CHAPTER 11

1K 90 4
                                    

(ESME HERMOSA)

"Sampaguita po!" Ani Esme sa mga dumadaang tao sa plaza.

"Sampaguita po ma'am Ser,sampong piso lang po ang isa" pagsuyo nya pa sa mag asawang may dalang maliit na anak pag daan sa harap nya.

Tinignan nya ang magkakahawak na mga kamay nito.Nasa gitna ang bata habang nakangiting nakatingin sa mga magulang na kapwa din masaya.Kahit hindi sya pinansin,matamis parin nya itong nginitian upang magbigay paumanhin.
Ganto na sya noon pa,labing tatlong taong gulang pa lamang sya nang magsimulang magtinda ng Sampaguita sa plaza Retoka.Kahit alam nya na hindi na bagay sa kanya ang pagtitinda ng gantong bagay dahil sa edad nya nang dise-otso.Hindi sya nahihiyang gawin ito.Sa palagay nya kasi,ang pagtitinda lang ng sampaguita ang mabilis kitain kahit mababa ang pera dito.Kaya naman hindi nya ito mabitaw bitawan.

Pinag-masdan nya lang ang papalayong pamilya sa gawi nya.

Tila ang magkakahawak na kamay ng mga ito ang nagpakirot sa puso nya.Nakaramdam sya ng kaunting inggit.Sanggol palang sya,hindi na nya nasilayan o nahawakan pa ang mukha ng kanyang mga magulang.Hindi nya rin kilala ang mga pangalan nito o kahit mga litrato man lang.

Basta,nakamulatan nya ang Tiya at tiyo nyang mag-asawa na nagalaga sa kanya.Sampong taong gulang nya nalaman na hindi talaga sya tunay na anak ng mga ito.Kaya kahit hindi pa nya masyadong naiintindihan alam nyang may iba at may kulang.

Noon kasi may nararamdaman na sya na hindi na nya ikinagulat.Tila iba kasi ang trato ng mga ito sa kanya.Kundi mabigat,malamig.

Malayo sa mga magulang ng kaklase nya kung magasikaso sa anak ay maganda.

Minsan napapaisip sya,nasan na kaya ang mga ito.Bakit iniwan sya? Maiintindihan nya sana ang sitwasyon kung kahit sana ay may isang natira sa kanya.Kung kasama nya sana ang nanay nya o kahit ang tatay.Pero wala e,naiwan sya magisa.Iniwan sya sa mga tsuhing nagmamalupit sa kanya.

Mabuti nalang,mabait sa kanya ang tyahing si Rita.Ito ang nagpoprotekta sa mapangabuso nyang tsuhing si Kiko.Isang palainum,at pala sugal na asawa ng kanyang tsahin.Mabait at maalalahanin para sa asawang may masamang habit at pag uugali.

Minsan nga iisip nya din kung bakit natitiis ng tyahin nya ang ugali ng asawa nito.Pero wala syang makuwang ibang sagot dahil laging tugon nito na mahal nito ang asawa.Marter kung tatawagin,pero wala syang magagawa.Ayaw nya din naman kasing umalis nang tuluyan ang tsahin dahil paniguradong maiiwan sya sa kamay ng tsuhin nya.Kapatid daw ito ng tatay nya so basically nandito ang custody nya.Baka lalong magalusan at mabangasan lang sya gayong wala ng tao ang poprotekta sa kanya sa loob ng bahay.

Sa ngayon,tinitiis nila ang lahat.Ang hirap,ang minsanang gutom.At syempre ang tsuhing mapanakit.Pero pinapangako nya sa sarili na may hangganan ang lahat ng to.Gusto nyang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho.Alam nyang malapit na iyun dahil mag ti-third year na sya sa kolehiyo.Sa kinuwang kurso,nais nyang maging accountant in the future.Pero magagawa nya lang yun pagka nagsumikap sya.

Kaya naman kahit nasa limang daan lang ang kinikita sa maghapong pag titinda.Hindi na ito masama.Kalahati kasi dito ay ang baon nya sa iskwela,at ang iba ay panggastos nila sa bahay bilang ambag nya.

Bago lumubog ang araw ay paubos na ang tinda ni Esme.

Maganda ito para maaga sya makauwi.Kagaya ng routine,uuwi sya para magbigay ng pera sa ina.Tumulong magluto ng pagkain,magaral pagatapos kumain at matulog.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon