🔰 Mint Academy 4 - Chapter 31 🔰

4.6K 244 54
                                    

Surprise! Surprise! Here is a suprise update everyone!  Please support me on dreame by downloading dreame app, following me and reading my stories there! Thank you so much it means a lot!

 Ingat ang lahat! God bless!

ENJOY READING MINTERS!!!!

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER THIRTY-ONE - PROFESSOR HUN🔰

Tumatakbo na natanaw namin si Professor Hun at halatang excited na excited sya sa mukha nya at talagang masaya pa syang tunatakbo.

Hindi nya kami kaagad napansin kaya nang makita nya kami ay kaagad namang napakunot ang noo nya. Napansin nya si kuya kaya naman binati niya ito.

Take note ah si kuya lang!

Iba din itong professor na ito. Halatang walang galang sa iba at sarili lang ang iniisip.

"Head, magandang gabi po." Tinanguan lang naman sya ni kuya. Attitude din tong kapatid ko ah. Charot. "May problema po ba?"

Seryoso namang tumingin si kuya kay Professor Hun at ramdam na ramdam ko ang kaba na nararamdaman nya ngayon na kaharap nya si kuya. He knows how heavy my brother's words.

"Sa iyo ito?" tanong ni kuya at tinuro ang truck.

"Po?"

"Yung laman nito sa iyo ba?" paglilinaw naman ni kuya sa tanong nya.

Tumango naman kaagad si Professor Hun, "Opo saakin nga ito. May problema po ba?"
Kaagad naman nagbago ang mukha ni kuya at halatang pinag aaralan nito ang itsura at reaksyon ni Professor Hun. Mukha namang wala syang alam dahil iyon din ang nararamdaman ko sa nararamdaman ni Professor Hun.

"Sino naman nagpadala nito at para saan ito?" kalmado lang na tanong ni kuya.

"May kaibigan po akong nakausap at sinabi nilang nahanap na nila ang cure sa sakit na ito!" energetic pa na sabi ni Proessor Hun. Poor you professor nagamit ka sa kasamaan. "May problema po ba doon?"

Kumunot naman ang noo ni kuya saka sinabing, "Iyon na ang mismong problema Professor Hun. Alam mo na may protocol ang bansa natin ngayon at kahit nagbigay na ng pabuya ang pangulo natin para sa kung sino man ang makahanap ng lunas sa epidemya na ito ay may pabuya ay hindi pa rin ito basta basta pwedeng i-mas produce."

Kaagad naman na nagbago ang itsura ni Professor Hun at halatang ayaw magpatalo kay kuya.

"Head, alam ko na may protocol pero may proweba ako dito. Naiinggit ka ba na ako ang mabibigyan ng pabuya?"

Parang nagpantig ang pandinig ko sa sinabi nya.

"At sino naman ang maiinggit sa pabuya? Sure, sige, sayo na ang pabuya. Isaksak mo sa baga mo pero ang tanong..." I paused and look at Professor Hun, "Alam mo ba na gamot talaga yan?"

Bumakas ang galit sa mukha ni Professor Hun dahil sa sinabi ko at agad naman syang nagsalita, "Oo! Alam ko na gamot talaga ito sa mga nangyayari sa mundo! Ito na ang gamot sa epidemic tapos ayaw nyo i-mass produce ko? Para saan? Para ba makuha nyo ang pabuya na dapat sa akin?"

Eli sneered on what she heard and said, "Pabuya mo? Bakit nakakasigurado ka na ba na sayo talaga mapupunta ang pabuya? Na cure talaga iyan?"

"Heh~" Professor Hun said and look at us with anger "Ang gagaling nyo namang magpanggap. Para sasabihin nyo lang naman na gusto nyo mapasainyo ang pabuya at kasikatan eh."

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon