sa bubay nya e"

"Hindi ko hahayaang sa iba sya mahulog,sisiguraduhin ko ako ang mauuna sa puso nya....May plano ako"

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon