CHAPTER 40

485 50 2
                                    

AN:its almost 5k words yung chapter na to.So,hindi ko na na-edit hehe.Hope maintindihan nyo padin.

Happy reading 💕

Sa pagpasok nyang muli sa rehas na bakal.Alam nya dito na sya mananatili.

Alam nya,natatagal sya dito.Kaya naman kailangan nya ng masanay sa mga ingay na nasa paligid nya ngayon.

Mga ingay na malakas na paguusap.

Tawanan.

Tunog ng mga hinahampas na bakal sa rehas.

Kailangan masanay sya sa mga taong walang disiplina dahil sa mga oras na ito.

Nahusgahan na sya ng mundo.

Sa oras nato,isa na sya sa mga nakakulong na preso dito.

Kriminal na syang maituturing.

Kaya naman ng muling pagpasok nya kung saang rehas sya nabibilang.
Bumuga sya ng marahas na hininga.

Kasama nya pa ang apat pang babae sa loob nun na hindi nya alam kung bakit din nakulong kagaya nya.

Naupo sya sa isa sa limang papag na magkakapatong.
Ngayon,nakaharap sya,
tanaw ang labas ng bakal na rehas nayun.

Wala syang ibang nakikita kundi mga katapat na rehas lang din.Mga ibat ibang presong nakakulong kagaya nya.

Sa kanyang palagay,hindi na siguro sya makakakita ng puno o isang magandang kalsada.
Babalutin ng mga rehas nato ang mundo nya.

Ay hindi pala...

babalutin ng rehas nato ang mundo nila.Kasama nya ang anak nyang unti unti ng nabubuo sa sinapupunan nya.

"Tatagan mo ang loob mo iha" saad ng isa sa apat na matandang babae doon.
Kasabay ng paghawak nito sa balikat nya.Naupo ito sa kanyang tabi.

"Sigurado ako,magiging mahirap ang mga unang taon mo dito" huminga ito ng malalim "Pero masasanay ka din.Dito na ako tumanda,
kaya kailangan masanay sa buhay na meron ako dito.Ang mga kagaya mo,malaki pa ang dapat i-udjust.Kaya kailangan mong maging matatag"

Tumingin sya sa matanda,
hindi sya ngumiti.
Pero nagpapasalamat syang may kumausap sa kanya sa mga oras na ito,dahil nararamdaman nya.Para na syang sasabog.

"Kung bibigyan man ako ng pagkakataong mabigyan ng parole" tugon muli nito "Hindi ko yun tatanggapin.Wala na akong babalikang buhay sa labas.Wala nang tatanggap saakin.Dahil sa paratang ng pagpatay sa isang paslit na bata.Sa kulungan na ako tumanda.Dito narin ako mamatay"

Napakagat labi sya.Akala nya tuyo na ang mga luha nya mula kanina.Hindi pala,
nararamdaman nya nanaman kasi ang pagbabadya ng mata nya na magpatak ng likidong luha.

Sa presensya kasi na meron ang matanda ngayon.
Kailangan nya ng isang bisig ng ina.

"Wala na pong natitira sakin manang..." Kapagkuwang saad nya bago sya mapahikbi.

"Namatay na po ang nanay ko,ni hindi ko nga manlang sya nakita e.Yung daddy ko,hindi ko na alam ang kalagayan ngayon.Kung ayos na ba sya.O,katulad nadin sya nilang lahat.Masama ang tingin sakin.Tinatakwil nadin ako dahil sa paratang na hindi ko naman talaga ginawa" saglit nyang pinunasan ang luha bago sya magpatuloy "Wala na pong natitira sakin,wala na si mama.Wala na si Daddy,
kinuha nilang lahat sakin.
Ginulo nila ang tahimik na mundo ko.Binigyan nila ako ng kasalanang hindi ako ang gumawa.Hinusgahan ako ng mundo...itinapon nila ako sa impyerno"

Ngumiti ng tipid ang manang kapagkuwan ay masuyo syang niyakap.Nakaramdam sya ng kaunting kaginhawaan na nais nyang maramdaman sa piling ng kanyang ina.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon