(Si Tally at ang Math problem)
Naaamoy na ni Esme ang hininga ng binatang naka-kapit sa kwelyo nya.Hindi ito mabaho o amoy sigarilyo tulad ng mga kabataan na natututong i-explore ang bisyo.Mabango ito,amoy menthol,amoy hininga ng mayaman.
Pero hindi ito ang issue.Kitang kita nyang nag-iigting ang panga ng binata habang hawak sya.At alam nya kung bakit ganto ito,may nasabi syang mali.Napikon ang binata.
"Wag na wag mo akong sasabihang isip bata!" singhal nito sa kanya."Hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito.Hindi mo alam kung bakit ako ganto ka dispirado!"
Hindi sya umimik.Natakot sya sa nakikita sa binata.Pero unti unti syang napapaisip na kung ano nga ba ang punot dulo ng ginawa nito sa kanya.
Ano nga ba kasi ang ginawa nito?
Nagkalat ng sticky note sa buong Booth nila.Na sya din ang nagtanggal.Dinikitan sya ng mga kaibigan nito ng sticky note sa damit at sa katawan.Parang pinapamukha kasi ng binata kung ano ang ibinibintang nito sa kanya.At ang gantong gawain.Isa lamang sa mga pambubully.Ka imatturan at un-reasonable na ideya.
Kaya naman ayaw nyang magpakita ng takot sa binata.Kailangan nyang malaman ang pinagmumulan ng hugot nito.
"Narinig mo naman lahat ng sinabi ni Kyst diba?" Ani nito at padabog syang binatawan mula kwelyo "My Dad,is misserable.At dahil sayo yun.Sino kaba talaga? Sino si Maria Esther?"
Napipikon na sya sa pauli ulit na tanong ng magkambal na Montefalco sa kanya.Naiinis sya sa pangalang 'Maria Eshter dahil tila nakaka kabit ang pangalan nito sa kanya kaya sya napapahamak.
Inayos nya ang sarili,matapang paring tinitigan si Kye.Na kahit alam nya ay wala syang lakas kung sakaling makipagsuntukan ito.
"Uulitin ko" malamig nyang ani "Hindi ako si Maria Esther.Hindi ko kilala ang tatay nyo.Kaya tigilan nyo na ako.Wala akong alam sa mga pinasasabi nyo"
"Si Dad" sagot nito "Alam ko,ramdam ko.Mahal na mahal nya yung pangalan ng babaeng binanggit nya.Na ewan ko ngayon kung babae ba talaga" tinignan sya nito mula ulo hanggang paa.Parang minamaliit sya nito na isa lang syang hamak na bakla."Hindi ko alam kung paano pinatulan ni Dad ang isang kagaya mo"
"At hindi ko alam kung bakit pinipilit mo ang bagay nayan" ani nya "Kye,three years na ako sa MMU.Ngayon nga lang kita nakausap ng ganito.Kalapit.Pero ngayon mo pa iisipin na kabit ako ng daddy mo gayong magka-college na tayo noon pa?" Pagak syang natawa "Kye uulitin ko sayo.Hindi ako si Maria Esther.Hindi ako ang kabit ng daddy mo.Kaya sana,sana lang,itigil mo na to.Nagmumukha ka ng..."
"Nagmumukhang ano?" Tanong ng binata na ikinatigil nya.Kasya rin itong pagak na natawa "Na pathetic?" Hindi sya sumagot "Pasensya na huh? Kasi dispirado lang ako e.Kasi nagsasawa na ako" nakita nya kung paano lumambot ang mukya ng binata na parang napapagod na ito. "Nahihirapan na ako,kami.Na makita si Dad na laging umiiyak sa gabi.Nawala nayun e,natapos na.Pero nung nagpakita ka.Bumalik lahat.Nagsimula ulit.Hindi ko alam kung bakit pero malaki ang impact sayo ni Daddy.Kaya kita tinatanong? Sino kaba talaga?"
Tuluyan na syang hindi naka imik sa sinasabi ng binata.Tama kasi sya ng na iniisip.Si Kye ang nakita nyang nakaupo sa likod ng kotseng muntik na sila masagaan ng magnanakaw.
Tatay nya yung lalaking may kakaibang tingin sa kanya.Yung lalaking may lungkot at saya ng makita sya.Yung lalaking namumugtong ang mga mata.Yung lalaking kinapitan sya sa dalawang braso,na para bang ayaw sya nitong mawala.Hindi nya maipaliwanag.

BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Mistério / SuspenseIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...