🔰Mint Academy 4 - Chapter 1🔰

7K 293 148
                                    

So eto na nga ang first chapter. Say hi to our new lead characters 💖

ENJOY READING MINTERS!!

PS.
Give me a review for the prologue and this chapter please!

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER ONE - ELISHA CORPUZ🔰

Nagising na lang ko sa liwanag na sumilaw sa mata ko. Kahit kelan talaga sarap tagain ng mga pusang ito. Dahil sa pagpasok nila sa kwarto ko nabibigyan ng siwang ang araw para gisingin ako.

Napabuntong hininga na lang ko at saka tumayo at nag ready para sa bagong boring na araw.

Nang matapos ako maligo, magbihis at mag-ayos ay sakto naman na kumatok si lola sa kwarto ko.

"Elisha."

"Yes, la?" saka ko binuksan ang pinto ng kwarto ko, "Bakit po?"

"Bilis bilisan mo ang kilos mo! Marami ka pang gagawin! Dalian mo diyan at pumunta ka sa bayan. Bumili ka ng mga herbal."

Napabuntong hininga na lang ko ng palihim, "Okay po, la."

Kahit na masungit yang lola ko mahal na mahal ko iyan. Siya lang ng hindi nang iwan sa akin noong mawalan ako ng memorya. Ang sabi sa akin ni lola hinulog daw ako ng magulang ko sa bangin dahil sa puro daw kamalasan ang dala ko sa buhay nila. Lola's friend's grandson saved me.

Hindi ko alam na may ganoong klaseng magulang pala. Hindi na nila ako inabala pa noong kunin ako ni lola sa puder nila and pabor naman iyon sa kanila since mawawalan nga sila ng malas sa buhay.

"ELISHA!"

"OPO ETO NA PO."

Nagmadali ako sa pagbaba at napatigil naman sa harap ng pinto ng isang parte sa bahay na bawal kong pasukan. Ang lugar kung saan si lola lang ang pwedeng pumasok.

"Anong tinatayo tayo mo diyan? Balak mo ba suwayin ang pinagbabawal ko?"

I faked my shock, "Hala si lola. OA, la? Napatingin lang eh. Oh sya po aalis na po ako."

Kinuha ko ang folder ko since deretso din ako sa school para mag enroll for the second semester. Sabi kasi ni lola hindi daw maganda na hindi ako mag aral dahil magiging tanga daw ako.

I scan my form.

Name: Elisha Corpuz
Age: 18 years old
Gender: Female

And so on.

So far wala naman nagtataka kung bakit ako nandito but mostly yung mga matatanda ay may awa sa akin. Maybe dahil doom sa kinahinatnan ko sa sarili kong pamilya.

"Eli!"

Napahawak naman ako sa dibdib ko, "Problema mo, En? Bakit ka ba nasigaw? Taga bundok lang ang peg ganun?"

Inirapan naman nya ako, "Sorry naman ah. Para ka kasing tanga sa paglalakad mo ng nakatulala."

I snorted, "Paki mo ba?"

"Nasa bulsa ko."

Shaenna Luisa Magdayao, same age as mine, same gender and same wavelength. Kaya magkasundo kami ng babaeng to.

"San punta mo?" she asked.

"Sa bayan. Bakit?"

She smiled. "Good, good! Sa bayan din ako alam mo naman si lolo nagpapabili na naman sa akin ng mga herbal."

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon