CHAPTER 2

1.8K 90 1
                                    


"Maari bang ayain kita sumayaw sa araw ng pista...Maria?"


Tila hindi naintindihan ni Maria ang sinabe ni Sebyo sa kanya.Hindi ito sumagot dahil hindi nya alam kung papayagan ba sya ng kanyang ina na dumalo sa ganung kasiyahan.Isa pa hindi sya marunong sumayaw kung kayat parang naipit ang kanyang dila upang hindi makapagsalita.

Nang ilang segundo hindi sumagot ang dalaga,napatingin si Sebyo kay Aling Pasing na narinig pala ang kanyang tanong."Kung magpapaalam ka sakin na ilabas ang aking anak sa araw ng pista" saglit itong tumigil at tuminigin kay Maria.

"Pagiisipan ko iho...."

Napalundag ng kaunti si Sebyo dahil sa sinabe ni Aling Pasing.Sa halos tatlong taon kase na niyayaya nito ang dalaga,ngayon lang ito nag isip kung papayagan ba ang anak.Sa mga taong nagaganap ang kapistahan ng sumaka,laging hindi ang kanyang naririnig sa ale.Ngayon tuloy naiisip nya ang galak ni Maria dahil sa sinabi ni Aling Pasing.

Pagkaalis ni Sebyo,napatanong kaagaad si Maria dahil sa pagdidisesyon ng kanyang ina "Totoo po bang papayagan nyo ho talaga ako nay?"

Nangiti naman ang ale "Ang sabi pagiisipan ko pa,pero kung aayusin mo ang pagtitinda bukas,maari kitang payagan sa pista ng gabi"

Dahil siguro sa galak bahagyang napayakap ang dalaga sa kanyang ina.Sa tanan ng kanyang pagiging dalaga,ngayon lamang sya nagkaroon ng pagkakataon para makapunta sa pista ng gabi ng SuMaKa.

Madalas itong hindi pinapayagan dahil sa babae ito.Alam ni aleng Pasing na maraming nagkakainteres sa dalaga kung kayat ganun nalamang nya pag-ingatan ang anak.Maari kasing maging mitya pa ito ng kapahamakan ni Maria sa gabi ng puno ng kasiyahan.


KUNG ang Stio.Sampaguita ay isang paraiso kung titignan sa mga matang nakatira doon.Para naman sa isang binatang si Juanillo ay isa itong lugar ng pagpaparusa.Si Juanillo Montefalco ay isang anak ng dating gobernador na si Eduardo Montefalco sa Stio.Sampagauita.Natapos ang termino nito kung kayat umuwi na ito sa maynila kasama ang pamilya.Kaya ganun na lamang kahalaga sa pamilyang Montefalco ang makapunta sa pista ng SuMaKa rito.Bilang pag mamalasakit narin sa bayan na pinamunuan.

Kung ang ama ng binatang si Juanillo ay masayang umuuwi sa bayang ito,ibang iba naman sa pananaw na binata.Laki si Juanillo sa maynila,kahit taon taon na syang umuuwi sa probinsyang ito hindi parin sya sanay.Marahil hindi nya gusto ang napakainit na klima dito at sa mapunong lugar,ganun din sa sistema ng pamumuhay rito.Napaka payak at parang kay simple ng buhay dito.

Kung minsan ay kay hirap ng signal at kuryente.

Walang ganang sumulyap sa bintana ng kotse si Juanillo habang pinagmamasdan ang plasa na inaayusan na ng dekorasyon,magp-fiesta na sa bayang ito.Kasiyahan para sa lahat,ngunit hindi para sa binata.Saglit nyang isinandal ang ulo nya sa likod ng inuupuan sa loob ng kotse.Pumikit ito at tinangkang matulog.

Pagkaraan ng ilang segundong pag pikit nagsalita ang kanyang ama katabi nya sa kaliwang gawi ng upuan."May gusto kabang bilhen anak nandito na tayo sa Merkado" kumunot ang noo nya sa pagtanong ng kanyang ama.Saglit syang sumilip sa bintana na ng kotse.Bumungad sa kanya ang magulong palengke na may maiingay na tao.Nakita nya dito ang ibat ibang uri ng paninda.

Suman,mangga,at kasoy ang pangunahing produkto sa Stio na ito.Ito ngayon ang ise celebrate nila kanibukasan kung kayat ito ang pinagkakaabalahan ng lahat.

Inilibot ni Juanillo ang kanyang mga mata sa paligid.Kay dami ngang tao at mamimili sa lugar na ito.

Subalit ang kaguluhan at ingay ng lahat ang nagpa tila nag paangat sa kagandahan ng dalagang si Maria.Sa dami ng tao at ingay ng mga ito,waglit na nahagip ng mata ng binata ang dalagang nagtitinda sa bandang dulo di kalayuan.

Abala ito sa paganyaya ng mga mamimili,nakangiti itong nakikipagusap sa mga tao at mabilis ang mga kilos nito.Sa taglay na kagandahan ng dalaga,hindi inaasahan ni Juanillo ang kasipagan ng isang babae nasilayan nya sa dalagang si Maria.

Pinagmasdan nya ang malapurselana nitong kutis,makinis nitong balat at malaanghel nitong mukha na tila nagpabilis din naman ng tibok ng kanyang puso.Hindi nya maintindihan ang nararamdaman,bakit ganun nalamang.

"Anak ano...may bibilhen kaba may gusto kabang kainin?" tanong ng kanyang ama na nagpagising sa kanyang pagpapantasya.

Hindi nya alam kung ano ang nasa isip,parang may bigla syang gustong bilhen na sa mismong pwesto ng dalaga ito kunin.Hindi sya nakasagot at hindi namamalayang hawak nya na ang pihitan ng pintuan upang itoy buksan.

"Ah,huwag ka ng lumabas si Manong Dante nalang bibile para sayo" suhestyon ng ama ng mapansin ang galaw nya.

"Ako nalamang ho Sr.Juanillo" Singit ng driver.

Takang napatingin si Juanillo sa ama at driver na nakatingin din sa gawi nya.Agad syang napabitaw sa pihitan ng pintuan ng kotse at pakunot noong sumandal sa upuan.

"Wala kong kailangang bilhen,wala kong gusto dyan." walang ganang sagot nito sa dalawa.Napailing pa ito ng wala sa sarili "What am I doing?...crazy." Bulong pa nya sa sarili.

"Ok,sige manong Dante diretsyo na po sa mansyon"


"ANAK,gusto mo ba ang isang to?" Bungad ni Aling Pasing kay Maria ng pumasok ito sa kwarto.

Nanlaki naman ang mata ng dalaga ng makita ang hawak ng ina.Isa itong bulaklaking daster na offshoulder ang tema.Mukha itong babagay sa dalaga kung kayat ito ang pinili ni aling Pasing.

Lihim itong binili ni aling Pasing sa tindahan ng mga damit pagkauwi rin nila kanina lamang.Hindi nya ito ipinaalam sa anak kung kayat labis ang saya nito ng ipakita nya.

"Nay! Ang ganda po nito.." galak nitong kumento,kinuha ito ni Maria sa kamay ng ina.Ipinatong nya ito sa suot na damit tsaka sya humarap sa salamin "Ibig sabihin po ba nito,pinapayagan nyo na ho ako sa pista?" Tumingin ito sa mukha ng ina upang makita ang ekspresyon nito.

Nakangiti naman ang matanda,tumango at lumapit kay Maria kasabay ng halik nito sa noo ng dalaga.

Kapwa sila nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang mga sarili.

"Tingin ko...malaki na ang baby ko,kaya ngayon gusto ko na syang payagan sa mga gantong kasiyahan."

Napangiti at bahagang napayakap si Maria sa kanyang ina."Salamat po nay,salamat po sa tiwala.Alam ko naman pong iniingatan nyo lang ho ako kung kayat hindi nyo po ako pinapayagan sa mga gantong okasyon e.Pero po sa ngayon inay,iingatan ko po ang tiwala na ibininigay nyo sakin."

Bahagyang natawa si pasing sa malambing na anak "Ang tiwala kasi...iniipon yan anak.Ikaw nalang ang mayroon ako.Iniwan na tayo ng tatay mo,wala narin ang lolot'lola mo.Tayong dalawa nalang sa mundo.Kaya sana maintindihan mo na ganun nalamang ako kahigpit sayo....iniingatan ko ang kayamanan ko at ikaw yun Maria" hinimas nito ang buhok ng kanyang anak.

"Maria Esther...ang maganda kong bulaklak"

Pagkatapos ng paguusap nila,kapwa sila nagtawanan.Pabiro pang umiikot si Maria sukat ang daster na damit sa kanyang katawan.Tumatawa naman si Aling pasing sa kagiliwan ng dalaga.

Itutuloy...

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon