"Mom...Im scared" ani Chandra sa kanya ng isang umagang magising ang dalaga."How about ate Maria? Kasalanan ko tong lahat.Si Uncle dad? Napahamak po sya,I dont know dapat hindi na po ako nangialam e"
"Wala kang kasalanan, maliwanag" pagpapakalma naman nya dahil nakita nyang nagngingilid na ang mga luha nito "This is all her fault.Kundi dahil sa kalandian nya,wala sa hospital ang uncle dad mo.Sya ang nagpabuntis kung kani kanino.Kaya dapat harapin nya ang kahihiyan nya"
Pasimple nagigting ang kanyang panga dahil sa naiisip "Dinamay nya tayong lahat na mga Erschonen.
Wala syang karapatang dalhin ang apelyedo natin dahil nakakahiya syang tao.Kunwari mahinhin na dalagita,yun pala may bahong itinatago""Nagtataka lang po ako" ani ng anak sa kanya "Bakit kagabi parang nagiba sya? Sumigaw po sya at sobrang sakit ata ng ulo nya" tinignan nya ang anak ng titigan sya nito "Ginahasa daw sya mom? Sinigaw nya yun na para bang ngayon nya lang naalala.Hindi kaya totoong may nangyari sa kanya dahilan po para hindi nya maalala na buntis sya?" Bumuga ito ng malalim na hininga "Hindi po kaya ginahasa si ate Maria?"
Saglit syang natigilan sa tinuran ng anak.Sa totoo,
naisip nya nadin ang bagay na iyun sa dalaga.Pero dahil masidhi ang galit nya sa kapatid dahil sa ginawa nito.At dahil gusto nyang ang anak nito ang magbayad sa ginawa ng kapatid nya.Wala syang pakialam.Mas gusto nya ang mga bagay na nangyayari ngayon sa magina.
Unti unti na itong bumabagsak.
"Kung narape man sya,dapat syang magsumbong sa pulis" ani nya "dapat sa halos magiisang buwan nareport nya man lang na ginahasa sya.Hindi ngayong alam nya ng buntis na sya.Kasya nya lang maalala na binaboy pala sya.Na ngayon lang sya magrereklamo dahil may laman na ang tyan nya,napapaisip ako.Baka sa isang banda,ginusto din nya"
"Mom..." Narinig nya ang anak na nagreklamo dahil sa huli nyang sinabi."Nagaalala nga po ako sa kanya e,kagabi pa po sya wala.San ba sya nagpunta,kailangan sya ni uncle dad.Naaawa po ako kay Ate Maria,mukha naman po syang mabait e.Dapat alamin natin ang totoo.She dont deserve all of this"
Tinignan nya ng masama ang anak dahil sa ideya nito.
Magsasalita pa sana sya ng makarinig sya ng ingay mula sa labas ng kwarto ng anak.
Natuon ang pansin nya dito kung kayat iniwan nya ang anak sa silid nito at nilabas ang kaguluhan.Bahagya pa syang natigilan dahil may dalawang pulis ang pumasok sa pintuan.
Kita nya ang pagkagulat kay Pasing na ito ang sumalubong dito.Sandali lang itong nagusap at doon,parang lantang gulay ang ginang na napaupo sa sahig.
Nagtaka sya at medyo kinabahan.Kung kayat nilapitan nya ito na kasalukuyan ng inaalalayan ng tapat nitong katulong na si Belen.
"Whats happening?" Tanong nya.
Napatuon naman sa kanya ang katulong "Si Maria Esther daw po,inaresto ng mga pulis" sagot nito "Caught in the act po.Pinatay nya si Sebyo"
Hindi nya alam ang isasagot,kapagkuwan ay napatuon ang pansin sa ginang ng magsalita ito.
"Wala ng natira sakin" kapagkuwang sambit nito "Una si Meliano,ngayon naman ang anak ko? Paano ba nagkaganito ang lahat?"
Tumikhim sya.
"Thats the idea of the of circle of life,Pasing" anang ani nya dito kung kayat tumon sa kanya ang ginang "Una,nasa tuktok kayo.
Tinatamasa ang lahat ng yaman na hindi naman dapat sa inyo.Ngayon,lugmok na kayo sa lupa.Namnamin nyo ang lahat ng kabiguan nyo"
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Misterio / SuspensoIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...