NOTE: MUST READ:
KAHIT NA ANONG SABI NYO NA "please update AGAD." NOPE, NOT GONNA HAPPEN. MY UPDATE DEPENDS ON MY BABY'S MOOD. IF SHE'S BEHAVE EDI MAKAKAPAG TYPE AKO PERO KUNG HINDI? EDI HINDI. SORRY PERO HINDI KO TALAGA MAGAGAWANG MAG UPDATE KAGAYA NG DATI. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING. I WONT UPDATE TWICE A DAY KAYA WAG UMASA. MASASAKTAN LANG KAYO. THANK YOU!
✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒
This chapter is dedicated to @justmemarga na isa DAW sa silent reader ko pero LAGI ko namang nababasa ang mga comment. Hahaha. Thank you for your love and support. Stay home and stay safe. God bless you and your family.
✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒
🔰CHAPTER NINETEEN - FIND THE WAY🔰
Third Person's Point of View
Kinakabahan na naghihintay ang sophomore verdant sa green house na pinatayo ni Jared para sa mga verdant. Sa ngayon ang sophomore at ang junior verdant lamang ang nakakapasok sapagkat ang mga freshmen verdant ay busy pa sa adjustment sa buhay nila at ang mga senior verdant naman ay nasa mission pa.
"Kinakabahan ako sa pagpapatawag sa atin ni Senior Marvin." Sambit ni Aira habang dinuduyan ang mga paa nya at nakatingin sya dito.
"Ano kayang balak ni Senior Marvin?" tanong naman ni Ruzzel.
"Baka naman may nalaman si kuya or what di ba? Hindi naman magpapatawag ng general meeting sa atin yun unless involve si Kesia doon." Sagot naman ni Jullia.
"Wala ka bang natanggap na balita sa kanya?" tanong naman ni Jullian.
Umiling si Jullia at saka sinabing. "Wala eh. Hindi naman ako kinakausap ni kuya kapag napapauwi tayo sa bahay." At nag pout ito.
"I think it is related to Akesia." Basag naman ni Henry sa pananahimik nya habang nilalaruan ang buhok ni Yana at napatingin naman ang lahat sa kanya. "I have this vision na magpapatawag sa atin si Marvin ng meeting pero hindi ko nalaman na ngayon pala iyon."
"Ney, hindi mo na ba nakita yung babaeng iyon sa vision mo?" tanong naman ni Yana sa kanya.
"Kagabi."
"Anong nakita mo kagabi? Baka makatulong sa paghahanap natin yan." Napatingin naman silang lahat sa pinaggalingan ng boses at nakita nila si Marvin naglalakad palapit sa kanila. "Oh bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Mukha ba akong mamamatay tao?"
"Kahapon kuya? Yes, pero ngayon?" tapos tiningnan sya ni Jullia mula ulo hanggang paa. "Okay na, pasado na naman."
"Nakita ko na may tatlong babae na nasa isang room. White room." Sagot naman ni Henry.
Sandaling napaisip si Marvin saka sya nagsalita, "Is Kesia one of them?"
Umiling si Henry, "Hindi ko nakita kung sino ang tatlong yun. Masyadong malabo. Kung pagbabasehan naman ang katawan hindi ko rin masyado makilala ang katawan ng kahit isa sa kanila."
Napahawak naman sa baba si Marvin, "Baka nga si Kesia yun."
"Nagbibiro ka ba Senior? Alam namin na miss mo na talaga si Kesia at kami rin naman pero huwag mo naman paniwalain ang sarili mo." Malungkot na sambit ni Min.
"Oo nga naman Senior Marvin. Naiintindihan ka naman namin." Dugtong naman ni Kass.
Kumunot naman ang noo ni Marvin. "Mukha ba akong nagbibiro sa inyo? Mukha bang pinapaniwala ko lang ang sarili ko?"
BINABASA MO ANG
Mint Academy 4: Green Epidemic
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what will you do?