Here's the book cover for Mint Academy book 3: The world of the red
Sobrang hina ng internet ko so I can't view my dedication list online. SORRY! Thanks for waiting!
XOXO
Enjoy reading Minters!!!!
✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒
🔰CHAPTER TWENTY-EIGHT - OWN MISSION🔰
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Kaagad namang bumaba ang grupo ng kabataan na magbibigay ng assistance sa mga pasyente na nasa isang iskinita. Alam nila na late na sila at kailangan na nilang magmadali dahil sa hindi na maganda ang sitwasyon ng mga batang pasyente dito kaya naman nagmadali sila.
Kumunot naman ang noo ni Henry at napatigil sya kaya naman nagtaka ang mga kaibigan nito maging ang kanyang kasintahan.
"Ney, may problema ba?" tanong sa kaniya ni Yana.
"Wala naman akong problema." Henry said and then he look at his girlfriend and his friends, "Pero pamilyar sa akin ang lugar na ito. I saw this place on one of my fragments."
"You mean may kinalaman to kay Kesia?" tanong naman ni Min at parang nabuhayan sya ng loob.
Tumango naman si Henry, "Yeah pero hindi ko nakita kung ano ang nagyari. Basta pinakita lang ang mismong lugar na ito at ang isang bahay kasabay noon ang likod ng tatlong babae."
"Kasama ba doon ang likod ni sister in law?"
"Kung kikilalanin ko ang mga likod nila-" bahagyang napaisip si Henry, "Oo, kasama ang likod ni Akesia doon. I know si Akesia yun."
Kaagad naman na sumilay ang ngiti sa mga labi nila. "Thank goodness. She's alright." Aira murmured.
Tumango naman ang mga kaibigan nito bilang pag sang-ayon.
Kahit na nasa research team ang iba sa kanila ay sumama pa rin sila sa mission team verdant sophomore dahil wala silang maitutulong sa ngayon sa pagsaliksik ng lunas. Alam nila na mas kailangan sila sa field ngayon at iniwan kay Marvin ang paggawa ng lunas.
Alam na rin nila nakakausap ni Marvin si Akesia paminsan minsan kaya naman alam din nila na ligtas ang kaibigan nila.
Naglakad sila papasok sa iskinita at habang naglakad ay tinitingnan nila ang house number para matukoy ang bahay na kailangan nilang puntahan. Napatigil naman si Henry sa isang pamilyar na bahay at doon ay alam nyang ito ang bahay na nakita nya sa fragments nya at nang tingnan nya ang house number ito ang bahay na hinahanap nila.
"This house. It's this house!"
Bumakas naman ang gulat at pagkatuwa sa itsura ng mga kaibigan ni Akesia dahil sa wakas alam nila sa sarili nila na makikita na rin nila ang kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Mint Academy 4: Green Epidemic
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what will you do?