🔰 Mint Academy 4 - Chapter 45 🔰

3.6K 185 26
                                    

The end of book 4 and beginning of book 5 is near! Sana nandyan pa rin kayo para sumuporta! Maraming salamat po!

Enjoy reading!

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER FORTY-FIVE - VISIT🔰

Alyana's Point of View

Alas nuebe kami natapos mag ayos para makapunta kina Akesia. Ang balita kasi namin kagabi na may pumunta daw doon na taga Forbidden World na may healing ability kaya naman ang teraphy ni Akesia ay mas napaaga na matapos. 

Mas okay na rin iyon dahil sa hindi kami gaano nakakakilos ng maayos kapag kulang kami isa pa may desisyon kaming kailangan na sabihin kay kuya Jared. 

"Ready na kayo?" Tanong ko kay Jullia at Min nang sumilip ako sa kwarto. 

Inaayos na lang ni Min ang buhok nya samantalang si Jullia naman ay nakaupo sa kama at hinihintay na matapos si Min. 

"Ready na." Sambit ni Min at tumayo na rin naman si Jullia saka naglakad papunta sa akin. 

Nang makalabas kami sa dorm ay agad na pinagtinginan sila Jullia at Min. Of course, sino ba naman hindi mapapatingin? After nang nangyari sa grupo namin doon din nila nalaman na may something kila Ruzzel, Jullian, Jullia at Min. Dahil din doon ay nagkaroon ng issue pero wala namang naniniwala dahil may mga tao lang talaga na hindi kayang makakita na may nakakaangat sa kanila. 

"Oh, they have the nerves na magpakita pa pala sa ibang tao." Sambit ng babaeng nasa harapan namin. 

Olivia, one of the so called queen bees in this school. 

Napatingin naman sa akin si Kass, "Akala ko ba pang matalino ang school na ito? Bakit may naligaw atang tanga dito?" 

Napangiti naman ako dahil nakita ko kung paano mainis ang mukha ni Olivia sa sinabi ni Kass. Siya ang tinutukoy ko na ayaw makakita nang mas nakakaangat sa kanila. 

Bumuntong hininga naman ako, "Olivia, can you please shut you filty mouth? You can't even raise your rank and yet you have the nerve to block our way. Masyado na bang kinakalawang yang utak mo?" 

"Ha! Pare-pareho lang kayo! Mga mabababa ang tingin nyo sa kagaya namin! Dahil ano? Mas nakakaangat kayo sa ranggo? Ha! Eh yang grupo nyo naman ang malas! Marami nang namatay sa grupo nyo-" 

Hindi naman natapos pa ni Olivia ang sasabihin nya nang lumabas ang hangin sa paligid ni Min at nagsilutangan din naman ang mga paso na may mga tanim na bulaklak. Oh, girl. 

"Ahm, I think kailangan na natin gumilid?" Kinakabahang sambit ni Mark at hinila si Kass papalayo kina Min at Jullia. 

Ganoon din naman ang ginawa ni Henry, hinila niya ako papalayo sa dalawa kong kaibigan. Ayoko sana kaso baka madamay pa ako. 

"You're just a transfer student. How dare you to say that?" Malumanay pero halatang ayaw palampasin ni MIn ang sinabi ni Olivia. 

Nagulat ang mga estudyante na nasa paligid dahil alam nila ang kakayahan na meron kami yun nga lang ay nakakalimutan nila ang tungkol doon kapag lalabas ng school pero kapag nandito na sila ay naalala na rin naman ulit nila. This time, Olivia is really in trouble. Hindi niya alam na may kakayahan kaming ganito at wala din naman nagsasabi sa kanya dahil masyado na syang bully. 

"Mon..ter..." Takot na banggit ni Olivia. 

"Oh yeah, monster." Pag uulit naman ni Jullia at ngumiti ng nakakaloko, "Sorry but everyone knew about this ability that we have. Only you who dare to provoked us, well, I'll give you a ten points for that." At tumilapon naman si Oliva dahil sa pagpapalipad ni Jullia. 

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon