Ipag paumanhin ang mga wrong spelling at grammar na mababasa nyo dito.Marahil wala lang time si Author upang iedit ang chapter na ito.Salamat sa nagbabasa at sa mga nakakaintindi.Lubos kong kinasisiya ang bagay na iyun.
Happy reading 💕
₩₩₩₩₩₩
B
inabalot ng malamig na pawis si Maria nung oras na lumabas sya mula sa isang pintuan.Bumungad sa kanya ang maliwanag na ilaw,mga ingay ng tao at malamig na simoy ng hangin.
Nakamulatan nyang papasok na sya sa bukana ng plaza.Dito nakapila sa dalawang helera ang mga babae't lalaki na magkakatapat.Lahat sila ay naka suot barong at saya.Sinauang kasuotan ng mga pilipino.Sa kanyang tapat,tila binibigyan sya ng daanan sa gitna.Dito sya lalakad upang tunguin ang pinaka sentro.Sa apat na haliging nakatayo sa gitna,napapatungan ng magarbong bubong.Hindi nya alam na isa sya sa sasayaw dito.Hindi nya alam na kung mamalasin at sya pa ang tila magdadala ng lahat.
Dito nya naramdaman ang isang malaking paghahanda sa pistang ito.Sa kasamaang palad,hindi nya inaasahan na kasama sya sa pagdadausang sayawan na sya pa ang mamumuno.
Hindi sya marunong sumayaw.Sa kanyang palagay parehas ata kaliwa ang kanyang mga paa.Pero bakit nga ba sya nandidito? Bakit sya ang tila sentro ng sayawang ito?
'Dahil ikaw ang natatangi,may angking kagandahan.Kapalit ay kadusahan.
Hindi nya ito hiningi.Sa itsura nyang taglay hindi nya ito hiniling kanino man.Pero sapat naba ang kagandahan na hindi nya hiniling kailan man ay kapalit ang pagdurusa.Pero bakit sya? Bakit sya ang makakaranas ng hinagpis ng mundo.Dahil ba sa maganda sya?
Isa lamang siguro ang kanyang napagtanto sa gabing iyun,tila isang kamalasan ang magkaroon ng kagandahang mukha.
Nagsimula ang magandang tugtog sa paligid.Ang kaninang babae't lalaking nakahelera sa gilid nya ay nag-kanya kanyang hinarap ang mga kapareha.Pero sya,
nanatili sa gitna ng nakatayong apat na haligi na may magarbong bubong.Hinihintay ang mga mangyayare.Hanggang sa isang lalaki ang lumapit mula sa harap nya.Katulad nya,naka maskara ito,kalahati ng mukha nito ay nababalot.Ilang segundo nyang pinagmasdan ang binatang nakatayo sa harap nya.Kasya nya lang nahunian kung sino ang nilalang na ito.'Si Juanillo.Kahit siguro maliit na butas lang ang nagtatakip sa mata ng binata.Kita nya parin ang ganda ng mga ito.
It cant' help but he felt something different sa lalaking iyun.Tila tumatalbog ang puso nya sa dibdib dahil nagagandahang syang makita ang binata habang may suot itong maskara.
'Parang isang mystery prince ang nasa kanyang harapan.
Naramdaman nya ang paglapit nito sa kanya."Maria,a-anong nangyayari?" Ani nito na ikinangisi nya sa loob.Siguro ngat katulad nya ang binata na walang alam sa lahat ng nangyayari sa kanila.
Mukhang nadamay din ito sa pakulo ng dalawang babae na kanyang nakausap kanina.
"Hindi ko alam?" Sagot nya "Pero sa tingin ko kailangan may gawin tayo"
"Ano yun?" Tanong ng binata.
"Kailangan nating makisama" sagot nya "Maraming nanunuod satin.Sa ngayon,sa atin pinapaubaya ang gabing ito.Kailan nating sumayaw kagaya ng iba.Ang kaso lang,parehas kaliwa ang mga paa ko"
Tinignan nya ang binata sa labi dahil sa bahagyang pagtawa nito.
"Osige wag kang mag alala" ani nito at bigla nalang sya nitong hinwakan sa magkabilang bewang dahilan upang mapalapit pa sya sa katawan nito."Ako ang bahala,I know how to dance....kahit papano"

BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Mystery / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...