CHAPTER 32

510 46 2
                                    

AN:Hi po dito,sana nandyan pa kayo.Sorry medyo matagal nawala,wala akong load e.Atsaka matagal tagal ko din pinagisipan ang mga susunod na mangyayari.Nawala ako sa wisyo sa pagsusulat dito.Ayoko namang masira kaya tinigil ko muna para makapag isip pa.

Sorry for the typo at wrong grammar.Hope na maintindihan nyo padin.

For now ito muna,enjoy guys!

Happy reading 💕

'Mga hayop kayo! Mga walang hiya!...wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao...hindi ko kayang pumatay!'

'Sinira nyo ako!...sinira nyo ang pamilya ko!...wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin...wala nang natitira!...'

'Isinusumpa ko! Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!...iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.Pero huli na ang lahat! Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo! Gaganti ako! Itutumba kayo! Ako si Maria Esther...at babalik ako para maningil hindi ng utang...kundi ng buhay!...arghhhhhhhhhhh

"Alam nyo ba ang kwento ng Stio hangganan?" Nakakapangilabot na saad ni Ysay sa mga kaibigang seryosong nakikinig sa kanya.Walang umimik sa mga ito,tila pinapatuloy sa kanyang kwento.

"Si Maria Esther,ang babaeng isinumpa ng kamalasan...
namatay yun dahil sa sunog.
Pero bago sya mawalan ng buhay sumisigaw sya ng katarungan.Sumisigaw sya ng hustisya.Pero walang nakinig sa kanya...pinanuod lang sya kung paano kainin ng malaking apoy,kung paano sya masunog.Kaya naman sa huling hininga,
isunumpa nya ang baryo ng Stio.Sampaguita.Babalik sya,maniningil sya sa mga taong nagkasala sa kanya.
Babalik sya upang maningil,
pero hindi ng utang...kundi ng buhay"

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid pagkatapos nyang magsalita.Pero para mawala ang tensyon sa paligid nagsimulang magingay ang tatlong kalalakihang kasama nya.Kanya kanyang hiyawan ang lima sa kanyang kaibigan.Ang dalawa  pa sa babae nyang kagrupo ay inaasar pa ng dalawa pa sa talong kalalakihan.Para naman itong mga nakakita ng totoong multo dahil sa takot.

"Pero its true na sinumpa ang town na to?" Maarting tanong sa kanya ni Imzy ng matapos itong maasar sa tatlo."Ayun sa kwento ng tita ko,this town is really creepy.Lahat daw ng mga babaeng may magagandang mukha sa baryo nato is nakakaranas ng depression or anxiety?"

"At ang lahat ng magaganda sa lugar nato
nagpapakamatay o di kaya may nangyayaring masama?" Dugtong pa ng pangalawa naman sa babae nyang kaibigang si Wen ang nagsalita "Wala naman atang patunay na noon pang panahon ng kastila ay isinumpa din to ng babaeng walang mukha diba"

Hindi sya sumagot dahil muling nagtanong ang isa pa.

"Bakit puro kamalasan ata ang nangyayari sa Baryong ito?" Puna ng isa sa tatlong lalaki na kaibigan nya.Si Rex "Biruin nyo,kung may kwento na dati ng panahon pa ng kastila tungkol sa babaeng walang mukha.Na nasinumpa narin pala ito noon.Posible na ilang dikadang nakalipas,yang Maria Esther na sinasabi mo ang nakaranas ng sumpa nya? Diba maganda naman si Maria Ether?"

"Bakit puro lang magaganda ang binibiktima ng kamalasan?" Tanong lang din ang narinig nya mula sa pangalawa pa nyang kaibigang lalaki sa grupo.Si Ivan "Ganun ba ka depress ang babaeng walang mukha kaya nya isinumpa ang baryo nato.Na aksidenteng tinamaan ng sumpa nayun si Maria Esther at sya naman ang nagpatuloy ng kamalasan sa baryo nato?"

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon