AN:Update ko nadin to,wala na pala ko load mamaya.
Thank you for reading this novel guys!.Pleas support my two ongoing hehe.Asahan ko ulit kayo don.
Lab yah!
Happy reading 💕
1 year later...
Isang taon ang nakalipas,isang taon ang nagdaan.Isang taon ang pagkakataon upang pahilumin ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Sa isang taon nayun,marami nang nagbago.
Everything is getting better,
everything had a chance to change.Sa loob ng isang taon nayun,marami na nangyari.Marami nang naganap.
At hindi matago ni Esme ang saya nang maramdaman nya ng nasa ayos na ang lahat.
Maging ang kanyang ina na si Maria Esther ay may totoong ngiti na sa mga labi.May saya na nakumikislap sa mga mata nito.
Alam nya kasing nahanap na nito ang isang daan patungo sa tunay na kaligayahan.
Naalala nya noon kung ano rin kasi ang unang rason kung bakit sya nagbalik sa stio.Sampaguita.
Hindi lang para mahanap ang tunay na pagkatao nya na ngayon ay nakita nya na.Kundi ang matulongan ang isang lalaking magpatuloy muli sa buhay kahit hindi pa tapos mag mahal.
Nakangiti sya ngayon habang nakikita nya na masaya na ito.Kuntento na ang isang Juanillo Montefalco kapiling ang isang dating pagmamahal.
Magpapatuloy ito sa bagong buhay at sa bagong pagkakataon.
Magpapatuloy na ang pagmamahalan ni Maria Esther at Juanillo Montefalco.
A love collided because of the tragedy from the past.
Pero ngayon,ang sugat ay naghilom...ang pusong sugutan ay unti unti nang gumagaling.
"Thank you for inviting me here Esme!" Sambit sa kanya ng pamilyar na boses kapagkuwan ay naramdaman nya itong umakbay sa kanya."For all what happen,you deserve all of this.Hindi nyo matatakasan ang nakaraan.
Masakit man ang mga naranasan nyo sa pantalang ito,masaya ako dahil bumalik parin kayo dito"Nginitian nya ang kaibigang si Rosaine bago nya inilibot ang mata sa buong pantalan.
Oo,bumalik sila upang basbasan ang lugar na ito dahil sa mga nangyari.Lumipas ang isang taon bago nila maramdaman na tapos na talaga lahat.May payapa na sa bayang ito.
"Gusto yun ni Lolo Dad" sagot nya na tinutukoy ay ang lolo nyang si Maliano "Pagkauwi nya kasi dito sa pilipinas pagkagaling nya sa Australia,inorginisa nya to.
Tinulungan namin sya ni Mama para makalimutan ang sakit ng mga nangyari,hopefully gumaling din ang sakit nya.Mabigat din sa kanya nang mawala si Lola Fresia at si Tita Chandra.Pero nandito naman na daw kami ni mama.
Parang kami lang daw kasi ang pumalit sa dalawa e,ngayon solid ang saya nya.Kaya naka move on na sya at nag-aya sa lugar nato"Tumango ang dalaga"nakamove on narin siguro kayo sa sakit" sambit nito "pero bilib ako sa kanya,pagkatapos kasi ng mga nangyari...kaya nyo pang bumalik dito.Hindi ba masama sa inyo yun? For all what happen here"
Napatango sya.
"Siguro hindi na,isang taon na nakalipas e" sagot nya "Si lolo dad ang may gustong bumalik kami rito para magpatawad at tuluyang makalimut.Dinala nya kami dito hindi para ibalik ang masakit naalaala sa lugar nato.
Kundi nandito kami para mag move on sa mga nangyari.
Pagkalimut at pagpapatawad lang daw kasi ang sagot, bago umabante"Saglit silang kinain ng katahimikan bago nya naramdamdamang niyakap sya ng dalaga mula sa likudan.
"Andaming nangyari sayo Preni" malambing na saad nito "Wala ako sa tabi mo para protektahan ka.Hindi mo alam kung anong epekto sakin ng akala kong pagkamatay mo,grabe pitong buwan akong nagdusa nun.Para narin akong mamamatay"

BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Misteri / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...