✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒
🔰CHAPTER THIRTY-EIGHT - THE RESCUE🔰
Sumabay ako sa agos ng mga empleyado na papalabas ng building. Hindi ko alam na sa liit ng building na ito ay marami pala ang mga empleyado na nandito. I feel sorry for them dahil after namin na ilantad ang mga ginagawa sa building na ito ay mawawalan sila ng trabaho but still I hope na makahanap sila ng trabaho na may maganda at maayos na pamamalakad.
"Sila boss ba lumabas na?" Dinig kong sabi ng isang empleyado.
"Hindi daw sila lalabas dahil baka daw may mangyari sa loob ng kumpanya. At least daw ay nandoon sila para agapan iyon." Sagot naman ng isang babaeng empleyado.
Napakunot naman ang noo ko at nagtanong sa babae, "Bakit sila nagpaiwan? Hindi ba delikado doon?" Kunwari nag aalala ako.
Tumawa ng mahina ang lalaking empleyado, "Bago ka lang ba?" Tanong nito at tumango naman ako, "Kaya naman pala. Hindi kasi normal ang boss natin kaya huwag kang mag alala. Isa pa may kasama syang malakas na tao kaya hindi sya mapapahamak."
Hindi na lang ako nagsalita at tumango na lang ako para kunwari nakinig ako sa kanila. Marami pa silang sinabi sa akin tungkol sa boss at sabi nila dalawa daw ang boss nila isang babae at isang lalaki. Bukod pa sa dalawang boss nila ay may isang tao pa na kahit ang boss nila ay nagbibigay galang pa rin.
Sino kaya yun? We really should be careful this time. Sabi ng lalaking empleyado na malakas daw ang lalaking iyon at marunong makipaglaban kaya naman kailangan namin magtriple sa pag iingat.
Nang makalabas na ako sa building ay tahimik akong humiwalay sa mga empleyado at pumunta sa gubat na nasa harapan lang ng building habang ang mga empleyado ay papunta sa open field. Mas okay siguro sa kanila na doon muna sila dahil malaki ang lugar na iyon at hindi sila matatakot na may mangyaring hindi maganda.
Nakipag kita ako sa mga kaibigan ko na naka-posisyon sa malayo or should I say naka-posisyon sa pinaka gitna ng gubat.
"So kumusta ang pamamasyal sa loob ng kuta ng kalaban?" Nakangising tanong ni Henry sa akin.
Umirap naman ako at sa ka nagsalita, "Bukod sa nalaman ko kung saan nila nilagay sila lola Paz ay nalaman ko rin kung anong klaseng tao ang dalawang boss nila."
Tumaas naman ang kilay ni Yana at nag-cross arm. "Oh? So paano mo nalaman?"
I smirk, "Ako lang ito, Yana. Of course, galing lang din sa bibig ng mga tauhan nila. Habang papunta kasi ako sa restricted area ng head quarters nila nakasalubong ko ang isang couple."
"Sila na ba yun boss?" Agad naman na tanong ni Min at umiling ako.
"Sad to say but no." Kaagad kong sagot at seryoso na tumingin ako sa kanila. "Seventy six and Thirty nine kung tawagin nila ang sarili nila and I'm sure na part sila ng inner core."
"Sila yung sinundan mo para malaman mo kung saan dinala sila lola Paz?" Tanong naman ni Kass at tumango ako.
"Yup. Bukod sa nalaman ko kung saan nila nilagay sila lola Paz nalaman ko rin na hindi bukal sa puso nila ang pagtatrabaho sa organisasyon." Seryoso ako na tumingin sa mga kaibigan ko at saka bumuntong hininga, "Alam nila sa umpisa pa lang na hindi sila magkakaroon ng maayos na buhay sa pinasok nila at once na napamahal sila sa iba ay hindi din magiging tahimik ang buhay nila." I paused, "Gustuhin man nilang dalawa na kumawala pero wala silang lakas para gawin iyon. Hindi ko alam kung may pinoprotektahan pa sila or wala pero handa silang mamatay para lang makawala sa hawak ng organisasyon."
BINABASA MO ANG
Mint Academy 4: Green Epidemic
FantasiaTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what will you do?