CHAPTER 33

543 46 0
                                    

Hindi sya nakaimik dahil sa sinabi ng ina.Nagpapalitan lamang ang tingin nya dito at sa sinasabi nitong ama nya.Naghahalo ang emosyon at ang pagkagulat nya kaya walang pumapasok sa isipan nya ngayon.

"Pasesnya na Maliano" ani ng ina sa kanyang ama habang may pag aalalang nakatingin sa kanya."Hindi maganda ang lagay ng anak ko ngayon.
Hayaan mo muna syang ma
kapagpahinga,Pwede ba?"

"Anong nangyari sa anak ko?" Saad nito.Kapwa rin nakatingin sa kanya "Sabihin mo sakin Pasing tutulongan ko kayo"

"Hind na kailangan" matiim na saad nito sa ama "Kaya nanamin ang mga sarili namin.Nabuhay kaming wala ka.Kaya kaya namin dalawa kahit mawala ka ulit.Hindi ka namin kailangan"

"Hindi mo maitatangging anak ko si Maria Pasing" saad nito sa ina "Mukha nya palang,alam mong hindi sya buong pilipino.Anak ko sya,dugo ko ang nalalantay sa kanya kaya akin sya"

"Wala kang karapatan!" Singhal nito sa ama,tila nagsisimula ng magalit "Wala akong pakialam kung may halo man sya ng lahi mong Germany.Pero anak ko sya at akin sya"

Hindi na hinayaan pang magsalita ng kanyang ina ang lalaking sinasabi nitong ama.Masuyo sya nitong hinawakan sa likod at hinawi papalakad sa kanilang bahay.Alam nyang naka
sunod sa kanya ang ama pero akala nya pipigilan sila nito.Iba kasi ang dahilan ng kanilang pag hinto sa pag
lakad.May isang babae kasing hindi pamilyar ang humarang sa kanilang dalawa ng ina.

Tila nanggaling ito sa ilan ilang taong nakapaligid sa kanila ngayon.Hindi nya alam kung bakit nandidito ang mga ito lalong lalo sa babaeg nasa harap nila ngayon at tila nagmumug
tong ang mata habang nakatingin sa kanya.

"Ako ang ina ni Sebyo" saad nito sa kanya na ikinatigil nya "Nagtrabaho ako sa Maynila.Pero nabalitan kong nawawala ang anak ko.Sabi nila ikaw daw ang huling kasama ng anak sa pantalan? Pero ikaw lang daw ang nasagip nila" bahagya sya nitong nilapitan at hinawakan sa sa magka
bilang braso "Nasan si Sebyo? Nasaan ang anak ko? Bakit hindi mo sya kasama? Bakit sya lang ang nawawala ngayon"

Hindi nya alam ang isasagot. Maging sya rin kasi ay hindi alam ang nangyari sa binata.
Ni wala nga din syang maaalala sa nag daang gabing iyun.Tila may naalis na isang importanteng pangyayari sa isip nya dahilan ng kanyang pagkalimot dito.

Wala syang naibigay na sagot sa inang iyun kaya naram
daman nya ang paghigpit ng paghawak nito sa braso nya.Mabuti nalang at agad na may dumaloy sa kanya na nahunian nyang ang kanyang ama pala.Kasabay ng kanyang ina.Naluluha nanaman sya habang nakatitig lang sa babaeng iyun.Pilit parin nitong hinahanap ang sagot sa kanya.

"Iha pakiusap" habol nitong ani sa kanya ng magsimula na silang maglakad patungo sa kanilang bahay "Kaibigan mo si Sebyo...kaibigan mo ang anak ko.Sabihin mo naman kung nasan sya oh"

Nararamdaman nya ang pagsikip nanaman ng kanyang dibdib naaawa sya sa ina.Kaya muli syang napatingin sa gawi nito And then he mouthed 'Im sorry...

'Anong bang nangyari kay Sebyo?...nasan sya ngayon?...

Anong bang nangyari sa aming dalawa sa pantalan?

Yun lang naisip nya bago muling bumaling sa ibang direksyon ang kanyang mata.
Napadako sya ng tingin sa kotse ng magamang Monte
falco.Nakita nya ang binata na nasa labas na ng kotse.
Masuyo sya nitong tinitignan na tila sinasabing magiging ok lang ang lahat.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon