🔰Mint Academy 4 - Chapter 3🔰

5.3K 245 121
                                    

Here's the update for you guys!

Enjoy reading Minters!!!

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER THREE - STRANGE🔰


Two days akong nakila En at nang bumalik na si lolo Mariano sa bahay ay kaagad din naman nyang kinausap si En at pinauwi na ako.

Nang makarating ako sa bahay narinig ko si lola na may kausap sa telepono.

"Diri mo man kaipuhan na pagsurumatunan ako sin ig suon."

[Hindi mo naman kailangan na pagsabihan ako ng ganyan.]

Huh? What language was that?

"Kay nano wara ako nahimuan para sa iyo? Daghan na an nahimo ko kaya diri mo ako pagsurumatunan sin ig suon! Diri mo na ako magkaisturyahon daghan an kaipuhan ko na himuon at diri kaupod didto an pakikaisturya ko sa imo!"

[Bakit wala ba ako nagawa para sa inyo? Marami na ang nagawa ko kaya di mo ako pagsabihan ng mga ganyan! Huwag mo na ako kausapin marami pa akong kailangan gawin at hindi kasama doon ang pakikipag usap sayo!]

Nang humarap si lola ay nagulat naman sya ng makita nya ako kaya naman sumungit lalo ang mukha nya.

"La, what language was that?" tanong ko at nagbago naman ang itsura nya.

"Ang dami mong tanong. May mga bagay na hindi mo na dapat inaalam pa dahil mapapahamak ka lang. Bumalik ka na sa kwarto mo pero inumin mo muna ang gamot mo." tumango naman ako.

Pagdating ko sa kwarto nakaready na ang gamit ko at pati na rin ang mga gamot na iinumin ko. To be honest parang ayoko na inumin ang mga ito sobrang dami kasi and anytime na iinom ako pagkagising ko parang sobrang sama ng pakiramdam ko.

Sabi ni lola para daw bumalik lahat sa katawan ko lahat ng nawala noong hinulog ako sa bangin kaya ganito karami ang iniinom ko but sometimes I doubt her words.

Ininom ko na langng mga gamot at saka nagpahinga.

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

Nakatayo ang isang lalaki at babae sa harap ng isang dalagang may mga kadeda sa paa at kamay at walang malay.

"Akesia Mendez." tawag ng lalaki.

"Do we really need to do this to her?" tanong naman ng babae.

"Kung hindi natin gagawin ito ano sa tingin mo ang mangyayari?" walang emosyong tanong naman ng lalaki sa babae.

"Makakatakas sya?"

"Kuha mo."

"But-"

"No buts. Ni hindi nga pwede malaman ng iba na nandito sya sa atin eh. She can help us both and once na malaman nila mamamatay tayo kasama nya. Do you understand? You have someone to protect so do I kaya kailangan natin mag ingat."

Tumango na lang ang babae at binuhusan ng tubig si Akesia. Akesia open her eyes for a moment pero dahil sa sakit ng ulo ay marahas niya itong pinikit.

"Finally you're awake." a man said.

"What do you need?" walang lakas na tanong ni Akesia at tiningnan ang paligid. "Where am I?"

"Why would we tell you? Edi nalaman mo kung nasaan ka. Anyways, since matalino ka and that friends of yours thought you were dead then we have to make a deal." a woman said.

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon